Paksa at Tono Filipino 8 leksyon sa Unang Markahan
magtajas2214
90 views
22 slides
Aug 30, 2025
Slide 1 of 22
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
About This Presentation
Lesson Presentaion
Size: 5.62 MB
Language: none
Added: Aug 30, 2025
Slides: 22 pages
Slide Content
Pagsusuri sa Paksa , Layunin , Damdamin , Tono , at Pananaw ng Isang Akda
Pagpaplano ng Pamilya Sa kasalukuyan ay pahirap nang pahirap ang buhay , dahil sa mabilis na pagdami ng tao . Hindi lumalawak ang lupa sa daigdig kaya dumarami ang suliraning kinakaharap ng mga tao . Sinasabing ang Pilipinas ay pang labing-anim sa pagdami ng tao sa daigdig . Kung magpapatuloy ang ganitong kabilis na pagdami ng mga kababayan natin ay mahaharap tayo sa mabigat na krisis sa darating na panahon . Ang lunas sa problemang ito’y ang “ Pagpaplano ng Pamilya ”. Hindi lamang malulunasan nito ang pandaigdig na suliranin sa pagdami ng tao kundi maging sa maginhawang kinabukasan ng mga anak . Kaya simulan na ang pagpaplano ng pamilya .
Ang paksa ng teksto ay tungkol sa paghirap ng buhay C. pagpaplano ng pamilya pagdami ng tao D. pamilya
2. Layunin ng teksto . manghikayat C. mag- ulat magbabala D. magturo
3. Ang tonong nangingibabaw sa teksto ay . pangamba C. takot ligalig D. pag-asa
4. Ang pananaw sa teksto . mahirap ang buhay sumisikip ang mundo sa pagdami ng tao buhay ay giginhawa pag nagplano ng pamilya pagplano ng pamilya
5. Ang antas ng wikang ginamit sa akda ay pormal impormal pampanitikan kolokyal
COVID-19 Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang sakit na COVID-19. Ito ay isang bagong uri ng corona virus na nakaaapekto sa iyong baga at mga daanan ng hininga . Ang corona virus ang nagiging sanhi ng mga karamdamang gaya ng karaniwang sipon . Marami ang gumagaling subalit dumarami pa rin ang kaso ng mga namamatay . Matinding pag-iingat ang kailangan upang makaiwas sa sakit . Ilan sa mga iminungkahi ng pamahalaan ay ang pananatili sa bahay lalo na ang mga matatanda na may edad 60 pataas at mga batang 15 pababa . Patuloy pa rin ang pagpapaalala na palagiang maghuhugas ng kamay , pagsusuot ng face mask at face shield at ang pagdistansya ng isang metro kapag haharap sa iba’t ibang tao . Hindi biro ang ganitong karamdaman kaya kailangan ng pakikiisa na pangalagaan ang sarili sapagkat hindi lamang nito malulunasan ang pandaigdig na suliranin sa pagdami ng nagkakasakit kundi sa maginhawang kinabukasan ng bawat mamamayan .
Ang paksa ng teksto ay tungkol sa COVID-19 C. pangangalaga sa sarili Pandaigdig na suliranin D. Sakit
2. Ang layon ng teksto ay Mang-aliw C. magbalita manlibang D. magsalaysay
3. Ang tonong nangingibabaw sa teksto ay A. pangamba B. sigla C. seryoso D. galit
4. Ang pananaw sa teksto ay makiisa sa pagharap sa COVID-19 mag- ingat sa COVID-19 lumayo sa mga taong may COVID-19 magsuot ng face mask
5. Ang antas ng wikang ginamit sa akda ay pormal impormal pampanitikan kolokyal
Pangarap Pangarap ... Isang Paglalakbay . Ang pangarap ay simula ng lahat . Anumang bagay sa daigdig ay nagpasimula sa pangarap lamang . Halimbawa ay ang isang makabuluhang makina o ang isang madamdaming awitin . Bunga ang mga ito ng pangarap ng isang imbentor at ng isang kompositor . Ang mga pangyayari man sa kasaysayan ay likha rin ng maraming pangarap , tulad ng marating ang buwan , makalipad sa himpapawid at ang pangarap ng isang karaniwang mamamayan na ang kanyang bayang tinubuan ay maging malaya sa pagkabusabos ng mga dayuhan . Ang pangangarap sa sandaling ito ay nagagawa mo ang lahat , mapagtatagumpayan ang anumang balakid at ikaw ang idolong hinahangaan ng lahat .
Ang paksa ng teksto ay tungkol sa A. pangarap B. paglalakbay C. kasaysayan D. Idolo 7. Ang tonong nangingibabaw sa teksto ay A. lungkot B. sigla C. pag-asa D. pagkabigo 8. Ang mensahe sa teksto ay . masama ang walang pangarap B. libre ang mangarap C. malayo ang nararating ng may pangarap D. ang pangarap ay simula ng lahat 9. Ang karaniwang salitang ginamit sa kabuuan ng talata ? A. pormal B. Kolokyal C.pampanitikan D. di- pormal 10. Ang layon ng tekstong binasa ay A. Magbalita B. manuligsa C. manghikayat D. magbigay-babala