lipunang-sibilmedia-at-simbahan (1).pptx

AlyssaReyneJoyMina 6 views 18 slides Sep 09, 2025
Slide 1
Slide 1 of 18
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18

About This Presentation

grade 9 modyul


Slide Content

Ating balikan … Ang lipunang pang- ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao . Sa lipunang pang- ekonomiya , ginagawa ng mga tao na malaking tahanan ang bansa isang tunay na tahanan kung saan maaring tumahan ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay .

Ang pamahalaan ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas upang matiyak nito na matugunan ang mga pangangailangan sa lipunan .

LIPUNANG SIBIL Ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t -isa. Hindi ito isinusulong ng mga politiko o ng mga negosyante na may pansariling interes . Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business)

Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod,kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan .

Batas na naisulong : Anti-Sexual Harassment Act (1995) Women in Development and Nation-Building Act (1995) Anti-Rape Law (1997) Rape Victims Assistance and Protection Act (1998) Anti- Trafficking of Persons Act (2003)

Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004) Binuo ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi at Sulo ang Consultation on Peace and Justice. Pagkatapos nito , nabuo ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ).

Anti-Rape Law (1997)- na kilala rin bilang  Republic Act No. 8353, ay isang batas na naglalayong protektahan ang mga indibidwal laban sa panggagahasa . Ang batas na ito ay naglalaman ng mga probisyon na nagbibigay ng mahigpit na parusa sa mga nagkasala ng panggagahasa at naglalagay ng mga hakbang upang mapanagot ang mga salarin . Rape Victims Assistance and Protection Act (1998) na kilala rin bilang  Republic Act No. 8505, ay isang batas na naglalayong magbigay ng agarang tulong at proteksyon sa mga biktima ng panggagahasa . Layunin ng batas na ito na tiyakin ang kaligtasan , karapatan , at kagalingan ng mga biktima habang kanilang kinakaharap ang proseso ng hustisya .

Anti-Sexual Harassment Act (Republic Act 7877) (1995)-Ito ay batas patungkol sa unwelcome sexual advance, paghingi o pagde -demand ng sexual favor, o anumang klase ng pananalita o kilos na may bahid sekswal . Women in Development and Nation-Building Act (Republic Act 7192) (1995)-Ang batas ay naglalayong masiguro ang buong pakikilahok ng mga kababaihan sa pag-unlad ng bansa , na nagbibigay-daan sa kanila na mag- ambag nang buo sa pagtatayo ng isang mas pantay at makatarungang lipunan

Anti- Trafficking of Persons Act (2003) ay kilala rin bilang Republic Act No. 9208, ay isang batas na naglalayong labanan at pigilan ang trafficking ng mga tao , lalo na ang mga kababaihan at mga bata. Layunin ng batas na ito na protektahan ang mga indibidwal mula sa pang- aabuso at pang- aalipin sa pamamagitan ng pagtukoy , pagtugon , at pagpapanagot sa mga salarin ng human trafficking.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004) ay kilala rin bilang Republic Act No. 9262, ay isang batas na naglalayong protektahan ang mga kababaihan at kanilang mga anak laban sa anumang uri ng karahasan . Layunin ng batas na ito na mapanagot ang mga nagkasala ng karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak , at magbigay ng kaukulang proteksyon at suporta sa mga biktima .

Pagkukusang – loob-walang pumilit , nanakot , o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot . Bukas na pagtatalastasan- walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin . Walang pang- uuri - hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi . Katangian ng iba’t-ibang Anyo ng Lipunang Sibil

Pagiging organisado- nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan,nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan . May isinusulong na pagpapahalaga - ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang-panlahat – katotohanan at espiritwalidad

Anumang bagay na “ nasa pagitan ” o namamagitan sa nagpapadala at pinadalhan ay tinatawag sa latin na medium o media kung marami . Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin,tinatawag natin itong mass media :diyaryo,radio,telebisyon,pelikula o internet. Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay napananatili mo ang ikabubuti ng iba pang kasapi ng lipunan .

Pangunahing layunin ng Media ay ang magsulong ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan . Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasaabi ng katotohanan . Ito rin ay pinaglalagakan ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito,hindi ikabubuti ninuman ang kasinungaling dulot pagdagdag - bawas sa katotohanan

Ang Simbahan Gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili , makararamdam ka pa rin ng kawalan ng katuturan . • Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan . Sa katunayan , ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan , at pagtugon sa panawagan ng lahat na , “Paki lang.”

Papa Juan Pablo II: “Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa kundi isang pag - ibig na lumilikha .” San Ignacio: “ Kapag naglihim tayo, doon magtatrabaho ang demonyo .”

Malala Yousafzai: walong taong gulang nang magsimulang sumulat ng blog na naglalarawan kung gaano kadelikado ang mag- aral sa gitna ng panggigipit ng mga Taliban. Ngayon kapag may nagagawing Taliban sa kanilang bayan, hinaharap ito ng mga kabataang babae at buong tapang nilang idinedeklarang “ Ako si Malala.”
Tags