PICTORIAL ESSAY 004 #1 09/28/22 O LARAWANG -SANAYSAY
Ating Subukan! Bago tayo dumako sa ating aralin , halina’t ating subukan ang gawain sa susunod na slide .
Ano kaya ang mga salitang ito? - mula salitang kastila : imahen . - mula sa Latin: imago. AANLRWNA - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may- akda . HMEIA YNSSYAAA
Ano kaya ang mga salitang ito? - mula salitang kastila : imahen . - mula sa Latin: imago. LARAWAN - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may- akda . IMAHE SANAYSAY
Ano nga ba ang Larawang Sanysay ? Talaan Ng Nilalaman. Mga katangian ng Larawang Sanysay . M g a hakbang sa pagbuo ng Larawang Sanysay . Ang mga mag-aaral ng UST SHS. Kahulugan Mga Hakbang Mga dapat tandan sa pagsulat ng Larawang Sanysay . Masusukat ang antas ng pagkatuto. Dapat Tandaan Pagsusulit Mga Katangian Halimbawa 01 02 03 04 05 06
Ang K ahulugan ng Larawang-sanaysay . 01
INTRODUKSYON Patuloy ang pagbabago sa ating panahon , maifuturing makabagong paraan ng pagsulat ang paggamit ng larawan bilang paksa ng isang sulatin . Mas napadadali ang paggawa ng isang komposisyon kung mayroong ideyc buhat sa isang larawan . Ito ay nakilala sa tawag na sanaysay ng larawan o photo essay.
Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may kaugnayan sa bawat isa. Umiikot sa isang tema o paksain na kinapapalooban ng opinyon o saloobin ng isang manunulat . Maaari itong personal na paniniwala sa isang partikular na isyu , usapin o paksa na mayroong repleksyon ng kultura , paniniwala , tradisyon , pulitika at iba pang mga tema ng sulatin . Maaari itong maging simple o malikhaing pagsulat .
KAHULUGAN Ang larawang sanaysay , na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay, ay isang uri ng sulatin na naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon .
Ito ay isang koleksyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari , mga damdamin , at mga konsepto sa pinakapayak na paraan .
Kagaya ng iba pang uri ng sanaysay , gumagamit ito ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay . Maaaring gamitin mismo ang binuong larawan o di kaya’y mga larawang may maikling teksto o kapsyon . Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan sa mga kaisipang nais iparating ng teksto . Karaniwang umiikot lamang ito sa isang paksa o tema kaya’t mahalagang ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay . Dapat din itong pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag .
A photograph shouldn't be just a picture, it should be a philosophy. ― Amit Kalantri
KAHULUGAN Ayon kay Amit Kalantri , isang nobelistang Indian, "A photograph shouldn't be just a picture, it should be a philosophy," May katotohanan nga naman , ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo . Subalit , ito ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan . Kaya naman , kahanga-hanga ang mahuhusay kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay .
M ga Katangian ng Larawang-Sanaysay 2
MGA KATANGIAN Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli . Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito .
MGA KATANGIAN May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin . Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-sanaysay .
MGA KATANGIAN Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay . Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay , magbigay ng mahalagang impormasyon , at malinang ang pagiging malikhain .
M ga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay 3
1 . Pumili ng paksa ayon sa iyong interes . 2 . Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin . MGA DAPAT TANDAAN
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa . 4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa . MGA DAPAT TANDAAN
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan , mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan . 6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan . Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita . MGA DAPAT TANDAAN
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay , isang ideya , at isang panig ng isyu . 8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon , kulay , at pag-iilaw . Kung minsan , mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito . MGA DAPAT TANDAAN
9. Maglapat ng isang hamon o konklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay . MGA DAPAT TANDAAN
M ga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay 4
1. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito . 2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay . MGA HAKBANG
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema . 4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa . MGA HAKBANG
5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito ng iyong kuro o saloobin . 6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng kohirens ang iyong pagsulat . MGA HAKBANG
7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay . MGA HAKBANG
Halimbawa ng Larawang-Sanaysay 5
Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag- aaral noong Thomasian Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang haharapin bilang isang mahabagin , maaasahan , at tapat na Tomasino .
Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag- aaral sa Arch of the Centuries, nagsimula na ang pormal na klase . Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas , pagsasanay , pananaliksik , atbp . – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay ngang nagbigay ng pagsubok sa kanila . Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa , nagkakaroon ng magandang pagsasama ang bawat klase na binubuo ng mga mag- aaral na may iba’t ibang pinanggalingan , ugali , pananaw , at talento .
Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag- aaral , mayroon ding mga kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba . Nagkaroon ng senior high school week na pinaghandaan ng lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras . Dito nagkaroon ng tagisan ng mga natatagong talento .
Nag- imbita rin ng mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa mga mag- aaral . Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School, tinuturuan din sila kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano makipagkaibigan , at magpakumbaba . Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior High School ng kanilang Intramurals na pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino na ilabas ang kanilang angking galing sa larangan ng pampalakasan .
Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan , at lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa kanila sa labas ng kanilang gusali , o mas kilala na BGPOP, ay ilan lamang sa mga humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng unibersidad . Mapapansing malayo man sa pagiging perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang bumuo ng Tomasinong hindi lamang hasa ang utak , kundi malaki rin ang puso para sa iba .
PAGSUSULIT 6
SALAMAT! MGA MIYEMBRO: Lia Genelle Rei M. Concha Lee Alvin M. Magyaya Nathan Bryce L. Majaba Jeo Neyle B. Mabato Chad M. Jantoc Janine M. Jaugan Althea Martha M. Hintay Eiliana Jean B. Montiano Chelzera Mae M. Rodas Philip M. Malco Mhark Wency R. Victorio Krystal Camille C. Besana Anne Vixia L. Largado