Laman ng PPT na ito ang pagpaplanong pangwika at intelektwalisasiyon ng wika ni Bro. Andrew Gonzalez
Size: 12.39 MB
Language: none
Added: Oct 14, 2025
Slides: 29 pages
Slide Content
Pagpaplanong pangwika at Intelektwalisasyon Ni Andrew gonzalez Departamento ng filipino at panitikan Paaralan ng mga araling gradwado Fil323 (Komparatibong Pagpaplanong Pangwika) Msu-Iligan institute of technology Efren v. mercado Prof. marie joy d. banawa, Ph.D. 📘 🖋 ️
Mga nilalaman Si Bro. Andrew Gonzalez 01 Pagpaplanong pangwika at intelektwalisasyon ni Gonzalez 02 intelektwalisa-siyon bilang proseso at produkto 03 PANGKALAHATANG PUNTO NI GONZALES 04
Br. Andrew Benjamin Gonzalez, FSC (Pebrero 29, 1940 – Enero 29, 2006) Pilipinong lingguwista, manunulat, edukador, at Lasalyanong kapatidna kinilala sa kanyang malalim na ambag sa larangan ng wika at edukasyon pagpaplanong pangwika, sosyolingguwistika, at intelektwalisasyon ng wikang Filipino Pangulo ng DLSU mula 1979–1991 at 1994–1998 nagpasimula ng konsepto ng “multiversity” Kalihim ng Edukasyon: Nagsilbi bilang Kalihim ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) mula 1998–2001 reporma sa kurikulum at isinulong ang paggamit ng Filipino at mga rehiyonal na wika sa edukasyon Mga Pananaw : Filipino ay nasa proseso ng pagiging ganap na wikang intelektuwal at dapat gamitin hindi lamang sa tahanan kundi sa akademya at pamahalaan
Pagpaplanong Pangwika (PP) at Gonzalez isang pragmatiko at sistematikong proseso na kailangang isaalang-alang ang realidad ng lipunang Pilipino, na isang lipunang multilinggwal at may kasaysayan ng kolonyalismo. Ang kanyang pananaw ay hindi "purista" o nakasentro sa isang wika lamang. Layunin: gawing epektibong kasangkapan sa lipunan ang wika Functional Bilingualism (Gamiting Bilinggwalismo) Pag t ukoy sa mga "Controlling Domains ” Realismo kaysa Emosyon
Pagpaplanong Pangwika (PP) at Gonzalez Functional Bilingualism (Gamiting Bilinggwalismo): sentro ng kanyang pananaw. Kinilala niya ang kahalagahan at ang katotohanan ng presensya ng dalawang pangunahing wika sa buhay ng mga Pilipino: ang Filipino at ang Ingles. ang layunin ng pagpaplanong pangwika ay hindi ang pag-aalis sa isa para palitan ng isa pa, kundi ang pagbuo ng isang lipunang may kakayahang gumamit ng dalawang wika sa magkaibang larangan o "domains".
Pagpaplanong Pangwika (PP) at Gonzalez Pag t ukoy sa mga "Controlling Domains": Ayon sa kanya, dapat hatiin ang mga larangan ng paggamit ng wika. Ingles: Nananatili itong wika ng agham, teknolohiya, matematika, at pandaigdigang kalakalan. Ito ang tinatawag niyang "lingua franca" ng mundo. Filipino: Dapat itong gamitin at palaganapin bilang wika sa mga larangan ng agham panlipunan, humanidades, gobyerno, at bilang pambansang wika ng pagkakaisa at pagkakakilanlan.
Pagpaplanong Pangwika (PP) at Gonzalez Realismo kaysa Emosyon: Iginiit niya na ang mga desisyon sa wika ay dapat nakabatay sa kung ano ang epektibo at posible, hindi lamang sa sentimyento o nasyonalismo. Kinilala niya na ang Ingles ay may malalim nang ugat sa sistema ng edukasyon at ekonomiya, kaya't ang biglaang pag-alis dito ay hindi makakatulong sa bansa. Ang mahalaga ay ang dahan-dahan at planadong pagpapalakas sa wikang Filipino.
