Paggamit ng iba’t ibang salita bilang pang-uri at sdfgnjhm,no answer.pptx
jhunedelrosario31
0 views
63 slides
Oct 14, 2025
Slide 1 of 63
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
About This Presentation
filipino aralin
Size: 4.5 MB
Language: none
Added: Oct 14, 2025
Slides: 63 pages
Slide Content
Paggamit ng iba’t ibang salita bilang pang- uri at pang- abay sa pagpapahayag ng sariling ideya Filipino 6 2 nd quarter
Ano ang pangngalan ? Magbigay ng dalawang halimbawa . Ano naman ang pandiwa ? Magbigay ng dalawang halimbawa .
Ang mga mag- aaral ay masiglang naglalaro . Tahimik na nagdarasal ang mga deboto .
P apaano kaya natin mas mapapaganda ang ating pangungusap ? Ano kaya ang naglalarawan sa isang tao , bagay, o pangyayari ? At ano naman ang nagpapakita kung kailan, saan , o paano naganap ang kilos?
Ang aso ay kumakain . Ang malaking aso ay masayang kumakain .
Alin ang nagbigay-linaw sa anyo ng aso at paano ito kumakain.
Ang salitang malaking / malaki ay naglalarawan sa aso kaya ito ay pang- uri . Ang salitang masayang ay naglalarawan kung paano kumain ang aso kaya ito ay pang- abay .
Ang pang- uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip . Maaari nitong ilarawan ang kulay , laki , hugis , katangian , dami , o kalagayan ng isang bagay o tao .
Mga halimbawa : 1. Magandang bulaklak ( nagpapakita ng anyo ) 2. Matapang na sundalo ( nagpapakita ng katangian ) 3. Tatlong guro ( nagpapakita ng dami )
Ang pang- abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa , pang- uri , o kapwa pang- abay . Ipinakikita nito kung paano , saan , at kailan naganap ang isang kilos.
Ang pang- abay ay salitang naglalarawan ng kilos o pandiwa . Tatlong uri ng pang- abay na madalas gamitin sa pakikipag-usap : Panlunan – tumutukoy sa lugar . Pamaraan – tumutukoy kung paano ginawa ang kilos. Pamanahon – tumutukoy kung kailan ginawa ang kilos .
Tatlong pangunahing uri : 1.Pang-abay na Pamaraan – nagpapakita kung paano naganap ang kilos. Masayang umaawit si Liza.
Tatlong pangunahing uri : 2. Pang- abay na Pamanahon nagpapakita kung kailan naganap ang kilos. Bukas ay aalis kami.
Tatlong pangunahing uri : 3. Pang- abay na Panlunan – nagpapakita saan naganap ang kilos . Sa parke naglaro ang mga bata.
Gawain #1 1. Pagsusuri ng Pangungusap – Tukuyin kung aling salita ang pang- uri at pang- abay sa ibinigay na limang pangungusap .
Mga Pangungusap : Masayang naglaro ang mga bata sa parke nang maingat . Ang maliit na ibon ay mabilis na lumipad papunta sa malayong puno . Kumain ng masarap na almusal si Ana bago siya agad pumasok sa paaralan . Ang magandang tanawin sa bundok ay tunay na nakakaakit sa mga turista. Si Carlo ay nag- aral nang masipag upang makakuha ng mataas na marka .
Mga Pangungusap : Masayang naglaro ang mga bata sa parke nang maingat . Ang maliit na ibon ay mabilis na lumipad papunta sa malayong puno . Kumain ng masarap na almusal si Ana bago siya agad pumasok sa paaralan . Ang magandang tanawin sa bundok ay tunay na nakakaakit sa mga turista. Si Carlo ay nag- aral nang masipag upang makakuha ng mataas na marka .
P aano nakatutulong ang paggamit ng pang- uri at pang- abay sa malinaw at makulay na pagpapahayag ng ideya sa pang- araw - araw na buhay
Kung maglalarawan tayo ng isang tao , mas magiging malinaw ang ating paglalahad kung gagamit tayo ng pang- uri . Kung ikukuwento natin ang isang pangyayari , mas mauunawaan ito kung gagamit tayo ng pang- abay .
Ang pang- uri ay naglalarawan sa pangngalan o panghalip , at maaaring magpakita ng anyo , dami , o katangian .
Ang pang- abay naman ay naglalarawan sa pandiwa , pang- uri , o kapwa pang- abay , at nagpapakita kung paano , saan , o kailan naganap ang kilos. .
