PANGUNGUSAP Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang may buong diwa. Halimbawa: Si Ana ay nag-aaral ng mabuti.
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT 1. Pasalaysay - nagsasalaysay o nagkukuwento Halimbawa: Si Liza ay nagbabasa ng aklat. 2. Patanong - nagtatanong Halimbawa: Saan ka pupunta? 3. Pautos - nag-uutos o nagpapagawa Halimbawa: Pakikuha ang aking bag. 4. Padamdam - nagsasaad ng matinding damdamin Halimbawa: Aray! Ang sakit!