MODULE-3-Ang gamit ng Konsensya sa Likas na Batas Moral
JECELLYSORONGON1
0 views
21 slides
Oct 03, 2025
Slide 1 of 21
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
About This Presentation
Ito ay tungkol sa gamit ng Konsensya na siyang kaloob sa ating Diyos.
Size: 1.43 MB
Language: none
Added: Oct 03, 2025
Slides: 21 pages
Slide Content
MODYUL 2 NG
APAT NA YUGTO SA PAGHUBOG NG KONSENSIYA Dahil sa maaring magkamali ang paghusga ng konsensiya . Ito ang mga proseso ng pagkilos ng konsensiya na nakatutulong sa pagpasya .
ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo . ( hal . Pangongopya ) 2. ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA KABUTIHAN NG ISANG SITWASYON. - Kaugnay nito ang pag-aaral ng sitwasyon - Pangalap ng impormasyon - pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya .
3. PAGHATOL PARA SA MABUTING PASYA. Oras ng paghatol ng konsensiya , huhusgahan ang kabutihan o kasamaan ng kilos. 4. PAGSUSURI NG SARILI O PAGNINILAY - Bibabalikan ang ginawang paghatol kung tama ba o mali ang naging hatol ng konsensiya . ANG TAMANG PAGHATOL NG KONSENSIYA AY NAGLALAPIT SA TAO SA DIYOS AT SA KANYANG KAPWA.
TUKUYIN SA IYONG SARILI ANG MGA PINAGBABATAYAN NG PASYA AT KILOS NA GINAWA? ANO ANG PINAGBABATAYAN NG IYONG PASYA O KILOS?
LIKAS BATAS MORAL (Natural Moral Law) Ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain . Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos . Sa pamamagitan ng batas na ito ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti sa masama .
LIKAS BATAS MORAL (Natural Moral Law) ITO ANG MATAAS NA PAMANTAYAN BILANG BATAYAN NG KILOS .
PRINSIPYO NG LIKAS BATAS MORAL
1. GAWIN ANG MABUTI IWASAN ANG MASAMA Ang tao ay may likas na kakayahang kilalanin ang mabuti at masama . Mahalagang maging matibay na nakakapit ang tao sa prinsipyong ito upang magiging matatag siya laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban sa masama . UNANG PRINSIPYO NG LIKAS BATAS MORAL
PANGALAWANG PRINSIPYO NG LIKAS BATAS MORAL 2. KASAMA NG LAHAT NG MAY BUHAY, MAY KAHILIGAN ANG TAONG PANGALAGAAN ANG KANIYANG BUHAY. Malinaw ang tinutukoy ng prinsipyong ito , ang obligasyon ng tao na pangalagaan ang kaniyang sarili upang mapanatili itong malusog . Sa prinsipyong ito , alam ng tao na hindi lang ang pagkitil sa sariling buhay ang masama kundi ang kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa .
3. Kasama ng mga hayop ( mga nilikhang may buhay at pandama ), likas sa tao ( nilikhang may kamalayan at kalayaan ) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak . Kalikasan na ng tao ang naisin na magkaroon ng anak . Ngunit kaakibat ng kalikasang ito ang responsibilidad na bigyan ng edukasyon ang kaniyang anak . Ang prinsipyong ito ay dapat na nakatanim sa bawat magulang sa paggabay at paghubog sa kaniyang anak .
4. Bilang rasyonal na nilalang , may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan . Malinaw na tinutukoy ng prinsipyong ito ang paggalang sa katotohanan . Ito ay sumasaklaw sa obligasyon ng tao na hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman at obligasyong ibahagi ito sa kaniyang kapwa . Kaya itinuturing na masama ang pagsisinungaling dahil ipinagkakait at napipigilan nito ang iyong kapuwa sa paghahanap ng katotohanan .
PAGHUBOG NG KONSENSIYA Kahit alam na masama , pro ginagawa parin ang masama kung kaya’t mahalaga ang paghubog ng konsensiya . Nakakatulong ito sa tao na makilala ang katotohanan na kailangan niya upang , magamit ng pananagutan ang kanyang KALAYAAN.
Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan . * pag-unawa sa mga bagay na umiiral * kapag kumikilos tayo na may pananagutan . 2. Paglalaan ng panahon para sa regular na panalangin . * nakakatulong maging panatag sa buhay .
MGA ANTAS SAPAGHUBOG NG KONSENSIYA ANG ANTAS NG LIKAS NA PAKIRAMDAM AT REAKSYON - Nagsisimula ito sa pagkabata , binabatay ng bata ang kilos sa pagbabawal ng magulang . - Nagsisimulang matuto ng tama o mali . - Turo ng mga magulang at ang kanilang paggabay .
MGA ANTAS SA PAGHUBOG NG KONSENSIYA 2 . ANTAS NG SUPER-EGO - Malaki ang bahaging ginagampanan ng may awtoridad sa pagpapasya at kilos ng lumalaking bata .
MGA ANTAS SA PAGHUBOG NG KONSENSIYA 3 .ANTAS NG KONSENSIYANG MORAL - Pagkatuto na tanggapin at isaloob ang mga mabuting prinsipyo at pagpapahalagang moral mula sa mga magulang at mga taong nasa awtoridad .
UPANG HIGIT NA MAPAUNLAD ANG PAGHUBOG NG KONSENSIYA MAKAKABUTI NA HUMINGI NG PAGGABAY SA MGA SUMUSUNOD: Sa mga taong may kaalaman at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral. 2. Simbahan , mula sa turo ng pari , pastor at iba pang namumuno dito . 3. Sa Diyos gamit ang kanyang mga salita .
Sa proseso ng paghubog ng konsensiya gamiting mapanagutan ang mga sumusunod : ISIP -Sa pamamgitan ng pag-aaral , pagkatuto , pagtatanong , pag-alam , pagkuha ng mga impormasyon at pag-unawa . 2. KILOS-LOOB - pagpili , pagpapasya at pagkilos tungo sa kabutihan . 3. PUSO - Kahandaan na piliin ang mabuti . 4. KAMAY - palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti .
ANG PAGSUNOD SA UTOS NG KONSENSIYA AY HINDI LAMANG ANG PAGGAWA NG MABUTI, KUNDI HIGIT SA LAHAT ANG PAGIGING MABUTING TAO AT ANG PAGPAPAKATAO.