Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari , totoo man o hindi . Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang .
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksyon ( nobela , maikling kuwento , tula o di- piksyon (memoir, biyograpiya , balita , malikhaing sanaysay ).
Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon , nagpapahayag ng emosyon , at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen , metapora , at simbolo upang maging malikhain ang katha.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
a. Paksa Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan . Kahit nakabatay sa personal ang kuwentong nais isalaysay , mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito .
b. Estruktura Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento .
b. Estruktura Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari .
c. Oryentasyon Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan , lunan o setting at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento .
d. Pamamaraan ng Narasyon Kailangan ng detalye at mahusaynaoryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upangmaipakita ang setting at mood.
Diyalogo . Sa halip na direktang isalaysay ay gumagamit ngpag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari .
2. Foreshadowing Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento .
3. Plot Twist Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento
4. Ellipsis Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala .
5. Comic Book Death Isang teknik kung saan pinapatayangmahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglanglilitawupang magbigay-linaw sa kuwento .
6. Reverse Chronology Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula .
7. In Medias Res. Nagsisimula ang narasyon sa kalgitnaan ng kuwento . Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter , lunan,at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
8. Deu ex machina ” kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay .
e. Komplikasyon o Tunggalian Ito ang mahalagang bahagi ng kuwentona nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon o disposisyon ng mga tauhan .
f. Resolusyon Ito ang kahahantungan ng komplikasyono tunggalian.Maaaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan .
Ang tekstong naratibo ay isang tekstong nagpapahayag ng karanasan,maaaring totoo o likhang-isip lamang . Dapat na magkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari nito .
Mayroon itong iba’t ibang elemento na siyang magsisilbing gabay sa pagbuo ng narasyon .