Modyul 3.pptx EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA

LeahMaePanahon1 4 views 13 slides Oct 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 13
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13

About This Presentation

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA


Slide Content

“ Pagsunod at paggalang sa mga magulang , nakatatanda , at mga taong may awtoridad .” Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan

Ang salitang “ paggalang ” ay nagmula sa salitang latin na “ respectus ” na ang ibig sabihin ay “ paglingon o pagtinging muli ,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay . Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang .

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang ? 1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon . 2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan . 3. Pagtupad sa itinakdang oras . 4. Pagiging maalalahanin . 5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda ? 1. Sila ay arugain at pagsilbihan na isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag - usap . 2. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan sa kanilang Lalong ikabubuti . 3. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay .

4. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay . 5. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang . 6. May mga pagkakataong sila ay nagiging makulit at mapilit sa kanilang nais kainin, i numin o gawin . Maging sensitibo sa kanilang mga kagustuhan , kakayahan at damdamin .

Paano lubos na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad ? 1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad . 2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan . 3. Maging mabuting halimbawa sa kapuwa . 4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo .

Gawain 3: Hagdan ng Paggalang ! Panuto : S a gawaing ito , ay iyong isasabuhay ang paggalang sa magulang , nakatatanda at may awtoridad . Magbigay ng mga PARAAN ng pagpapakita ng paggalang at limang HAKBANG upang mapanatili ang paggalang sa magulang , nakatatanda at may awtoridad

1. Gumuhit ng isang hagdang ninanais na may limang hakbangan . 2. Bawat hakbangan ay maglagay ng isang paraan o HAKBANG upang mapanatili ang paggalang sa magulang , nakatatanda at may awtoridad 3. Maaari mo rin itong kulayan. 4. Gawin ito sa sagutang papel .

Bukas … Magdala ng Bondpaper , pangguhit o/at pangkulay

PT 3: Larawan sa Paggalang ! Gumawa ng isang maikling kuwento na nagpapakita ng kahalagahan at paraan ng pagpapakita ng pagsunod at paggalang . Pumili kung ang gagamiting kuwento ay kuwento ng paggalang sa magulang , nakatatanda o awtoridad . Maaaring lagyan ng larawan ang kuwento o gumawa ng comic strips. Gawin ito sa sagutang papel .
Tags