Pagpaplanong Pangwika at si Gonzalez Sadyang pamamahala sa paggamit ng wika hindi basta natural na proseso sadyang hakbang upang gawing mas organisado at kapaki-pakinabang ang wika sa iba’t ibang larangan Kabilang ang: Es tandardisas i yon (kodifikasiyon) : pagkakaroon ng isang ispeling lang ng salita at walang varyant Pagbuo ng terminolohiya (kodifikasyon) : adapsiyon, transliterasiyon, paglikha/pagsasalin Pagsasalin ng kaalaman (elaborasyon) : gagamitin ang wika bilang midyum ng pagtuturo at komunikasyon
Intelektwalisasiyon at si Gonzalez pinakamahalagang kontribusyon ni Bro. Andrew sa usaping pangwika. Para sa kanya, ang pagpaplanong pangwika ay hindi sapat. Kailangan itong sabayan ng intelektwalisasyon. I ntelektwalisasyon : proseso ng pagpapaunlad at pagpapayaman sa isang wika upang magamit ito nang mabisa sa matataas at abstraktong antas ng karunungan (higher domains of thought). Hindi sapat na ang wika ay gamit lamang sa pang-araw-araw na usapan, sa palengke, o sa panitikan. Upang maging tunay na wika ng isang bansa, dapat itong maging kasangkapan sa paglikha ng kaalaman sa pilosopiya, batas, medisina, agham, at iba pang larangang akademiko.
Intelektwalisas i yon ng Wika at si Gonzalez Pag-angat ng wika para sa agham, teknolohiya, at akademya maging sa batas at hukuman, pagnenegosyo, at iba pang larang kung saan nagagamit ang wika sa mas mataas na antas ng talakayan at talastasan “ Kapag sinasabi nating intelektwalisasyon, ibig sabihin ay kaya nang gamitin ang wika sa mas mataas na antas ng diskurso—mula sa agham hanggang sa pananaliksik .” Kasama ng modernisasiyon at kapwa aspekto ng elaborasiyon/ kultibasiyon
Pagpaplanong Pangwika, Intelektwalisasiyon at si Gonzalez “... magkaakibat ang pagpaplanong pangwika at intelektwalisasyon. Ang pagpaplanong pangwika (tulad ng pagpapatupad ng Patakarang Bilinggwal sa Edukasyon) ay ang paglikha ng pormal na espasyo para magamit ang Filipino. Samantala, ang intelektwalisasyon ay ang aktuwal na pagpuno sa espasyong iyon ng nilalaman at diskurso .” “ Kung walang maayos na plano, walang direksyon ang paggamit ng wika. Ngunit kung may plano pero walang aktwal na intelektwalisasyon, mananatiling isang patakarang walang laman ang pagpaplanong pangwika. ”
Modernisasiyon at Intelektwalisasyon ng Wika at si Gonzalez Modernisasiyon : isang kakayahan ng wika na maisalin o maging behikulo sa pagsasalin mula sa at tungo sa ibang wika sa daigdig (intertranslatability) Eastman ( 1982 ): paglago ng popular na pagkakakilanlan ng isang estandardisadong pambansang wika mula sa mga gumagamit nito
Modernisasiyon at Intelektwalisasyon ng Wika at si Gonzalez Intelektwalisasiyon : Naipakikita ang lawak nito sa pamamagitan ng mayamang korpus ng literatur a at publikasyon sa nasabing wika pagpaparami ng mas depinido, tiyak at angkop na mga terminolohiya, kasama ang mga abstrakto at henerikong termino Ipinapakita dito ang lawak ng diskurso mula sa pang - araw-araw na gawain tungo sa diskursong akademiko, kung kaya't nakapaloob ito sa akademya Sibayan (1999) : ang wika ay intelektuwalisado kung ito ay nasusulat
Modernisasiyon at Intelektwalisasyon ng Wika at si Gonzalez Aspe k to Intelektwalisas i yon Modernisas i yon Layunin Wika ng karunungan Wika ng makabagong pamumuhay Saklaw Akademya, agham, batas, edukasyon Teknolohiya, social media, urban life Gamit Pananaliksik, publikasyon, pagtuturo Apps, vlogs, digital platforms Uri ng salita Teknikal, abstrak, akademiko Praktikal, makabago, popular
Kung intelektwalisado na ang ating wika, nagiging mahalaga ito sa paglago ng negosyo at kalakalan. Ang mga banyaga na ang mag-aaral at gugustuhing matuto upang gamitin ito sa loob ng ating bansa .
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto Kawalan ng kakayahan ng Filipinong maging intelektwalisado ay dahil sa kawalan ng komunikasiyon at kamalayang: 1. kulang sa kaalaman sa kasaysayan ng pag-unlad n g mga wika sa kanluran at Japan 2. painot-inot at prosidyural na katangian ng pag - unlad ng wika, kung saan ang pag-unlad ay umaayon sa digri ng kahandaan ng wika para sa gamit na intelektuwal 3. ang di-pantay na panahon ng pagka ga gamit o di - paggamit sa wika bilang instrumento ng akademiko at siyentipikong diskurso
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto 4 . unti-unti, hakbang-hakbang na katangian ng pag - unlad ng wika, kung saan ang pag-unlad ay umaayon sa digri ng kahandaan ng wika para sa gamit na intelektuwal.
