Paksa 9 - Pagtalakay sa katangian, Kalikasan at mga Uri ng Tekstong Impormatibo.pptx
SantiagoBDiosana
0 views
26 slides
Oct 13, 2025
Slide 1 of 26
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
About This Presentation
Pagtalakay sa kahulugan ng Tekstong Impormatibo
Size: 2.12 MB
Language: none
Added: Oct 13, 2025
Slides: 26 pages
Slide Content
Mapagpalayang araw po! Kamusta kayo?
Larawan - Suri
Ano- ano ang makikita mo sa larawan ? Ano kaya sa tingin mo ang kahalagahan ng mga larawamg ito ? Paano ito makakatulong sa atin pangaraw-araw na pumumuhay ?
Tekstong Impormatibo Introduksiyon sa Makapilipinong Pananaliksik
Layunin ng Aralin Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang tekstong binasa . Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t-ibang tekstong binasa . Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong impormatibo .
Tekstong Impormatibo Ito ay uri ng sulatin na naglalayong magbigay ng malinaw , tiyak , at kapaki-pakinabang na impormasyon .
Mga Uri ng Tekstong impormatibo Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Kasaysayan - ito ay isang uri ng panulat o paglalahad na ang pangunahing layunin ay magbigay ng tumpak at walang kinikilingang impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap na sa nakaraan . Ang ganitong uri ng teksto ay gumagamit ng mga datos , ebidensya , at detalye upang ilahad ang kasaysayan sa paraang totoo at maayos . Halimbawa : Pagdeklara ng Martial Law ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Pag- uulat ng Impormasyon – ito ay paglalahad o pagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang kasalukuyang isyu , pangyayari , o paksa . Kadalasan , ang ganitong uri ng teksto ay makikita sa mga balita , ulat , o artikulo na naglalayong ipaalam sa publiko ang mga mahahalagang detalye nang walang personal na opinyon . Halimbawa : Balita tungkol sa isyu ng proyekto ng Flood Control
Pagpapaliwanag – ito ay pagbibigay ng detalyado at malinaw na paliwanag sa isang paksa , konsepto , o proseso . Layunin nito na gawing simple at madaling intindihin ang mga kumplikadong ideya sa pamamagitan ng paggamit ng mga katotohanan , datos , at lohikal na pagkakasunod-sunod . Halimbawa : Mga Epekto ng Global Warming sa bansa .
Katangian ng Tekstong impormatibo Naglalahad ng makatotohanang impormasyon – Ang nilalaman ay batay sa datos , pananaliksik , o totoong pangyayari , hindi haka-haka. Obhetibo – Ipinapakita ang impormasyon nang walang personal na opinyon o emosyon . May malinaw na paksa – Nakatuon lamang sa isang tiyak na paksa o ideya .
May lohikal na pagkakaayos ng impormasyon – Maaring ayon sa sanhi-bunga , paghahambing , problema-solusyon , at iba pa. Gumagamit ng malinaw at tiyak na wika – Direkta at madaling maintindihan ang mga salita . May pantulong na detalye – May kasamang datos , halimbawa , larawan , o diagram para suportahan ang ideya .
Kalikasan ng Tekstong impormatibo Nagbibigay ng bagong kaalaman – Layuning magpabatid o magturo ng impormasyon sa mambabasa . Nagpapaliwanag – Maaaring maglahad ng dahilan , proseso , o ugnayan ng mga konsepto .
Nag- uulat – Maaaring magbigay ng ulat tungkol sa pangyayari , isyu , o datos . Hindi nanghihikayat – Hindi ito para kumbinsihin , kundi para magbigay ng malinaw na kaalaman . Maaaring sinusuportahan ng biswal – Kagaya ng larawan , graph, table, o mapa para mas malinaw ang impormasyon .
Elemento ng Tekstong impormatibo Paksa - Ito ang pangunahing tema o sentro ng teksto . Ito ang pinag-uusapan o tinatalakay sa buong panulat .
Pangunahing Ideya (Main Idea) - Ito ay ang pinakamahalagang mensahe na nais iparating ng teksto tungkol sa paksa . Kadalasan , matatagpuan ito sa simula o huli ng isang talata , at nagsisilbing "organizational marker" na tumutukoy sa pangkalahatang direksyon ng impormasyon .
