Pagbuo ng pansamantalang balangkas at konseptong papel.pptx

ronilomahinay 5 views 17 slides Sep 22, 2025
Slide 1
Slide 1 of 17
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17

About This Presentation

Pagbuo ng pansamantalang balangkas at konseptong papel.pptx


Slide Content

Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel

. Na kailangan muna magbuo ng balangkas bago simulan ang pagsulat . . Alam mo ba ?

Mga kahalagahan ng pagbuo ng balangkas bago simulan ang pagsulat

1.Higit na nabibigyang-diin ang paksa Ang paksa ang pinaka sentro ng sulatin kaya naman makakatulong ang pagbuo ngbalangkas upang matiyak na ang lahat ng impormasyong isasama sa sulatin ay sesentro o natutugon sa paksa . Magagabayan din nito ang manunulat sa paghahanap ng tamang kagamitan , sanggunian o datos na magpapatibay at magpapatunaay sa paksa .

2.Nakapagpadali sa proseso ng pagsulat Dahil naka plano na ang bawat bahagi ng sulatin ay magiging madali para sa manunulat ang mag pokus sa bawat bahagi ng kanyang balangkas . Makakatulong ito upang madali ang proseso ng pagsulat dahil magiging maayos ang daloy nito kaya’t nakakabawas ito sa oras na inilahaan para sa pagrebisa ng suliranin .

3. Nakakatukoy ng mahihinang argumento Sa pagbabalangkas ay nahahati – hati ang malalaking ideya . Ang bawat malaking ideya ay nilalagyan pa ng sumusuportang detalye upang maging matibay na argumento . Sa pagbuo ng balangkas,agad natutukuoy ng manunulat kung alin aling argumento ang mahihina dahil halos wala siyang malagay na detalyeng sumusuporta nito . Sa bahaging ito pa lang ay magagawa na niyang ayusin at rebisahan ang mga argumentong mahihina .

4.Nakakatulong maiwasan ang writer’s block Mahirap magsimulang mag sulat kung isang malinis na papel o cursor na kumikindat-kindat sa malinis na monitor langang kaharap para sa isang malaking proyektong tulad ng sulating pananaliksik . Makakatulong nang malaki ang balangkas upang magkaroon ng direksyon ang manunulat at mapag isipan ang kanyang isusulat

Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang I konsidear ang pagiging maayos ng daloy ng bawat bahagi . Sa simula pa lang ay mahalaga nang biuno mong matibay na pahayag . Dito kasi ihahanay o I-a-align ang iba pang bahagi o nilalaman ng iyong balangkas .

Halimbawa ng Pansamantalang Balangkas

Paano Ginagamit ang E-Textbook sa Loob ng Silid Aralin Introduksyon A . Paunang kaalaman o Background sa Paggamit ng E-Textbook sa silid-aralin B. Layunin ng Pag-aaral C. Pahayag ng Tesis D . Mga tanong na nais sagutin ng papel . E. Lawak at Delimitasyon ng Papel II. Mga Kaugnay na Literatura A. Depinisyon ng Textbook B. Maikiling kasaysayan ng E-textbook C . Mga pormat ng E-Textbook D. Pagkokompara ng E- Textbook sa mga Inimprentang Libro E . Mga naunang Pag-aaral tungkol sa Paggamit ng E-Textbook III. Metodolohiya A . Obserbasyon B. Dokumentasyon C . Pag-iinterbyu sa mga mag- aaral at guro D . Sinteses ng mga nakalap na datos IV. Resulta V. Kongklusyon at Rekomendasyon VI. Bibliyograpiya

Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik . Isang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuuin . KONSEPTONG PAPEL

04 Ayon kina Constantino at Zafra (2000) may apat na bahagi ang konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin , metodolohiya , at inaasahang output o resulta .

1.Rationale   Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa . Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa .

2. Layunin Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik o base sa paksa .

3.Metodolohiya Inilahad dito ang pamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon .

4.Inaasahang output o resulta Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag - aaral . Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos .

Salamat sa pakikinig !
Tags