LIKAS NA BATAS MORAL- Ang kahulugan at ang gamit nito sa BATAS ng Lipunan
JECELLYSORONGON1
0 views
8 slides
Oct 03, 2025
Slide 1 of 8
1
2
3
4
5
6
7
8
About This Presentation
Ito ay ang pagkilala sa mabuti at masama. Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
Size: 1.1 MB
Language: none
Added: Oct 03, 2025
Slides: 8 pages
Slide Content
LIKAS NA BATAS MORAL Pangalawang Markahan : Gawain 1
Kahulugan : Likas na Batas Moral – Ito ay ang likas na kakayahan ng tao na makilala at magpasya kung alin ang Mabuti at masama gamit ang kanyang isip at konsensya . Nakasulat ito hindi sa papel Kundi sa puso at isip ng bawat tao , kaya’t pangkalahatan , permanente at hindi nagbabago .
Gawain: “ Ang tinig ng konsensya ” Layunin : Maunawaan ang kahulugan at kabuluhan ng likas na batas moral. Mailapat ito sa pang- araw - araw na sitwasyon sa pamamagitan ng tamang pagpapasya .
Panuto : ( by Pair activity , use one whole for your answer sheet) Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon . Sagutin ang tanong sa bawat bilang batay sa likas na batas moral at paggabay ng konsensya .
Mga sitwasyon : Nakakita ka ng wallet na may laman na pera sa loob ng silid-aralan . Alam mo kung kanino ito , ngunit kailangan mo rin ng pera para makabayad ng proyekto . Ano ang dapat mong gawin ? Bakit?
Mga sitwasyon : May kaklase kang nahihirapan sa aralin . Nais ka niyang kopyahan sa pagsusulit . Kung tutulungan mo siya , hindi ka mapapagalitan , ngunit alam mong mali ito . Ano ang tamang desisyon ? Ano ang sinasabi ng likas na batas moral?
Mga sitwasyon : 3. Nakita mong inaaway ng isang grupo ng kaklase ang isa mong kaibigan . Nais mong tumulong pero natatakot kang ikaw naman ang pagtulungan . Paano mo mailalapat ang likas na batas na moral sa sitwasyong ito ?
Paglalapat : pang- isahang gawain Panuto : Isulat sa isang kalahating papel ang iyong sagot at ipaliwanag kung paano gumabay ang likas na batas moral sa iyong desisyon . Pagkatapos , sumulat ng isang personal na karanasan kung saan pinili mong gumawa ng tama kahit mahirap .