Sa paggamit ng pang- uri at pang- abay , mas nagiging masining , makulay , at malinaw ang ating pagpapahayag ng sariling ideya .
2. Alin ang pang- abay na pamanahon ? A. kagabi C. maganda B. Tatlo D. bilog
3. Sa pangungusap na Masayang nag- aral si Ana, alin ang pang- abay ? A. Masayang C. Ana B. nag- aral D. si
4. Alin sa mga sumusunod ang gumagamit ng pang- uri ? Tumakbo nang mabilis si Carlo. B. Mataas na puno ang aming bakuran . Naglakad sila kahapon . Nagsulat lan .
5. Sa pangungusap na Si Maria ay maagang dumating sa klase , alin ang pang- abay ? A. Maria C. maagang B. Sa kKlase D. ay
I kalawang gawain
1. Tahimik ngunit masigla ang klase nang dumating ang kanilang guro nang maaga . Alin ang mga pang- uri sa pangungusap ? A. tahimik , masigla B. tahimik , maaga C. masigla , maaga D. guro , tahimik
2. Lumakad nang dahan-dahan ang matapang na aso papunta sa pintuan . Alin ang pang- abay ? A. aso B. dahan-dahan C. matapang D. pintuan
3. Ang mabango at malinis na bulaklak ay tinanaw niya nang malapit . Aling kombinasyon ang tamang pang- uri at pang- abay ? A. mabango – malinis (pang- uri ), malapit (pang- abay ) B. mabango (pang- uri ), malinis (pang- abay ), malapit (pang- abay ) C. mabango – malinis – malapit (lahat pang- uri ) D. malapit (pang- abay ), malinis (pang- uri )
4. Naglakbay si Liza nang paminsan-minsan upang makita ang matatayog na bundok . Alin ang pang- uri ? A. Liza B. paminsan-minsan C. matatayog D. bundok
5. Ang maliit na isda ay mabilis na lumangoy nang paikot-ikot sa dagat . Ano ang mga pang- abay ? A. mabilis , paikot-ikot B. maliit , mabilis C. isda , dagat D. mabilis lamang
6. Si Carlo ay nag- aral nang masigasig upang makuha ang mataas na marka . Aling pares ang tama ? A. masigasig (pang- uri ), mataas (pang- abay ) B. masigasig (pang- abay ), mataas (pang- uri ) C. masigasig (pang- abay ), mataas (pang- abay ) D. masigasig (pang- uri ), mataas (pang- uri )
7. Ang maliwanag na buwan ay kumikislap nang napakaganda kagabi . Aling salita ang pang- uri ? A. napakaganda B. kumikislap C. maliwanag D. kagabi
8. Si Tina ay ngumiti nang magiliw sa kanyang bagong kaklase . Aling mga salita ang pang- uri at pang- abay ? A. magiliw (pang- abay ), bagong (pang- uri ) B. magiliw (pang- uri ), bagong (pang- abay ) C. bagong (pang- abay ), kaklase (pang- uri ) D. magiliw lamang (pang- abay )
9. Tumalon ang masayang pusa nang napakataas upang abutin ang bola. Ano ang wastong pagkakategorya ? A. masayang (pang- uri ), napakataas (pang- abay ) B. masayang (pang- abay ), napakataas (pang- uri ) C. masayang at napakataas ( parehong pang- abay ) D. masayang at napakataas ( parehong pang- uri )
10. Ang magandang tanawin sa bundok ay tunay na nakakaakit kaya siya ay bumalik nang agad . Aling mga salita ang pang- uri at pang- abay ? A. magandang (pang- uri ), agad (pang- abay ) B. tanawin (pang- uri ), agad (pang- uri ) C. magandang (pang- abay ), agad (pang- abay ) D. bundok (pang- uri ), agad (pang- uri )
Ano ang nakikita ninyo sa larawan ? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga tao at bagay dito ?
Ang paggamit ng pang- uri at pang- abay ay mahalaga upang maging malinaw at makulay ang ating mga pangungusap . Ang pang- uri ay naglalarawan sa pangngalan o panghalip , samantalang ang pang- abay ay naglalarawan sa pandiwa , pang- uri , o kapwa pang- abay .
Ang batang masipag ay maagang pumasok sa paaralan .
Masayang umaawit ang maganda at masiglang guro .
