PARAS LESSON PLAN KOLONYALISMO KABABAIHAN.pdf

gepitulanjeziel 8 views 5 slides Feb 25, 2025
Slide 1
Slide 1 of 5
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5

About This Presentation

KABABAIHAN LESSON PLAN


Slide Content

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyo
Rehiyon XI
Division of Davao del Sur
FELIPE-INNOCENCIA DELUAO NATIONAL HIGH SCHOOL
TANWALANG, SULOP DAVAO DEL SUR


PAMANTAYANG PANG NILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo
sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng
mga kaisipan sa agham,politika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang
kamalayan
PAMANTAYANG PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang
bansa,komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa
makabagong panahon.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Ang mga mag-aaral ay nasusuri ang mahalagang pagbabago ng politika,ekonomiko at
sosyo-kultural sa panahon ng renaissance. WEEK 1 (AP8PMD-IIIi-10)

I-LAYUNIN:
PANGKABATIRAN:
1. Naipapaliwanag ang mga dahilan kung bakit ilan lamang sa mga kababaihan ang
tinatanggap sa unibersidad sa panahon ng renaissance;
SAYKOMOTOR:
1. Nakagagawa Venn diagram patungkol sa pagkakaiba ng katayuan ng mga
kababaihan sa panahon ng Renaissance at kasalukuyan;at
PANDAMDAMIN
1. Napapahalagahan ang gampanin ng mga kababaihan noon hanggang ngayon
bilang isang mag-aaral.

II-PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ang Katayuan ng mga Kababaihan sa Renaissance
Kagamitan: Laptop at iba pang kagamitang biswal
Sanggunian: Araling Panlipunan 8 (Ikatlong Markahan ) – Modyul 1

III. PROSESO NG PAGKATUTO (6minuto)
A.Gawaing Rutinari
 Panalangin
 Pagbati
 Pampalakas ng Katawan
 Pagtala ng Liban
 Balik-aral
1. Sino ang Ama ng Humanismo ?
2. Sino ang matalik na kaibigan ni Petrarch ?

B.Pagganyak (2 Minuto)
Pagmasdan ng mabuti at unawain ang mga larawan. Magbigay ng sariling opinyon ukol
sa ipinapahiwatig nito.


Presentasyon ng Layunin:
B. Analisis ( 8 Minuto)
Gawain 1
Panuto: Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat . Manaliksik ng mga dahilan kung
bakit ilan lam1ang sa mga kababaihan ang tinatanggap sa unibersidad sa panahon ng

renaissance. Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng limang minuto sa paghanda at tatlong
minuto naman sa pagpresenta.
Mga dahilan kung bakit ilan
lamang sa mga kababaihan ang
tinatanggap sa unibersidad sa
panahon ng renaissance
1.
2.
3.
4.
5.


Mga Katanungan:
1. Ano ang masasabi niyo sa ating Gawain ?
2. Nahirapan ba kayo sa pananaliksik ng tamang impormasyon ukol sa aking
ibinigay na Gawain ?
3. Sa inyong palagay tama ba na hindi lahat ng mga kababaihan ang binigyang
karapatan ng makapasok ng unibersidad sa bansang Italy ? Bakit ?

C.Abstraksiyon: ( 15 Minuto)
Ang Katayuan ng mga Kababaihan sa Renaissance
Sa panahon ng Renaissance, iilang mga kababaihan lamang ang tinanggap sa mga
unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman,
hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag
sa Renaissance.
Isotta Nogorola ng Verona – siya ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve
(1451) at Oration on the life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang
kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal.
Laura Cereta mula sa Brescia- ang nagsulong ng isang makabuluhang pagtatanggol
sa pag-aaral sa humanistiko para sa kababaihan.
Sofonisba Anguissola mula sa Venice at Vittoria Colonna mula sa Rome- sila ay
kilala sa pagsulat ng tula.
Sofonisba Anguissola mula sa Cremona- ang may likha ng Self-Portrait (1554).
Artemisia Gentileschi- ang nagpinta ng Judith and Her Meidservant with the Head
of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allergy of Painting (1630).
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 15
Presentasyon 10
Kooperasyon 5
Kabuuan 30

Bunga ng Renaissance
1. Pinagyaman ang kabihasnan ng daigdig.
2. Nagbunga ng kanga-hangang likha ng sining at panitikan na naging bahagi
ng hindi matutumbasang pamana sa sangkatauhan.
3. Nagbibigay-daan sa Intellectual Revolution ang pag-usisa at hilig sa
kaisipang klasikal.
4. Ginising ang nahihimbing na isip ng tao upang baguhin ang maling
paniniwala at pamahiin noong panahon ng Medieval Period.
5. Nag-ambag sa paglawak ng kaalaman tungkol sa daigdig.
6. Nagbibigay sigla sa mga eksplorasyon na nakatuklas ng bagong lupain.
7. Nakatulong sa pagsulong at pagkakabuklod ng mga bansa.
8. Pinahina nito ang kapangyarihan ng papa at maharlika.
9. Ang pagkamulat ng bagong kaisipan ang nagbigay daan sa Rebolusyong
Protestante o Reformation.
Pangkalahatang Katanungan:
1. Ano ang naiintindahan ninyo sa ating talakayan?
2. May magandang ambag ba ang Panahon ng Renaissance sa kasalukuyan ?
3. Sa inyong palagay, mahalaga ba ang pag-usbong ng Renaissance ? Bakit ?

Aplikasyon (10 Minuto )
Gawain 2: “Venn Diagram”
Panuto: Gumawa ng Venn Diagram patungkol sa pagkakaiba ng katayuan ng mga
kababaihan sa panahon ng Renaissance at kasalukuyan. Hahatiin sa dalawang pangkat
ang buong klase at bawat grupo ay pumili ng taga ulat at taga sulat. Ang lahat ay bibigyan
lamang ng limang minuto sa paghahanda at tatlong minuto naman sa pagpresenta.




PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 15
Presentasyon 10
Kooperasyon 5
Kabuuan 30

IV-EBALWASYON (7minuto)
Panuto: Isulat tamang sagot sa iyong sagutang-papel.
1. Sa anong panahon kung saan iilan lamang ang kakabaihag tinanggap sa mga
unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy ?
2. Siya ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) ?
3. Ano ang nilikha ni Sofonisba Anguissola noong 1554 ?
4. Sino ang kasama ni Veronica Franco na taga Rome at isa ring kilala sa
pagsulat ng tula ?
5. Siya nagsulong ng isang makabuluhang pagtatanggol sa pag -aaral sa
humanistiko para sa kababaihan ?


Tamang Sagot
1. Panahon ng Renaissance
2. Isotta Nogorola
3. Self-Portrait
4. Vittoria Colonna
5. Laura Cereta
V-Takdang-Aralin (2minuto)
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
Sitwasyon: Kung sakaling muling magkakaroon ng Renaissance,alin sa mga sumusunod
ang gusto mong baguhin ? Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mo.


Inihahanda ni:

Pamela Paula Paras
Nagpapakitang-turo
Tags