Magsulat humayo.dayo dayum kailangan ko lang ng pang assignment
Size: 92.84 KB
Language: none
Added: Oct 16, 2025
Slides: 17 pages
Slide Content
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI
A. Uri ng mga Tagapakinig B. Tema o Paksang Tatalakayin C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
A. Uri ng Tagapakinig Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati , mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman , pangangailangan , at interes ng kanyang magiging tagapakinig . Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan , ang ilan sa dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang tagapakinig ay ang sumusunod :
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig 2. Ang bilang ng mga makikinig 3. Kasarian 4. Edukasyon o antas sa lipunan 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig Mahalagang alamin ang edad o gulang ng nakararami sa mga tagapakinig . Iakma ang nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig .
2. Ang bilang ng mga makikinig Kung maraming makikinig , marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati . Mapaghahandaan nang husto ang talumpati kung batid ang dami ng makikinig .
3. Kasarian Madalas magkaiba ang interes , kawilihan , karanasan , at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan . Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa .
4. Edukasyon o antas sa lipunan Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang pangkat , mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa kanila . Kung an karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan , iba ring pamamaraan sa pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila .
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig Dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa . Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa paksa , sikaping sangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes .
B. Tema o Paksang Tatalakayin Ang isa pang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang tema ng okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ng pagtatalumpatian . Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon .
Casanova at Rubin (2001) Retorikang Pangkolehiyo Upang HIGIT na maging kawili-wili ang talumpati dapat makitaan na may sapat na kaalaman ang mananalumpati hinggil sa paksa Tandaan na ang pagsulat ng talumpati ay kailangan ang sapat na paghahanda , pagpaplano at pag-aaral tungkol sa paksa .
Mga Hakbang na Maaaring Isagawa sa Pagsulat ng Talumpati 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin 2. Pagbuo ng Tesis 3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Panuto
1. Pananaliksik ng D atos at mga Kaugnay na Babasahin Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa : - ensayklopidya , aklat , pahayagan , magasin , at dyornal - magsagawa ng interbyu sa isang taong eksperto - internet Paalala : Magiging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos , walang laman , at may maling impormasyon
2. Pagbuo ng Tesis o Pangunahing Kaisipan Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig . Ang tesis ay nakadepende sa layunin ng talumpati . Halibawa : - pangunahing ideya kung talumpating magbigay kabatiran - pangunahing argumento o posisyon kung talumpating manghikayat - pokus ng pagpapahayag ng damdamin kung talumpating magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig .
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Panuto Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati , maaari nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing batayan ng talumpati . Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati .
C. Hulwaran o Balangkas sa Pagbuo ng Talumpati Malaki ang epekto ng paraan ng pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati sa pag-unawa nito ng mga tagapakinig . Mahalagang gumamit ng paraan o hulwarang aakma sa uri o katangian ng mga makikinig . Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati .
Tatlong Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati 1. Kronolohikal na Hulwaran 2. Topikal na Hulwaran 3. Hulwarang Problema - Solusyon