Sa paggawa ng talata , mahalagang gumamit ng pang- uri at pang- abay upang maging malinaw ang paglalarawan ng tauhan , lugar , o pangyayari . Sa ganitong paraan , mas maiintindihan ng mambabasa ang iyong ideya .
Maaga at masayang pumasok si Liza sa kanilang paaralan . Ang kanyang malinis na uniporme ay nagpapakita ng kanyang kasipagan . Dahan- dahan ngunit masiglang naglakad siya patungo sa kanilang silid-aralan .. halimbawa ng isang talata :
P aano ginamit ang pang- uri at pang- abay sa pagpapaganda ng talata .
Ang pang- uri at pang- abay ay magkasamang ginagamit upang maging mas malinaw , makulay , at kaakit-akit ang ating paglalahad ng ideya .
Ang wastong paggamit ng mga ito ay mahalaga sa paggawa ng pangungusap , kwento , at iba pang anyo ng komunikasyon
P aksang ideya (hal. paboritong laro, karanasan sa bakasyon, kalikasan). bumuo ng tatlong pangungusap para sa bawat paksa gamit ang pang- uri at pang- abay . Halimbawa: Masayang nag-ensayo kahapon ang masisipag na manlalaro ng balibol.
Panuto : Pumili mula sa kahon ng pinakamainam na salita upang mapalalim ang kahulugan ng pangungusap . Isulat lamang ang iyong sagot . ( malumanay , malinis , mabilis , tahimik , mataas )
( malumanay , malinis , mabilis , tahimik , mataas ) Nagsalita ang guro nang __________ upang maunawaan ng lahat ang mahahalagang paalala . Ang gusaling iyon ay napaka -__________ kaya’t tanaw mula sa malayo .
( malumanay , malinis , mabilis , tahimik , mataas ) 3. Dapat nating panatilihing __________ ang ating silid-aralan para maging kaaya-ayang pag-aralan . 4. Tumakbo ang bata nang __________ upang maabutan ang papalapit na dyip .
( malumanay , malinis , mabilis , tahimik , mataas ) 5.Nagbabasa ng libro ang mga mag- aaral sa aklatan nang __________ upang hindi makabala sa iba .
Panuto : Basahin ang pangungusap at pag-aralan kung anong pang- uri o pang- abay ang pinakamainam upang makumpleto ang ideya . Bilugan ang titik ng tamang sagot .
6. Si Ana ay isang batang ________ kaya’t gustong -gusto siya ng kanyang mga kaibigan . a. magalang b. mabilis c. dahan-dahan d. kanina
7. Ang mga bata ay nag- aral nang ________ upang makapasa sa pagsusulit kinabukasan . a. mataas b. masigasig c. mabango d. malawak
8. Nagtanim kami ng mga puno ________ sa bakuran upang hindi mainitan . a. kahapon b. malumanay c. kaakit-akit d. masaya
9. Si Carlo ay umawit nang ________ kaya’t napahanga ang buong klase . a. mabait b. maganda c. magaling d. maayos
10. Ang silid-aralan ay may mga kurtinang ________ na nagbibigay saya sa mga mag- aaral . a. makulay b. mabilis c. maingat d. kanina
Panuto : Pag- aralan ang bawat sitwasyon . Pumili ng pinakaangkop na pang- uri o pang- abay upang gawing mas malinaw at makulay ang pangungusap .
Sitwasyon : Nagwagi ang iyong pangkat sa paligsahan . Paano mo ilalarawan ang iyong pangkat ? Ang aming pangkat ay __________ na nagtulungan kaya kami nagtagumpay .
Sitwasyon : Umuulan ngunit pumunta pa rin kayo sa paaralan . Paano mo ilalarawan ang inyong pagpunta ? __________ kaming pumasok sa kabila ng malakas na ulan .
Sitwasyon : Nagwagi ang iyong pangkat sa paligsahan . Paano mo ilalarawan ang iyong pangkat ? Punan ang pangungusap : . Ang aming pangkat ay __________ na nagtulungan kaya kami nagtagumpay .
Sitwasyon : Nanonood ka ng palabas sa sinehan . Paano ka manonood upang hindi makagambala ? Tahimik akong nanood at __________ kong sinara ang aking cellphone.
Punan ng naaangkop na pang- uri o pang- abay upang maging malinaw at masining ang ideya . Ang batang __________ ay laging tumutulong sa kanyang guro . Naglakad si Liza nang __________ upang hindi madapa sa madulas na daan .