Pagsulat ng Lakbay- Sanaysay sa Filipino sa Piling Larang Grade 12- Ang pagsukat ng lakbay sanaysay ay isang naktutuwang gawain.
Size: 26.76 MB
Language: none
Added: Sep 22, 2025
Slides: 8 pages
Slide Content
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
LAKBAY-SANAYSAY
- isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay magtala ng mga nagging karanasan sa paglalakbay . Kinabibilangan dito ang natutunan sa kultura , wika at kasaysayan ng isang lugar . - isang maikling bahagi ng pagsulat na nagmumula sa personal na paningin ng awtor at nagpapakita ng isang makabuluhang paksa . LAKBAY-SANAYSAY
Layunin ng lakbay-sanaysay Maitaguyod ang isang lugar . Gumagawa ito ng gabay para sa ibang manlalakbay . ( hal . Ang daan at ibang modo ng transportasyon ) Pagtatala ng sariling paglalakbay na kabilang dito ang espiritwalidad , pagpapahilom , o paghihilom , at pagtuklas sa sarili . ( Para hindi makalimutan ang mahalagang detalye ) Magdokumento ng kasaysayan , kultura , at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing paraan .
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista. ( Kaibahan ng turista sa manlalakbay ) Sumulat sa unang panauhang punto-de-vista. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay . Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay .
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay . 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay . 7. Dapat ay malinaw ( simpleng salita at maayos ang daloy ng paglalahad ), may katiyakan ( pokus ng paksa at interes ng mambabasa ), may kaugnayan ( kaisahan ng ideya o pagpapaliwanag ) ang gagamiting salita at bubuoing mga talata sa larawang ipapakita at bigyang diin ang mga bagay na dapat ipakilala . ( kultura , wika , tanawin ).