PAGBUO NG ELEMENTONG BISWAL sa pagsulst ng teknikal na sulatin.pptx
PinkyTalion2
9 views
27 slides
Sep 14, 2025
Slide 1 of 27
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
About This Presentation
Elementong biswal
Size: 46.35 MB
Language: none
Added: Sep 14, 2025
Slides: 27 pages
Slide Content
PAGBUO ng elementong biswal ARALIN 7 Inihanda ni Gng . Pinky T. Teope
Ano ang Elementong Biswal? Pagbuo ng mga Elementong Biswal Pangkalahatang Patnubay sa Pagbuo ng Elementong Biswal Mga Uri ng Elementong Biswal Nilalaman
Pagbuo ng elementong Biswal Ang mga biswal na elemento ay mga paraan ng presentasyon ng mga ideya na ginagamit upang maiparating ang mensahe tungkol sa may malawak na datos sa paraang mabilis at mabisa . Mahalagang kagamitan sa sulating teknikal ang mga biswal na element na kinabibilangan ng mga pigura , dayagram , drowing , ilustrasyon , grap , tsart , iskematik , mapa , litrato at talahanayan .
Patnubay sa paggamit 1. Maglagay lamang ng mga elementong biswal sa teknikal na sulatin kung may dahilan kung bakit kailangan ang mga ito . 2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng lahat ng ginamit na elementong biswal . Kailangan ding isama ang interpretasyon ng datos na inilahad . 3. Tiyaking may numero at pamagat ang lahat ng biswal .
Patnubay sa paggamit 4. Tiyaking ang lahat ng biswal ay tuwirang naglilinaw at nagpapaunlad sa diskusyon sa teksto . 5. Gawan ng tamang dokumentasyon ang mga elementong biswal na may copyright o iyong mga nagtataglay ng mga ideyang hiniram .
URI NG ELEMENTONG BISWAL
1. DAYAGRAM Ang mga dayagram ay may mga drowing o dibuho na nagpapakita ng mga komponent ng isang mekanismo , mga hakbang ng isang proseso , o ng kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang sistema . Ang mga dayagram ay maaaring maglarawan ng normal, cutaway, o exploded views ng isang mekanismo .
2. grap Ang mga grap ay biswal na representasyon ng relasyon ng mga numero o ng dami at proporsiyon ng matematikal na halaga . Grap ang tawag sa sistematikong paglalarawan ng mga estatistikal na impormasyon .
a. Linyang grap Ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad , ang pag-angat o pagbaba ng mga datos .
TALA NG DROUP OUT SA CRDHS SA LOOB NG LIMANG TAON
B. BAR/ KOLUM GRAP Mahusay na kagamtan para sa paghahambing ng mga baryabol tulad ng sukat , halaga ng aytem , at iba pa. Gumagamit ng bar at kolum sa halip na linya dahil ang bawat baryabol ay magkakahiwalay na aytem .
B. BAR/ KOLUM GRAP Ginagamit ang bar at kolum grap bilang representasyon ng mga sumusunod : Paghahambing sa mga aytem sa isang partikular na panahon ; Paghahambing ng mga aytem sa loob ng mahaba o sa iba’t ibang panahon ; Pagbabago sa isang aytem sa loob ng mahabang panahon Paghahambing ng mga bahagi ng partikular na aytem .
DATOS NG ENROLLEMENT SA SHS NG CRDHS SA LOOB NG LIMANG TAON
C. PIE CHART Ginagamit ang pie tsart para ipakita ang magkakaugnay na pagkakahati-hati ng mga bahagi ng isang buo na tumutukoy sa partikular na datos . Hindi kasintiyak ng linyang grap at bar grap ang paglalahad sa pie tsart .
3. Iskematiks Ito ay ang biswal na representasyon ng estruktura ng isang sistema o ng mga pamamaraang kaugnay sa isang proseso . Halimbawa nito ang paggawa ng iskematiks sa proseso ng pagsulat at sa pagbuo ng circuit diagrams.
4. Talahanayan Ang talahanayan o table ay ang sistematikong pagsasaayos ng impormasyon sa mga kolum at hanay . Ito ang pinakamalinaw na paraan ng paglalahad ng hanay ng datos .
5. Mga litrato Ang mga litrato ay ang biswal na reproduksiyon na nakarecord sa film o naka -encode bilang datos na digital na eksaktong nakokopya ang itsura ng mga bagay o pangyayari .
Pagsasanay Blg . _____ Permanenteng Tirahan ng mga Estudyante Lugar Bilang % Imus 5 8.19% Bacoor 4 5.75% Amadeo 2 4.87% Las Piñas 2 4.87% Dasmariñas 7 17.07% Silang 7 17.07% Tagaytay 1 2.43% Parañaque 2 4.87% Batangas 1 2.43% Laguna 3 7.31% Salawag 1 2.43% Indang 2 4.87% Oriental Mindoro 1 4.43% GMA 1 4.43% Salitran 2 4.87% Wala 1 4.11% Kabuuan N-42 100% Alin sa mga lugar na nasa talahanayan ang may pinakamataas na populasyon ng nakatirang estudyante ? Ilan ang kabuuang bilang ng estudyante ? Alin- alin ang lugar na mayroon lamang isang estudyanteng nakatira ? Saang bahagi ng Pilipinas mula ang karamihan sa mga lugar na kabilang sa talahanayan ?