Lektura_Unang Wika at Ikalawang Wika_Kompan.pptx

JasonSebastian11 0 views 30 slides Oct 13, 2025
Slide 1
Slide 1 of 30
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30

About This Presentation

Tinatalakay nito ang konsepto ng una at ikalawang wika.


Slide Content

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Hulog ng langit.

Parang sipon sa ilong.

Parang aso at pusa.

Balat-sibuyas

Hampas-lupa.

Kapit sa patalim.

Unang Wika at Ikalawang Wika

Unang Wika Ang unang wika ang kinamulatan at natural na ginagamit ng isang tao. Ayon kina Skutnabb-Kangas at Philippson (1989), ang unang wika ay maaaring alinman sa mga sumusunod:

Unang Wika (1) ang wikang natutuhan sa mga magulang; (2) ang unang wikang natutuhan, kanino pa man ito natutuhan; (3) ang mas dominanteng wikang gamit ng isang tao sa kaniyang buhay; (4) ang unang wika ng isang bayan o bansa; (5) ang wikang pinakamadalas gamitin ng isang tao sa pakikipagtalastasan; o (6) ang wikang mas gustong gamitin ng isang tao.

Unang Wika Sa aklat na First Language Acquisition (2009), masusing tinalakay ni Eve V. Clark ang mga teorya sa pagkatuto ng unang wika. Aniya, natututuhan na ng isang sanggol ang wika pagkasilang pa lamang.

First Language Acquisition (2009) Dalawang antas ng hirap ang pinagdaraanan ng isang sanggol na natututong magsalita: konseptuwal at pormal.

First Language Acquisition (2009) Ang hirap na konseptuwal ay ang pagsubok na maintindihan ang ideyang kinakatawan ng isang salita samantalang ang hirap na pormal ay ang pagsubok na maunawaan ang mga tuntuning pangwika o magamit ang mga ito nang tama.

Littlewood (1984) Bago ang Dekada 60, behaviorist ang namamayaning pananaw sa pag-aaral ng pagkatuto ng unang wika. Nangunguna sa mga ito si B.F. Skinner na tinalakay sa kaniyang aklat na Verbal Behavior (1957) kung paano nagiging isang “asal” na nagpapatibay ang pagkatuto ng unang wika, sa halip na isang “aral” na natututuhan.

Behaviorist Aniya, ang pagkatuto ng unang wika ay isang nabubuong ugali” na mailalarawan sa mga sumusunod:

Behaviorist (1) ginagaya ng isang bata ang mga tunog at ayos ng mga naririnig sa paligi;

Behaviorist (2) alam ng matatanda na sinusubukan ng batang makapagsalitang gaya niya kaya ipaparamdam niya ritong tama ang ginagawa nito upang ganahan itong magpatuloy; maaari din siyang magbigay ng gantimpala;

Behaviorist (3) upang lalo pang matuwa sa kaniya ang matanda o magbigay ito sa kaniya ng gantimpala, uulit-ulitin ng bata ang pagsasalita hanggang sa ito ay makaugalian na niya;

Behaviorist (4) ang pagsasalita ng isang bata ay patuloy na mahuhubog.

Nativist Ayon naman sa paniniwala ng mga nativist, ang isang bata ay ipinanganak na may likas na kakayahang matuto ng unang wika. Sinasabing dahil ito sa tinatawag na Language Acquisition Device o LAD, isang aparato sa pagsasalita na bahagi ng isip ng tao.

Nativist Ayon kay Littlewood (1984), ang LAD ay may mga sumusunod na katangian: (1) tanging ang mga tao ang may LAD at likas itong gumagana para sa mga normal na tao mula pagsilang hanggang mga edad labing-isa;

Nativist at (2) ito ang nagbibigay sa mga bata ng kakayahang masagap at maintindihan ang mga salitang ginagamit sa kanilang kapaligiran upang sila mismo ay magamit ito.

Saysay ng Unang Wika Ayon kay Clark (2009), ang pangunahing saysay ng pagkatuto ng unang wika ay upang gawing bahagi ang isang bata ng isang pamayanan na nagkakaintindihan sa isang wika.

Ikalawang Wika Ang anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao pagkatapos niyang matutuhan ang unang wika. Sa ilang pagkakataon, maaaring magkaroon ng dalawang unang wika ang isang tao, lalo na kung magkaiba ang unang wika ng kaniyang mga magulang.

(Introducing Second Language Acquisition (2006) ni Muriel Saville-Troike). Anumang dagdag na wikang natutuhan ng isang tao pagkatapos niyang matutuhan ang unang wika. Ang ikalawang wika ay isang opisyal na wika o wikang namamayani sa lipunan na gamit sa pag-aaral, trabaho, at anupamang mahalagang pangangailangan

Saville-Troike, 2006 May tatlong paraan ng pagkatuto ng ikalawang wika. Una ay ang impormal na pagkatuto na nagaganap sa likas na kapaligiran. Ikalawa ay ang pormal na pagkatuto o ang organisadong pag-aaral ng wikang nagaganap sa paaralan. Ikatlo ang magkahalong pagkatuto na kapuwa gumagamit ng likas at pormal na mga paraan sa pagkatuto ng ikalawang wika.

Saville-Troike, 2006 Ang pagkatuto ng ikalawang wika ay dumaraan sa tatlong yugto: ang panimula, panggitna at panghuli (Saville-Troike, 2006).

Unang Yugto Ang panimulang yugto ay namumuhunan sa kaalamang taglay na at nagagawa ng isang tao dahil sa unang wika.

Ikalawang Yugto Sa panggitnang yugto nagaganap ang mismong paglilipat ng dating kaalaman at kasanayan mula unang wika tungong ikalawang wika. Ito ay positibong paglilipat kapag ang isang tuntunin sa unang wika na ginamit sa ikalawang wika ay lumabas pa ring epektibo, angkop, o katanggap-tanggap samantalang negatibong paglilipat naman kapag ang kabaligtaran.

Ikatlong Yugto Sa panghuling yugto nakikita ang kinalabasan ng pag-aaral ng ikalawang wika. Ayon kay Saville-Troike (2006), hindi maaaring taglayin ng isang natuto lamang ng ikalawang wika ang pagiging natural ng kasanayang lingguwistiko ng nagsasalita ng wika na iyon bilang unang wika.