balik aral PAANO IPINAKITA NI SIMON BOLIVAR ANG KANYANG PAGMAMAHAL SA BAYAN AT NASYONALSMO SA KABILA NG MGA PAGSUBOK?
4 pics 1 word
panuto: 4 pics 1 word Tingnan nang mabuti ang 4 na larawan na ipapakita. Hanapin ang magkaparehong ideya o tema sa lahat ng larawan. Gamitin ang mga letrang nakahalo sa ibaba upang mabuo ang tamang salita. Magtaas ng kamay ang gustong sumagot Tamang sagot = Gantimpala
nasyonalismo sa tsina at si sun yat sen
sun yat sen Si Sun Yat Sen ay kilalang “Ama ng Makabagong Tsina.” Unang pansamantalang presidente ng Republika ng Tsina (1911–1912). (1866-1925)
Mga Impluwensya sa Kanyang Kaisipan 1. Kristiyanismo 2. Kanluraning Edukasyon 3. Karanasan sa Tsina
Kanyang Papel at Ambag 1. 2. Nagtatag ng United League (Tongmenghui, 1905) Pinangunahan ang Xinhai Revolution (1911) 3. Ang Tatlong Prinsipyo ng Tao (Three Principles of the People) SUN YAT SEN
Nagtatag ng United League (Tongmenghui, 1905) Noong 1905, itinatag ni Sun Yat Sen kasama ang iba pang mga rebolusyonaryong Tsino ang United League sa Tokyo, Japan. Ito ay pinag-isang samahan ng iba’t ibang kilusang makabayan at rebolusyonaryo laban sa Dinastiyang Qing.
Layunin ng United League Pagtatapos ng pamamahala ng Dinastiyang Qing. Pagpapalayas sa mga dayuhan Pagkakaisa ng mga Tsino Itaguyod ang Tatlong Prinsipyo ng Tao ni Sun Yat Sen
Pinangunahan ang Xinhai Revolution (1911) Ang Xinhai Revolution ay isang makasaysayang rebolusyon na naganap noong Oktubre 10, 1911. Ito ang nagpatalsik sa Dinastiyang Qing Pinangunahan ito ng mga makabayang rebolusyonaryo kabilang si Sun Yat Sen, na itinuturing na Ama ng Makabagong Tsina
Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Dinastiyang Qing Panloob na problema (korupsiyon, kahirapan, rebelyon) Panghihimasok ng mga dayuhan Pag-usbong ng nasyonalismo.
Ang Tatlong Prinsipyo ng Tao (Three Principles of the People) Nasyonalismo – “Pagmamahal sa bansa at paglaya sa mga dayuhan” Demokrasya – “Pamumuno ng tao, para sa tao at sa pamamagitan ng tao” Kabuhayan –” Pagtaguyod ng kabuhayan at kagalingan ng lahat”
PAMPROSESONG TANONG
SLOGAN MO PANININDIGAN KO
panuto : SLOGAN MAKING Ang klase ay hahatiin sa tatlong (3) grupo. Ang bawat pinuno (leader) ng grupo ay bubunot ng isa sa Tatlong Prinsipyo ng Mamamayan ni Sun Yat Sen: 1.Nasyonalismo 2.Demokrasya 3.Kabuhayan
panuto: SLOGAN MAKING Lumikha ng isang makabuluhang slogan na nagpapakita ng diwa at kahulugan ng kanilang nakuhang prinsipyo Dapat ito ay orihinal, malinaw, at may kaugnayan sa temang tinalakay Oras ng paggawa: 10 minuto
PAMANTAYAN PUNTOS 1. Kaugnayan sa Tema 50 2. Pagkamalikhain 30 3. Presentasyon 20 KABUUANG PUNTOS 100 pamantayan sa pangkatang gawain
Tukuyin kung ang mga pahayag ay tungkol sa Pagbagsak ng Dinastiyang Qing, ang United League, at Tatlong Prinsipyo ng Mamamayan. Isulat ang WASTO kung ang pahayag ay tama batay sa kasaysayan, at MALI kung ito ay hindi totoo o may maling impormasyon. panuto
_________1. Ang pagbagsak ng Dinastiyang Qing ay dulot lamang ng mga panlabas na salik gaya ng pananakop ng mga Kanluranin . ________2. Itinatag ang United League upang isulong ang reporma sa loob ng Qing Dynasty. ________3. Si Sun Yat -Sen ang pangunahing tagapagtatag ng United League. ________4. Ang Tatlong Prinsipyo ng Mamamayan ay binubuo ng Nasyonalismo , Demokrasya , at Kabuhayang Pantao . ________5. Isa sa mga layunin ng Tatlong Prinsipyo ng Mamamayan ay ang pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dayuhang mananakop sa Tsina .