Panghalip na Paari- inihahalili sa pariralang pangngalan upang ipakita ang pagmamay - ari .
Isahan ko iyo akin niya mo kaniya
Maramihan amin natin atin inyo naming ninyo nila kanila
Papasukin Ninyo Ako Ang pangalan ko ay si Pussy. Ako ay munting puting pusang mahilig makipaglaro ng tagu -taguan sa aking limang kapatid . Masayang-masaya ako kapag kalaro ko sila at lagi nila akong sinasamahan . Isang araw , nakita namin ang hardin na may makukulay na bulaklak . Niyaya ko silang maglaro doon .
“ Huwag tayo doon, magagalit si Nanay, kabilin-bilinan niya na huwag tayo lalabas ng bahay at maglalaro doon,” sagot ng kapatid ko. “Oo nga Pussy, saka isa pa hindi naman atin ang hardin na iyon ,” dugtong pa ng isa kong kapatid .
“Kung ayaw ninyo ay di maglalaro ako doon mag-isa,” sagot ko. Tumakbo ako papunta sa hardin . Doon ay naglaro ako sa halamanan . Sumampa ako sa puno . Nagtago ako sa matataas na damo . Uminom ako ng tubig sa fountain. Nang mapagod ako , natulog ako sa tabi ng puno . Paggising ko, gabi na pala at napakadilim . Biglang bumuhos ang malakas na ulan . Tumakbo ako nang mabilis .
“Meow, meow!” Pero walang nakakarinig sa iyak ko. “Meow, meow!” Papasukin ninyo ako , ginaw na ginaw na ako . Ngunit wala sino man ang nakarinig sa iyak ko. Naisip ko na dapat pala ay sumunod ako sa bilin ni Nanay. Umiyak ako nang umiyak . Nakaramdam ako ng kalungkutan at hiya sa nanay ko. Nilabag ko ang bilin ni Nanay at pinangako ko sa sarili na di na ito mauulit . Hindi na mauulit kahit kailan.
Ano ang masasabi ninyo sa hindi pagsunod ni Pussy sa kanyang nanay ? 2. Kung kayo si Pussy, ano ang gagawin ninyo ? 3. Paano mo bibigyan ng panibagong wakas ang kuwento ?
Ang pangalan ko ay si Pussy. Isang araw , nakita namin ang hardin na may makukulay na bulaklak . “Oo nga Pussy, saka isa pa hindi naman atin ang hardin na iyon ,” dutong pa ng isa kong kapatid . Ako ay munting pusang mahilig makipaglaro ng tagu -taguan sa aking 5 kapatid .