paggawa.pptANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO
jamescedrickmarquezr
1 views
37 slides
Nov 01, 2025
Slide 1 of 37
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
About This Presentation
esp
Size: 5.17 MB
Language: none
Added: Nov 01, 2025
Slides: 37 pages
Slide Content
ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO BB. RIO MAE RAMOS
“TRABAHO KO, HULAAN MO!” Gawain Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Hahatiin ang klase sa mga pangkat; pipili ng isang miyembro na gaganap ng trabahong nabunot gamit lamang ang kilos at ekspresyon (bawal magsalita). May 60–90 segundo ang grupo para hulaan.
“AKO AT ANG AKING PAGKILOS SA PAGGAWA” Gawain Pagkatuto Bilang 2
Kopyahin at sagutan ang gawain. Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kolum na nagsasabi ng iyong tugon sa paggawa. Gawin ito sa inyong kwaderno Pagkilos Palagi Paminsan-minsan Hindi 1. Ibinibigay ko ang lahat ng makakaya sa aking mga ginagawa. 2. Kapag napapagod na ako napapabayaan ko na ang mga responsibilidad ko. 3. Ayoko na ako ay iniistorbo kapag ako ay nagtatrabaho . 4. Hinahayaan ko na lang na matapos ang isang gawain kahit may mga pagkakamali. 5. Tinatapos ko ang aking gawain sa takdang panahon.
PAGSUSURI NG TULA Gawain Pagkatuto Bilang 3
Pagsusuring Katanungan : 1 . Ano ang nais iparating ng tula ? 2. Bakit itinuturing na makabagong bayani ang mga manggagawang Pilipino? Ipaliwanag 3. Paano masasabi na ang paglilingkod ay para sa kabutihang panlahat ? Ipaliwanag
PAGGAWA. Ito ay gawain ng tao na maaaring ginagamitan ng pisikal o mental na lakas na naglalayon na makabuo ng isang produkto na makatutulong sa pag-unlad.
PAGGAWA. isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay.
Ayon kay Pope John Paul II, sa Laborem Excerns na kaniyang akda, ang paggawa ay anomang gawain - pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.
HALIMBAWA ang isang karpintero na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao
TAO tanging ang tao lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng talino. Hindi katulad ng mga hayop na gumagawa lamang kapag ginagabayan o inaatasan ng tao o maaaring gumagawa lamang sila sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
ANG MGA LAYUNIN NG PAGGAWA
1. PANG KITAIN NG TAO ANG SALAPI NA KANIYANG KAILANGAN UPANG MATUGUNAN ANG KANIYANG PANGUNAHING PANGANGAILANGAN.
2. UPANG MAKIBAHAGI SA PATULOY NA PAG-ANGAT AT PAGBABAGO NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA.
3. UPANG MAIANGAT ANG KULTURA AT MORALIDAD NG LIPUNANG KINABIBILANGAN.
4. UPANG TULUNGAN ANG MGA NANGANGAILANGAN.
5. UPANG HIGIT NA MAGKAROON NG KABULUHAN (MEANING) ANG PAG-IRAL NG TAO.
ANG SUBHETO AT OBHETO NG PAGGAWA
OBHETO NG PAGGAWA ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
OBHETO NG PAGGAWA Ang nakagisnan ng ganitong uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis ay unti-unti ng nagbago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya, na tao rin ang nagdisensyo at gumawa. Hindi maikakaila na ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa sibilisasyon.
SUBHETO NG PAGGAWA ang subheto ay ang tao na gumagawa ng kilos, may kakayahan at kaisipan na magpasiya at kumilos
SUBHETO NG PAGGAWA Ang Tao: Ang tao ang itinuturing na subheto sapagkat siya ang may kakayahang kumilos , mag- isip , at gumawa ng mga desisyon .
Halimbawa : Subheto : Si Maria, isang karpintero . Obheto : Ang mga kahoy , pako , martilyo , at iba pang kasangkapan na ginamit ni Maria sa paggawa ng mesa
ANO ANG TEKNOLOHIYA?
TEKNOLOHIYA na tumutukoy sa paggamit ng kaalaman at kagamitan upang makamit ang mga praktikal na layunin, mapadali ang mga gawain, at malutas ang mga problema ng tao
TEKNOLOHIYA Ang teknolohiya ay katulong ng tao . Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging malikhain
LAGING TANDAAN
Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa produktong bunga nito kundi sa katotohanang ang gumagawa nito ay ang tao. Ang produkto ng paggawa ay indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong gumawa nito. Ang dignidad na dumadaloy sa paggawa ay nakikita sa taong gumagawa nito. Mas kailangang manaig ang subheto kaysa sa obheto ng paggawa.
ESENSIYA NG TAO SA MUNDO BB. RIO MAE RAMOS
Ang paggawa ang daan tungo sa: Pagbuo ng tao ng kanyang pagkakakilanlan at kakanyahan Pagkamit ng kaganapang pansarili Pagtulong sa kapwa upang makamit ang kanyang kaganapan
ANG PANLIPUNANG DIMENSIYON NG PAGGAWA BB. RIO MAE RAMOS
Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimensiyon. Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa. Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay na tataya sa paggawa. Ito ay dahil hindi magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kaniyang kapuwa.
Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan . Hindi ito nakabatay sa anumang pag aari o yaman .
Mahalagang tandaan na ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng salapi ; tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao .