ANG MGA TAGAPAGMANA NI CHARLEMAGNE AY KULANG SA MGA KATANGIAN NG PAMUMUNO NA KAILANGAN UPANG PANATILIHIN ANG BATAS AT KAAYUSAN SA KANLURANG EUROPE. DAHIL SA WALANG MALAKAS NA PAMAHALAAN, KINAKAILANGANG BUMUO NG ISANG URI NG SISTEMA UPANG IPAGTANGGOL ANG MGA MAMAMAYAN AT ANG KANILANG MGA LUPAIN. WALANG SENTRALISADONG PAMAHALAAN O PAMUMUNO KUNG KAYA ANG KAPANGYAIRHAN AY NASA KAMAY NG MGA PANGINOONG MAY LUPA NA BUMUO NG SARI-SARILING HUKBONG MAGTATANGGOL SA KANILA. ANG TAWAG NG GANITONG BAGONG PAMAMARAAN NG PAMUMUHAY AY FEUDALISM O PIYUDALISMO.
ANG PIYUDALISMO ANG SISTEMANG PIYUDALISMO AY INTERAKSYON NG MGA NAGHAHARING URI AT MGA NASA MABABANG-URI NG TAO. ITO AY ISANG SISTEMA KUNG SAAN MAYROONG UGNAYAN ANG PANGINOONG MAY-ARI NG LUPA AT KANIYANG MGA ALIPIN. ITO RIN AY ISANG SISTEMA NG PAMAMALAKAD NG LUPAIN NA KUNG SAAN ANG ANG LUPANG PAG-AARI NG PANGINOON AY IBAHAHAGI SA VASSAL AT BIBIGYAN NG PROTEKSYON, AT BILANG KAPALIT MANUNUNGKULAN ANG VASSAL NG TAPAT AT PAGSISILBIHAN NG KANYANG ARI.
1. Bakit kinakailangang bumuo ng isang bagong uri ng Sistema o kaayusan sa Kanlurang Europe sa pagkamatay ni Charlemagne? Dahil sa walang malakas na pamahalaan , kinakailangang bumuo ng isang uri ng Sistema upang ipagtanggol ang mga mamamayan at ang kanilang mga lupain . Walang sentralisadong pamahalaan o pamumuno kung kaya ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga panginoong may lupa na bumuo ng sari- sariling hukbong magtatanggol sa kanila .
2. Ano ang piyudalismo ? Isang Sistema ng pagmamayari ng lupa at tungkulin ginamit ito sa gitnang panahon .
3. Bakit ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga noble? Dahil sa hindi kayang ipagtanggol ng hari ang lahat ng kaniyang lupain ibinahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw
4. Ano ang fief? Ang lupang ipinagkaloob ng VASSAL ay tinatawag na FIEF. Ang vassal ay isa ring Lord dahil siya ay may- ari nng lupa . Ang kanyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw .
5. Ano ang homage? Ang Homage ( mula sa Medieval Latin hominaticum , lit. " nauukol sa isang tao ") noong Middle Ages ay ang seremonya kung saan ang isang pyudal na nangungupahan o vassal ay nangako ng paggalang at pagpapasakop sa kanyang pyudal na panginoon , na tinatanggap bilang kapalit ng simbolikong titulo sa kanyang bagong posisyon ( pamumuhunan ).
6. Ano ang oath of fealty? Ang Oath of Fealty ay isang pangakong katapatan ng isang tao sa ibang tak . Sa simpleng mga salita , nangangahulugang katapatan . Ang isang panunumpa sa isang pangako , mula sa pagiging matapat sa Latin, ay isang pangako ng katapatan ng isang tai patungo sa isa pa Or sa ingles -is a promise of one person's loyalty to another. In simple terms, it means honesty
7. Anong mgs tungkulin at karapatan ng lord at vassal sa isa’t isa ? Kapag naisagawa na ng lord at ng vassal ang Oath of Fealty sa isa't isa , gagampanan nila ang tungkuling nakapaloob sa kasunduan . Tungkulin ng lord sa vassal na suportahan ang pangangailangan nito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief Tungkulin din ng lord na ipagtanggol sila laban sa mga kaaway at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng alitan . Tungkulin naman ng vassal sa hari na magkaloob ng serbisyong pang- militar . Magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan . Tungkulin din na tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gagastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaking lord.
8. Paano isinasagawa ang proseso ng pagiging knight? Mula sa panganak hanggang 7 taong gulang , siya ay nasa pangngalaga ng ina Habang bata siya ay tatanggap ng pagsasanay upang maging isang ganap at malakas na knight balang araw . Pagsapit ng 14 taong gulang siya ay ipapadala sa isang pang lord para maging PAGE. Sasanayin sa paggamit ng sandata at pagsakay sa kabayo . Bilang squire tungkulin niyang sumama sa kanyang master sa mga tournament. 21 taong gulang siya ay ganap na KNIGHT
9 . Ano ang chivalry? CHIVALRY ang tawag sa alituntunin na sinusunod ng isang knight. Ang salitang ito ay hango sa salitang cheval ( salitang French para sa kabayo ) at chevalier ( salitang French para sa mandirigmang nakasakay sa kabayo .)
10. Magbigay ng ilang akdang patungkol sa chivalry. Noong ika-12 na siglo , sinulat ni Chretien de Troyes ang buhay ni King Arthur at ang mga knight ng Round Table. Ang trahedyang pag-iibigan nina Tristsan at Isolde ay sinulat ng German na si Gottfried von Strassburg . Ang paboritong chanson ng nga French ay ang The Song of Roland (circa 1100) na ukol sapakikibaka ni Roland at ang Twelve Peers, ang mga pinakamatapat na vassal ni Charlemagne
ANG MANORYALISMO Ang manoryalismo ay isang makaprinsipyong organisayon kumunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa Gitnang Kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain .
1. Ano ang manoryalismo ? Ang pang- ekonomiyang katapat ng piyudalismo ay ang manorialism o manoryalismo . Ito ay ang sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka , ng buhay ng mga mambubukid , at ng kanilang ugnayan sa isa’t isa at sa lord ng manor
2. Saan nanggagaling ang yaman ng mga lord? Ang yaman ng lord ay mula sa pawis ng mga magbubukid . Maraming magbubukid ang nagkaloob ng kanilang lupa sa lord kapalit ng proteksiyon laban sa mga tulisan at masasamang-loob . Mayroon namang nawalan ng lupa dahil sa pag-kakautang sa mga dugong bughaw . Kinalaunan , ang mga lupa ay napasakamay ng lord. Ang mga lupain na ito ay bumubuo ng ng isang manor.
3. Ano ang ginagawa sa common? Ang common ay isang lugar na ginagamit bilang pastulan ng mga alagang hayop ng mga karaniwang tao .
4. Ano ang mga uri ng mambubukid ? Ipaliwanag ang Gawain ng bawat isa. • Mayroong tatlong uring magbubukid , Una ay ang mga alipin na maaaring bilhin at ipagbili tulad ng hayop . • Pangalawa , ang mga serf na hindi maaaring umalis ng manor at hindi rin maaaring paalisin sa manor. Nagsasaka sila ng walang kabayaran kung hindi kapirasong lupa at proteksiyon mula sa mga knight ng kanilang lord. • Ang panghuli ay freeman, sila ang mga pinalayang alipin na kadalasan ay may sariling lupa .
5. Ano ang three-field system sa pagsasaka ng manor? Bakit ginagawa ito ? Ang three-field system ay ang paghahati ng lupain sa tatlong bahagdan . Ang isang bahagi ay maaring taniman , ang ikalawa ay maaring taniman ng gulay , at ang pangatlo ay hindi taniman . Sa susunod na taon ang unang bahagi na naman ang hindi tataniman . Sa ikatlong taon ang ikalawang bahagi naman ang hindi tataniman . Ang sistemang ito ay ginagawa upang mabawi ng lupain ang sustansiya nito .
6. Ano ang mga karaniwang pagkain at inumin ng mga naninirahan sa nayon ? Ang pang- araw - araw na pagkain ay dinaragdagan ng karne ng manok at mga aning prutas at gulay . Hindi gaanong ginagamit ang gatas bilang inumin sapagkat ito ay ginagawang keso . Ang pangunahing inumin ay cider, serbesa , at alak .
7. Ano ang kasitilyo ? Mahalaga ba ito sa mga lord? Bakit ? Ang kastilyo ay ang tirahan ng lord. Itinatayo to upang ipagtanggol ang lord laban sa kanyang mga kaaway . Mayroon tong keep o malaking tore na lubos na pinagtibay upang maging ligtas na taguan ng mga tao sa panahon ng pananalakay ng mga kaaway . Ligid ng mataas at makapal na pader ang iba't ibang gusali na nakapaligid sa keep. Mahalaga ito sa mga lord dahil ito ang nag tatanging protekta nila sa mga kalaban .
GROUP 5 MARAMING SALAMAT! MEMBERS: JANELLE BUTA ZNA YSABELLE SAGGE FRANCES JURIS NATINO ADRIANA ANGUB FRANCHES LAD ANTONIO ARVEIN FAOCBIT JZ KYLE OCA