Pagbubukas ng Daungan sa Bansa para sa Kalakalang Pandaigdig
ValerieMaeGarcia
13 views
23 slides
Sep 01, 2025
Slide 1 of 23
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
About This Presentation
Aralin natin.
Size: 585.43 KB
Language: none
Added: Sep 01, 2025
Slides: 23 pages
Slide Content
Pagbubukas ng mga Daungan sa Bansa para sa Pandaigdigang Kalakalan
Ang pagkakaroon ng estratehikong lokasyon ng ating bansa ay nakatulong nang malaki hindi lamang sa pagsulong ng ekonomiya nito kundi maging sa paglaganap ng malayang kaisipan sa bansa .
Ang pagiging bukas ng Pilipinas sa mga kaisipang liberal ay naging daan upang mahubog sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng damdaming makabansa . Ang mga Pilipino noon ay wala pang konsepto ng nasyon o bansa . Bago pa dumating ang mga Espanyol ang pamahalaang mayroon sa bansa ay mga nagsasariling barangay lamang . Walang isang wika , tradisyon , relihiyon , o gawaing maaring magbuklod sa lahat ng mga Pilipino noon.
Sa pagbubukas ng mga daungan para sa pandaigdigang kalakalan , umunlad ang ekonomiya ng bansa . Sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas , marami ang yumaman at ang mga anak ng mga ito ay nakapag-aral . Nakapasok din ang liberal na ideya at mas maunlad na kaisipan .
Lumaki ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya at matamasa ang mga karapatan sa isang malayang bansa . Ang kaisipang ito na ikinagalit ng mga Espanyol ay tinawag nilang FILIBUSTERISMO o subersibong kaisipan .
Sa pamamagitan ng balita mula sa babasahin at maging ng kanilang mga narinig sa mga mangangalakal na nakarating sa bansa tungkol sa mga kaugaliang nangyari sa Europa ay nagkaroon ng pagkaunawa ang mga Pilipino ng kaisipang mapanghimagsik o rebolusyonaryo .
Isa sa mga nakaantig sa kanilang mga puso ang islogang , “Kalayaan, Pagkakapantaypantay , Pagkakapatiran ” ( Liberte , Elgalite , Fraternite ) ng mga Pranses sa nangyaring French Revolution noong 1789-1799 at naging tanyag na rebolusyon ng mga Amerikano laban sa mga Ingles noong 1775-1783.
Mga kabutihang dulot ng pagbubukas ng daungan sa bansa para sa pandaigdigang kalakalan : Pagbilis ng transportasyon at komunikasyon Pagbuti ng paraan ng pagsasaka Pagdami ng mga ani at produkto Pag- usbong ng liberal na ideya ng mga Pilipino tungo sa kamalayang nasyonalismo
Sa pagitan ng mga taong 1834-1898 , binuksan ang ilang mga daungan sa Pilipinas para sa kalakalang pandaigdig . Higit pa itong naging malawak nang mabuksan ang Suez Canal noong Nobyembre 17, 1869 .
Umikli ang ruta sa pagitan ng silangan at kanluran (Hal. Ang ruta sa Pilipinas papunta sa mga bansa sa Europa). Ang tatlong buwang paglalakbay ay maaari nang maisagawa sa loob lamang ng isang buwan .
Ang pagbukas ng Suez Canal ay ginawa ng inhinyerong Pranses na si Ferdinand de Lesseps na nagdugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea. Hindi lamang ito nagdala ng kalakal sa bansa , maging ang mga kaisipang liberal gaya ng pagtutol sa paraan ng pamumuno ng isang lider na hindi karapat-dapat o ang pagaalsa laban sa pamahalaan .
Piliin ang tamang sagot . Isulat ito sa patlang . Ferdinand de Lesseps 1834-1898 Nobyembre 17, 1869 Suez Canal tatlong buwan isang buwan
Piliin ang tamang sagot . Isulat ito sa patlang . _______1. Binuksan ito upang umikli ang ruta sa pagitan ng silangan at kanluran (Hal. Ang ruta mula sa Pilipinas papunta sa Europa) _______2. Ilang buwan na lamang ang paglalakbay mula silangan at kanluran ( Pilipinas papunta sa Europa) mula nang buksan ang Suez Canal?
_______3. Sino ang inhinyerong Pranses na nagbukas ng Suez Canal? _______4. Kailan binuksan ang Suez Canal? _______5. Kailan binuksan ang ilang daungan sa Pilipinas para sa kalakalang pandaigdig ?
Pag-usbong ng Liberal na Ideya Isa sa epekto ng pagbubukas ng mga daungan ay ang pag-usbong ng liberal na ideya . Ginamit ito upang mapaunlad ang buhay ng mga tao . Nagkaroon ng pagbabagong pampulitika , pangkabuhayan , panrelihiyon at edukasyon dahil sa kaisipang liberal. Umunlad ang kaisipang liberal sa Europa noong ika-18 siglo .
Ang kaisipang ito ay nabalitaan ng mga Pilipino at naging mulat sila sa mga pag-aabuso ng mga Espanyol. Ang mga pangkat ng mga Pilipinong nakapag-aral ang humikayat sa mga mamamayan na tuligsain ang mga kawalan ng katarungan sa Pilipinas .
Sa pagbukas ng mga daungan ng bansa maraming positibong nangyari sa ating bansa tulad ng: Pagdami ng iba pang produkto at serbisyo na maaaring tangkilikin sa pamilihan . Mas pinaangat ang antas ng produksyon upang mapahusay ang kalidad ng mga produkto .
3. Nabibigyan ng pagkakataong makilala ang lokal na produkto sa pamilihang global. 4. Naging dahilan ng pagtibay ng samahan o ugnayan ng mga bansang nagkakaroon ng kalakalan . 5. Nabuhay ang liberal na ideya tungo sa pagbuo ng kamalayang nasyonalismo .
Tama o Mali. Isulat ang letrang T kung TAMA ang ipinapahayag ng pangugusap at M naman kung MALI. Isulat ang mga sagot sa sagutan papel . _______1. Malaking tulong ang pagbukas ng Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan ng bansang Pilipinas . _______2. Naging mabilis ang transportasyon at komunikasyon dahil sa pagbubukas ng mga daungan sa Pilipinas para sa pandaigdigang kalakalan .
_______3. Binuksan ang Suez Canal noong Disyembre 20, 1834. _______4. Mas dumami ang nagutom at naghirap dahil sa pandaigdigang kalakalan . _______5. Si John Locke ang inhinyerong Pranses na nagpabukas ng Suez Canal na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea. _______6. Dumami ang mga ani at produkto ng mga Pilipino dahil sa pagbubukas ng daungan para sa pandaigdigang kalakalan .
_______7. Naging laganap ang krimen dahil sa pagbukas ng Suez Canal. _______8. Nagising ang pagkaunawa ng mga Pilipino tungkol sa pagkakaroon ng kaisipang mapanghimagsik o rebolusyonaryo dahil sa pakikipagkalakalan ng mga tao sa Europa. _______9. Maraming masamang dulot ang pandaigdigang kalakalan sa Pilipinas . ______10. Umikli at napabilis ang ruta papunta sa silangan at kanluran (Hal. Ang ruta mula Pilipinas papunta sa mga bansa sa Europa)
Tama o Mali. Gumuhit ng happy face kung tama ang ideya at kidlat naman kung mali . Iguhit sa sagutang papel ang sagot . __________1. Maganda ang dulot ng pag-usbong ng liberal na ideya sa bansa tungo sa kamalayang nasyonalismo . __________2. Nagkaroon ng pagbabagong pampolitika , pangkabuhayan , panrelihiyon at edukasyon dahil sa kaisipang liberal.
__________3. Sinira ng liberal na ideya ang bansang Pilipinas . __________4. Mga Prayle ang humikayat na tuligsain ang mga kawalan ng katarungan sa Pilipinas . __________5. Epekto rin ng pagbubukas ng mga daungan ang pagkakaroon ng liberal na ideya ng mga Pilipino dahil sa mga balita at mga kuwentong kanilang naririnig mula sa mga taga-Europang mangangalakal .