MAKABANSA W1Q1 day 1 FOR GRADE 3 BASED ON THE REVISED K TO 12
AraMaeAManabat
5 views
31 slides
Sep 03, 2025
Slide 1 of 31
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
About This Presentation
MAKABANSA GRADE 3
Size: 459.44 KB
Language: none
Added: Sep 03, 2025
Slides: 31 pages
Slide Content
LINGGO 1 UNANG ARAW Payak na Kahulugan ng Kasaysayan
LINGGO 1 UNANG ARAW Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Nabibigyang-kahulugan ang kasaysayan.
Panimulang Gawain Tingnan ang larawan ng Luneta Park ( Maaari itong palitan ng makasaysayang lugar sa kinabibilangang pook ( maaaring sa barangay, bayan, lungsod , lalawigan , o rehiyon )
Panimulang Gawain
Panimulang Gawain Mga Tanong : 1. Sino sa inyo ang nakapunta na sa lugar na ito ? 2. Ano- ano ang makikita rito ? 3. Maaari ba ninyong ilahad sa klase ang inyong naging karanasan sa pagpunta rito ? 4. Bakit ito pinupuntahan ng mga tao lalong-lalo na ng mga turista?
Paglalahad ng Layunin Sa aralin natin sa araw na ito, inaasahan na nabibigyang-kahulugan ang kasaysayan.
Sino Ano Kailan Saan Gawaing Pag-unawa sa mga Susing-Salita/Parirala
Gawaing Pag-unawa sa mga Susing-Salita/Parirala Kailan natin ginagamit ang tanong na ito ? Ano ang inaasahan nating sagot sa mga tanong na nagsisimula rito ? Sino
Gawaing Pag-unawa sa mga Susing-Salita/Parirala Kailan natin ginagamit ang tanong na ito ? Ano Ano ang gamit ng tanong na ito? Kailan
Gawaing Pag-unawa sa mga Susing-Salita/Parirala 1. Kailan natin ginagamit ang tanong na ito ? SAAN 1. Kailan natin ginagamit ang tanong na ito? BAKIT
Pagbasa/ Pag-unawa sa Mahahalagang Ideya Ipakita at iparinig ang awiting pambata patungkol sa Luneta Park. Maaari ding gumamit ng ibang bidyo na naglalahad ng isang makasaysayang lugar sa kinabibilangang pook
Video
Pagbasa/ Pag-unawa sa Mahahalagang Ideya Mga Tanong : 1. Tungkol saan ang awitin ? 2. Ano ang sinasabi nito patungkol sa Luneta Park/ makasaysayang pook na pinili ng guro ?
Pagbasa/ Pag-unawa sa Mahahalagang Ideya Ayusin ang mga jumbled letters upang makabuo ng salita . S Y A S A Y K N S A KASAYSAYAN
Pagbasa/ Pag-unawa sa Mahahalagang Ideya Ang tinalakay nating lugar ay mahalagang bahagi ng ating kasaysayan . KASAYSAYAN
Pagbasa/ Pag-unawa sa Mahahalagang Ideya Ang kasaysayan ayon kay Zeus Salazar ay isang salaysay patungkol sa nakaraan o nakalipas na may saysay . Ibig sabihin ito ay salaysay na may kahulugan , katuturan , at kabuluhan sa kinabibilangang komunidad .
Pagbasa/ Pag-unawa sa Mahahalagang Ideya Ang kasaysayan ay may mga elemento . Ang ilan sa mga ito ay: 1. Tao 2. Pangyayari 3. Panahon 4. Lugar
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan THINK-PAIR-SHARE Humanap ng inyong kapareha Sa loob ng dalawang minuto ay ibahagi mo ang naranasan ng inyong lugar noong nagdaang linggo o buwan .
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan TANONG: 1. Ano ang mahalagang naganap sa inyong kinabibilangang pook noong nakaraang linggo o buwan ? 2. Paano nakaaapekto sa inyong pamayanan ang pangyayaring ito ? 3. Ano ang naging tugon ng inyong komunidad sa pangyayaring ito ?
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan PAGBABAHAGI SA KLASE Tumawag ng mga piling mag- aaral upang magbahagi sa klase .
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Mga Tanong : 1. Naging madali ba sa inyo ang ating naging gawain ? Bakit? 2. Ano ang ginawa ninyo upang malaman ng inyong kamag-aral ang mga naganap sa inyong kinabibilangang lugar noong nagdaang linggo o buwan ?
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Mga Tanong : 3. Ano- ano ang nakapaloob sa salaysay ng inyong mga kamag-aral upang maunawaan ninyo ang kaniyang ibinabahagi ? Ang apat na elemento - tao , lugar , pangyayari , at panahon .
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Mga Tanong : 4. May epekto ba sa iyong kamag-aral ang pangyayari sa kanilang kinabibilangang pook noong nakaraang linggo o buwan ? Ano ang ibinunga nito ?
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Mga Tanong : 5. Mahalaga ba na alam at nauunawaan natin ang mga nakalipas na pangyayari sa ating kinabibilangang pook ? Bakit?
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Ang ibinahagi ninyo ay bahagi ng kasaysayan ng inyong kinabibilangang pook .
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Ang kasaysayan ay isang salaysay o kuwento patungkol sa nakaraan o nakalipas na may saysay . Ibig sabihin ito ay koleksiyon ng mga pangyayari at karanasan ng tao sa nakaraan na may kahulugan , katuturan , at kabuluhan sa kinabibilangang komunidad .
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Dapat na maliwanag at nauunawaan ang tao , panahon , lugar , at pangyayari upang ito ay masabing salaysay o kuwento ng nakalipas na may saysay .
Paglalapat at Paglalahat 1. Buuin ang pangungusap . Ang kasaysayan ay isang ___________ patungkol sa nakaraan o __________ na may __________. Ito ay may mga elemento . Ang ilan dito ay __________, __________, __________, at __________.
Paglalapat at Paglalahat 2. Ano ang dapat mong maging damdamin at gawin patungkol sa kasaysayan ng iyong kinabibilangang komunidad ?
Pagtataya Tukuyin kung anong elemento ng kasaysayan ang inilalahad ng mga sumusunod na bilang . 1. Jose Rizal 2. Bagumbayan 3. Disyembre 30, 1896 4. Pagbaril kay Dr. Jose Rizal 5. Maynila