Pantulong na Kaisipan (Supporting Details) - Ito ay ang mga karagdagang impormasyon , detalye , at ebidensya na sumusuporta , nagpapaliwanag , at nagpapatunay sa pangunahing ideya . Sila ang nagbibigay-linaw at lalim sa buong teksto .
Layunin ng May- akda - Tumutukoy sa hangarin o intensyon ng manunulat sa pagsulat ng teksto . Ito ay ang dahilan kung bakit niya isinulat ang isang akda . Halimbawa , ang layunin ng isang tekstong impormatibo ay magbigay ng tumpak na impormasyon , habang ang layunin ng isang teksto sa pananaliksik ay magpakita ng mga resulta ng pag-aaral .
Estruktura - Ito ang organisasyon o pagkakaayos ng teksto . Paano inihanay ng manunulat ang mga ideya , mula sa simula , gitna , hanggang sa wakas? Mahalaga ang estruktura upang maging malinaw at lohikal ang paglalahad ng impormasyon .
Estilo ng Pagsulat - Ito ay ang paraan o pamamaraan ng manunulat sa paggamit ng wika . Ang estilo ay sumasalamin sa kung paano ipinapahayag ng may- akda ang kanyang mga ideya —kung ito ba ay pormal , impormal , direkta , o matalinghaga . Mahalaga ito dahil nakakaapekto ito sa kung paano tatanggapin ng mambabasa ang teksto .
Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag . Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto , at Mali kung ito ay hindi wasto . Ang pangunahing layunin ng isang tekstong impormatibo ay manghikayat ng mambabasa na maniwala sa isang panig o opinyon . Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng makatotohanang impormasyon na batay sa datos , pananaliksik , o totoong pangyayari . 3. Sa isang tekstong impormatibo , mahalaga na may kasamang personal na opinyon at emosyon ng may- akda .
4. Ang Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Kasaysayan ay isang uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa nakaraan . 5. Ang Pag- uulat ng Impormasyon ay tumatalakay sa mga kasalukuyang isyu o balita . 6. Ang Paksa ay tumutukoy sa mga karagdagang detalye na sumusuporta sa pangunahing ideya . 7. Ang Pangunahing Ideya ay ang pinakamahalagang mensahe na nais iparating ng teksto tungkol sa paksa .
8. Ang Estilo ng Pagsulat ay tumutukoy sa paraan ng manunulat sa paggamit ng wika . 9. Ang tekstong impormatibo ay may layuning magbigay ng bagong kaalaman sa mambabasa . 10. Ang Pantulong na Kaisipan ay nagbibigay-linaw at lalim sa buong teksto . 11. Ang Layunin ng May- akda ay ang hangarin ng manunulat sa pagsulat ng kanyang akda .
12. Sa Pagpapaliwanag , ginagawang simple at madaling intindihin ang mga kumplikadong ideya . 13. Ang estruktura ng teksto ay hindi mahalaga dahil ang mahalaga ay ang nilalaman nito . 14. Ang isang balita tungkol sa isyu ng flood control ay isang halimbawa ng Pag- uulat ng Impormasyon . 15. Ang mga biswal tulad ng larawan , graph, at mapa ay hindi ginagamit sa tekstong impormatibo
Pangkatang Gawain Panuto : Bumuo ng apat na pangkat . Bawat pangkat ay gagawa ng isang maikling halimbawa ng tekstong impormatibo batay sa itinalagang uri at paksa . Gamitin ang mga katangian at elemento ng tekstong impormatibo sa inyong gawain .
Pangkat 1: Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Kasaysayan Paksa : Maikling kasaysayan ng inyong paaralan o komunidad . Pangkat 2: Pag- uulat ng Impormasyon Paksa : Ulat tungkol sa isang kasalukuyang isyu sa inyong barangay ( hal . paglilinis ng kanal , pagtatanim ng puno , atbp .).
Pangkat 3: Pagpapaliwanag Paksa : Paliwanag kung paano gumagana ang isang simpleng bagay ( hal . ang siklo ng tubig , kung paano nabubuo ang bahaghari , atbp .). Pangkat 4: Kahulugan at Katangian ng Tekstong Impormatibo Paksa : Gawan ng presentasyon na nagpapaliwanag sa kahulugan , katangian , at elemento ng tekstong impormatibo . Maaari itong gawing poster o infographic.