LINGGO 7 UNANG ARAW Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kasaysayan ng Kinabibilangang Komunidad
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Naipakikita ang pagpapahalaga sa kasaysayan sa pamamagitan ng pagsasadula ng kasaysayang pampook
Panimulang Gawain
Maghanada ng limang larawan na may kaugnayan sa kasaysayan . Ipatukoy ang mga ito sa mga bata.
Aguinaldo Shrine
Bahay ni Dr. Jose Rizal
Taal Basilica
Paglalahad ng Layunin
Naipakikita ang pagpapahalaga sa kasaysayan sa pamamagitan ng pagsasadula ng kasaysayang pampook .
Susing Salita
Mayor Eric Africa
pistang bayan
munisipyo
kalye
Ang “ kasaysayan ng isang komunidad ” ay may mga iba't ibang aspeto na maaaring pag-aralan o suriin upang mas maintindihan ang pag-unlad at pagbabago ng lipunan . Kasaysayan
Pagbasa ng maikling dula-dulaan : Tauhan : 1. Andres - isang matandang mangingisda na may malalim na kaalaman sa kasaysayan ng pook . 2. Luisa - isang guro sa paaralan na interesado sa lokal na kasaysayan . 3. Diego - isang kabataang estudyante na hindi gaanong interesado sa kasaysayan ngunit handang makinig .
Tagpo : Sa Baybayin Isang umaga sa tabing dagat . Si Andres at Luisa ay nakatayo malapit sa dalampasigan , nagmamasid sa alon . Andres: ( nakaturo sa malayo ) Tingnan mo , Luisa, ang dagat na ito . Dito nagsimula ang mga pangyayari ng nakaraan ng aming bayan.
Luisa: (nag- aalangan ) Tunay po ba iyan , Mang Andres? Paano natin malalaman ang nangyari rito ? Andres: ( nakangiti ) Ang dagat , Luisa, ay hindi lamang tubig . Ito'y hugis ng mga alaala ng mga taong nagdaan . Dito nagsimula ang mga biyahe papunta sa mas malalayong pook . At dito rin unti-unting nabuo ang ating bayan.
Papasok si Diego, naglalakad nang walang pakialam sa paligid . Diego: (nagtataka) Bakit ba importante ang mga alaala ng dagat na ito? Andres: (tumingin kay Diego) Anak, ang kasaysayan ay tulad ng alon. Ito ay patuloy na pumupukaw sa atin upang alamin kung saan tayonanggaling at paano tayo nagiging kung ano tayo ngayon.
Luisa: ( nagkakainteres ) Mang Andres, paano nagsimula ang bayan natin? Andres: ( naglalarawan ) Noong unang panahon , may mga dayuhan na dumayo rito upang maghanap-buhay . Sa bawat hakbang na kanilang ginawa , unti-unti nilang binuo ang komunidad . Hanggang sa naging bayan na ito .
Diego: ( nagdududa ) Parang ang gulo-gulo naman ng kasaysayan . Andres: ( ngumingiti ) Hindi lahat ng araw ay maliwanag , Diego. Ngunit sa bawat alon na dumadaan , natututo tayong makinig at bumuo ng ating sariling kahulugan ng pagkakakilanlan .
1. Ano ang pinag-usapan sa talakayan ? 2. Mula sa talakayang napakinggan , ano-ano ang mahahalagang bahagi o pangyayari na nagpapahayag sa kasaysayan ng komunidad ? MGA TANONG:
3. Dapat ba nating ipagmalaki at pahalagahan ang ating kasaysayan ? Bakit? 4. Bilang mag- aaral sa ikatlong baitang , papaano mo maipapakita ang pagmamalaki sa kasaysayan ng iyong komunidad ?
Paglalapat
Magtala ng dalawang mahahalagang tao o pangyayari sa kinabibilangang komunidad .
Mahalagang tao o pangyayari Paglalarawan
Gamit ang mga mahahalagang tao at pangyayari mula sa tsart , gumawa ng isang script o maikling talakayan na nagpapakita ng inyong pagpapahalaga sa komunidad . 🎭 Gabay: Gamitin bilang inspirasyon ang dula-dulaang ating binasa at tinalakay kanina . 📝 Gawain ng Pangkat:
🤝 Paalala : Magkaisa ! Magplano , magtulungan , at magbahaginan ng ideya . Lahat ng kasapi ay dapat may ambag . 📅 Tandaan : Ang inyong script ay isasadula bukas sa harap ng klase . 📝 Gawain ng Pangkat:
Paglalahat
1. Paano mo pahahalagahan ang kasaysayan ng iyong kinabibilangang komunidad ? TANONG: 2. Bilang mag- aaral sa ikatlong baitang , ano ang maari mong gawin upang mapangalagaan ito ?
PAGTATAYA
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kasaysayan ng kinabibilangang komunidad at MALI kung hindi .
______1. Ang bawat pahina ng aklat na naglalaman ng kasaysayan ng kanilang komunidad ay parang kayamanang binabasa ni Nnel Stephen nang may buong pagmamahal .
______ 2. Ang kanyang pagmamalasakit sa kasaysayan ay ipinakita ni Duchess sa pamamagitan ng pagbabago ng mga programa sa paaralan na nagtuturo ng kanilang lokal na kasaysayan .
______ 3. Buong puso at pagmamahal ang inilaan ni Bini sa bawat talakayan tungkol sa nakaraan , dahil naniniwala siyang ang kasaysayan ang susi sa isang magandang kinabukasan .
______ 4. Sa tuwing ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kanilang baryo , si Darlene ay laging aktibong kalahok sa palatuntunan .
______ 5. Buong giliw na inipon ni Ezra Crizelle ang mga lumang larawan nat mahahalagang dokumento ng kanilang bayan upang lumikha ng isang album na nagpapaalala sa kahalagahan ng kanilang kasaysayan