Paghahambing - Parabula ng Kuweba sa Nining at Liwanag.pdf

ejuy0521 9 views 10 slides Oct 21, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

Ang Parabula ng Kuweba ni Plato at ang sanaysay ni Emilio Jacinto na Ang Ningning at Liwanag ay parehong gumagamit ng liwanag bilang simbolo ng katotohanan ngunit magkaiba ang kanilang konsepto at layunin.


Slide Content

PAGHAHAMBING: PARABULA NG
KUWEBA SA NINING AT LIWANAG
Ni: Ericka Joanna Uy
Ika - 10 Baitang, Sinulog R

Ang konsepto ng liwanag sa “Parabula ng Kuweba” ni Plato at sa
sanaysay ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at Liwanag” ay
parehong nagsisilbing simbolo ng katotohanan, ngunit may
magkaibang pananaw at layunin.
Paghahambing:
ASPETO PARABULA NG KUWEBA ANG NINGNING AT LIWANAG
Simbolo ng Liwanag Kaalaman at pilosopikal na katotohanan Moral na prinsipyo at kabutihan
Kalaban ng Liwanag Dilim ng kamangmangan Ningning ng panlilinlang
Layunin Pag-unlad ng kamalayan Pagmulat sa lipunan at moralidad
Uri ng Katotohanan Metapisikal Etikal at panlipunan

Bagamat magkaiba ang konteksto (si Plato ay pilosopikal at si Jacinto ay
makabayan), pareho silang gumagamit ng liwanag bilang simbolo ng
katotohanan at kamalayan.
Mga Argumentong Magkaugnay:
1.Pagkakaiba ng Panlabas at Panloob na Katotohanan
Jacinto: Ang ningning ay panlabas na anyo, maaaring mapanlinlang; ang
liwanag ay nasa kaibuturan at siyang katotohanan.
Plato: Ang mga bagay sa mundo ay anino lamang ng mas perpektong
forms; ang tunay na kaalaman ay nasa labas ng kuweba.
Ugnayan: Parehong binibigyang-diin ang panganib ng panlabas na anyo
sa paglinlang ng isip, at ang halaga ng pag-abot sa mas malalim na
katotohanan.

2. Pagmulat ng Kamalayan
Jacinto: Kailangang malinawan ang pag-iisip upang hindi madaya ng ningning.
Plato: Ang paglabas sa kuweba ay simbolo ng pagmulat sa katotohanan, kahit
masakit sa una.
Ugnayan: Ang liwanag ay hindi laging kaaya-aya sa simula, ngunit ito ang
daan sa tunay na pag-unawa.
3. Panlilinlang ng Kapangyarihan at Imahe
Jacinto: Ang masamang tao ay maaaring magpanggap na marangal gamit ang
ningning.
Plato: Ang mga nasa loob ng kuweba ay naniniwala sa anino bilang
katotohanan.
Ugnayan: Parehong binabalaan ang tao laban sa illusion o false appearances
na maaaring gamitin sa paglilinlang.

4.Tungkulin ng Tao sa Paghanap ng Katotohanan
Jacinto: Dapat magpakalinaw sa liwanag upang hindi madaya.
Plato: Ang taong nakakita ng liwanag ay may tungkuling ibahagi ito sa iba,
kahit siya’y pagtawanan o saktan.
Ugnayan: Parehong may pananaw na ang liwanag ay hindi lamang para sa
sarili, kundi para sa kapakanan ng lipunan.
Pangkalahatang Konsepto ng Liwanag:
Ang liwanag para kina Jacinto at Plato ay:
Simbolo ng katotohanan, kamalayan at moralidad.
Daan sa pag-unlad ng isip at pagkamit ng katarungan.
Panlaban sa panlilinlang, kamangmangan at mapanlabas na imahe.

BAKIT MAHALAGANG HANAPIN ANG LIWANAG?
Ang liwanag ay sumisimbolo sa katotohanan, kaalaman at
kamalayan.
Sa lipunan, ang paghahanap ng liwanag ay mahalaga upang
maiwasan ang panlilinlang, diskriminasyon at katiwalian.
Kapag ang mamamayan ay may liwanag, nagkakaroon sila ng
kakayahang magdesisyon nang tama, bumoto nang
responsable at kumilos para sa kabutihan ng nakararami.

PAANO BUMUBUTI AND ISANG LIPUNANG MULAT SA
KATOTOHANAN ANG MAMAMAYAN?
Ang kamalayang panlipunan ay pundasyon ng maunlad na
bansa.
Ang mamamayang mulat ay aktibong nakikilahok sa mga isyu
ng bayan mula sa halalan hanggang sa mga adbokasiya.
Nababawasan ang korapsyon dahil may nagbabantay.
Lumalakas ang pagkakaisa dahil nauunawaan ng bawat isa ang
tunay na kalagayan ng lipunan.

PAANO NAMAN MAKASAMA SA LIPUNAN KUNG ANG
MAMAMAYAN NITO AY BULAG SA KATOTOHANAN?
Ang kawalan ng kamalayan ay nagdudulot ng pagkalugmok
ng lipunan.
Ang bulag sa katotohanan ay madaling malinlang ng maling
impormasyon o propaganda.
Nagiging pasibo ang mamamayan, hindi lumalaban sa katiwalian
o pang-aabuso.
Lumalala ang kahirapan, diskriminasyon at kawalan ng hustisya
dahil walang tumututol.

INSTITUSYON HAKBANG PARASA LIWANAG
Paaralan
Magturo ng critical thinking, civic education at media literacy upang
matutong magsuri ng impormasyon.
Pamahalaan
Maging bukas sa impormasyon, magsagawa ng transparent na
pamumuno at protektahan ang karapatan ng mamamayan.
Simbahan
Itaguyod ang moralidad, katarungan at pakikiisa sa kapwa, lalo na sa
mga naaapi.
Media Maghatig ng tapat, balanseng balita at labanan ang fake news.
Pamilya
Ituro ang tamang asal, pagmamahal sa bayan at hikayatin ang bukas
na pag-uusap tungkol sa mga isyung panlipunan.
ANO-ANO ANG MGA HAKBANG NA MAAARING GAWIN NG MGA
SUMUSUNOD NA INSTITUSYON UPANG MATIYAK NA MANANATILING NASA
LIWANAG ANG MGA MAMAMAYAN NITO?

MARAMING
SALAMAT PO