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto Bilang Proseso : Pagbuo ng estandardisadong anyo ng wika na magagamit sa akademikong diskurso Paggamit ng grammar – magagamit ng mga guro sa pagtuturo, pagtalakay sa klase at sa aktuwal na pagbuo ng mga materyal panturo Mahalaga rin ang diksiyonaryo at mga manwal ng retorika o gabay sa estilo
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto Bilang Proseso : Pagpapalaganap ng wika sa mass media, eskuwelahan, mga works ya p at seminar ng mga guro Kailangang maganap ang mahabang proseso ng kultibasyon. Kailangan ang tutok nito sa pagpaplano. Ang problema sa intelektuwalisasyon ng ilang wikang p ambansa ay nasa agham na b agama’t seguradong madedevelop sa Filipino , hindi ito ma i babahagi sa global na mundo. Sa teorya, magagawa ito ng pagsasalin ngunit para magawa ito, malaking gastusin ang kailangan. Isa pa, kailangan ang pag papalabas na salin para ang mga nagawa naman sa Filipino ay mabas a ng iba.
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto Bilang Produkto : estandardisasyon g wikang tinatanggap na sa kumbensiyon gamit ang manwal at diksyonaryo sa pamamagitan ng iba’t ibang literatura at domeyn ang pagpapalaganap ay mas madaling gawan ng ebalwasyon batay sa mga resulta ng sensus, report at iba’t ibang aw tput suriin ang kaugnay na proseso ng intelektuwalisasyon sa mga tindahan ng libro at mga aklatan at mga rekord para makita ang bilang ng titulo at mga kopya ng mga nalimbag bawat taon
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto Bilang Produkto : s uriin kung ang lokal na wika (karaniwa’y wikang pambansa) sa panulaan, kuwento, drama , impormal na sanaysay pati na sa diyaryo at dapat bahagi ito ng aw tput ng publikasyon bawat taon Sa paaralan, magagamit din ang wika bilang midyum ng pagtuturo sa iba’t ibang domeyn o iba’t ibang asignatura kagaya ng Kasaysayan, Sibika, Antropolohiya (mga madadali), Matematika, Likas na Agham [ Biology, Chemistry, Physics ] , Ap layd na Agham [ Inhinyeriya, IT ] (mga mahirap)
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto Bilang Produkto : Sa kuwantitatibong paraan, mailalarawan na intelektuwalisado ang wika sa sumusunod: bilang ng gamit ng wika bilang midyum ng pagtuturo sa anong level ng edukasyon ginagamit ang wika para sa anong larang o domeyn ito gagamitin para sa anong level ng abstraksiyon ito gagamitin
Intelektwalisasiyon Bilang Proseso at Produkto Bilang Produkto : I sa pang malinaw na manipestasyon ay ang bilang ng aktuwal na gumagamit ng wika upang bumuo ng mas maraming produkto at maging bahagi ng kontribusyon sa mga intelektuwalisadong produkto ng wika magpapayaman ang gamit nito at magarantiya na magagamit pa rin ito ng mga susunod na henerasyon Krusyal dito ang institusyonalisasyon ng wika sa pamamagitan ng patakarang pangwika ng eskuwelahan at mga opisina ng gobyerno, gayundin ang mass media (TV, radio, sine, mga CD, DVD atbp)
Pangkalahatang Pananaw ni Gonzalez sa Intektwalisasiyon Filipino bilang wikang pambansa at akademiko Kailangan ng malinaw na patakarang pangwika Suporta sa pagsasalin at pananaliksik Pantay na oportunidad ng Filipino at Ingles Gonzalez : hindi dapat manatili ang Filipino sa tahanan o kalye lamang. Dapat itong maging wika ng karunungan, kasabay ng Ingles
Mga Hamon Kakulangan ng terminolohiyang teknikal Dominasyon ng Ingles Politikal at sosyolohikal na hadlang Kakulangan ng publikasyon sa Filipino Gonzalez : ng unit hindi madali ang prosesong ito. Maraming hamon—lalo na ang dominasyon ng Ingles sa agham at teknolohiya
Konklus i yon Pangmatagalang proyekto ang pagpaplanong pangwika Filipino bilang wika ng karunungan Panawagan: gamitin, paunlarin, ipaglaban ang Filipino “A ng intelektwalisasyon ay hindi natatapos sa isang henerasyon. Ito ay pangmatagalang proyekto na dapat nating ipagpatuloy.”
“Ang wika ay hindi lamang daluyan ng damdamin, kundi daluyan ng karunungan.” – Gonzalez , A.B.