1. MAIKLI ANG NILALAMAN Karaniwang hindi binabasa ang mahahabang bionote , lalo na kung hindi naman talaga kahanga - hanga ang mga dagdag na impormasyon .
2. GUMAMIT NG PANGATLONG PANAUHING PANANAW Laging gumamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito ay tungkol sa sarili .
3. KINIKILALA ANG MAMBABASA Kailangang isaalang - alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote .
4. GUMAGAMIT NG BALIKTAD NA TATSULOK Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin , unahin ang pinakamahalagang impormasyon .
5. NAKATUON LAMANG SA ANGKOP NA KASANAYAN O KATANGIAN Piliin lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote .
6. BINABANGGIT ANG DEGREE KUNG KAILANGAN Mahalagang isulat sa bionote ang degreee na nakuha ng isang awtor dahil isa ito sa mahalagang impormasyon na dapat malaman ng isang mambabasa .
7.MAGING MATAPAT SA PAGBABAHAGI NG IMPORMASYON Siguraduhing tama at totoo ang mga imormasyon na ilalagay sa bionote .