Pamilya Bilang Tagapangalaga at Katiwala ng Likas na Yamang Tubig
Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. _______ 1. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay ng pag-asa sa tao. _______ 2. Ang pagtulong sa kapwa ay sapat na kahit hindi ka magsimba. Balik-aral
_______ 3. Kapag dumaranas ng problema , ang pagdarasal ay nakapagbibigay ng pag-asa . _______ 4. Ang pag-iwas sa paggawa ng kasalanan sa kapwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos . _______ 5. Mahalaga na palagi tayong may positibong pananaw sa bawat problemang ating hinaharap .
_______ 6. Sa lahat ng oras at anumang pagkakataon , dapat tumulong sa kapwa . _______ 7. Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Diyos kahit hindi siya nakikita nang personal. _______ 8. Sa bawat pagkakataon , dapat na unahin ang sarili .
_______ 9. Ipagwalang-bahala ang damdamin ng iba . _______ 10. Pagbibigay ng lakas ng loob at pagdamay sa taong dumaranas ng isang mabigat na pagsubok .
Tubig Pinakamahalagang yamang-tubig . Maaring tumagal ang tao ng hanggang isang buwan ng walang pagkain subalit ikamamatay nya ang mawalan ng tubig sa loob lamang ng limang araw hanggang isang linggo . Ito ay dahil sa halos 60 hanggang 65% ng ating katawan ang binubuo ng tubig .
Halaga ng Tubig sa Katawan Ang tubig at hindi lang mahalaga bilang inumin kundi mahalaga rin sa iba pang bagay . Ginagamit din ang tubig sa paglilinis ng katawan tulad ng pagligo , paghihilamos , at pagsesepilyo . Halaga ng Tubig sa Gawaing-Bahay Ginagamit sa paglilinis ng bahay at sasakyan , paglalaba , pagluluto , at paghuhugas ng pinggan .
Halaga sa Hayop , Puno, at Halaman Tulad ng tao , hindi rin mabubuhay ang mga hayop kapag ndi sila nakainom ng tubig sa pagligo . Ang mga halaman ay mabubuhay lamang kapag laging nadidiligan . Kailangan ng mga puno at halaman ng tubig upang lumago at mabuhay .
Pinagmumulan ng Enerhiya o Kuryente Ang lakas na nagmumula sa mga talon at naipong tubig tulad ng sa dam ay nako -convert sa mga hydroelectric plant upang maging enerhiya at kuryente
Halaga sa Pag-unlad ng Turismo Dinarayo ng maraming turista ang mga nagagandahan nating anyong tubig . Nakakatulong sa paglago ng ating ekonomiya ang pagdating ng mga turista na gustong mamasyal at maligo sa ating magagandang dalampasigan at iba pang anyong-tubig .
Mga Likas na Yaman Mula sa Tubig Binubuo ng mga isda , hipon , pusit , alimango , kabibe , suso , tahong , talaba , at mga seaweeds
Gawain 1 Kung ikaw ay papipiliin , o magiging “Bender”, alin ka sa tatlo : lupa , tubig , o hangin ? Ipaliwanag ang sagot .
Ang “Bender” ay hango sa pelikulang “Avatar: The Last Airbender” at ito ay isang fantasy adventure na pelikulang ginawa ng Nickelodeon noong 2005.
Ipinakita dito na ang mundo ay nahahati sa apat na bansa -- ang Water Tribe, Earth Kingdom, Fire Nation, at Air Nomads -- bawat isa ay kinakatawan ng isang natural na elemento kung saan pinangalanan ang kanilang bansa . Ang mga “bender” ay may kakayahang kontrolin at manipulahin ang elemento mula sa kanilang bansa .
Gawain Ayusin ang mga titik upang makabuo ng mga salita na tumutukoy sa mga larawan na mga halimbawa ng likas na yaman :
Sagutin ang sumusunod. Paglalahat
Dapat o Hindi Dapat . Isulat ang titik “D” kung ang sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga , o isulat ang mga titik “HD” kung hindi ito nagpapakita ng pagpapahalaga sa tubig . 1. Isara ang gripo kapag hindi ginagamit . 2. Huwag gumamit ng dinamita o lason sa pangingisda . Pagtataya
3. Gumamit ng lambat na may katamtamang laki lamang ang butas sa pangingisda . 4. Ayusin o palitan agad ang sirang gripo sa loob ng bahay . 5. Itapon ang mga basura sa daluyan ng tubig .
6. Huwag isumbong ang mga pabrikang nagtatapon ng nakahalong kemikal sa dagat at ilog . 7. Magtapon ng plastik , langis , at dumi ng hayop at tao sa ilog at dagat . 8. Sirain ang mga korales , bakawan , at halamang dagat .
9. Makikinig ako sa aking tatay at nanay sa pag-aalaga at pagtitipid ng tubig . 10. Huwag sundin ng pamilya ang payo ng NWRB dahil ito ay luma at matagal na .
SALAMAT SA PAKIKINIG!
GMRC 4
QUARTER 2 WEEK 6 DAY 2 MATATAG CURRICULUM
Pamilya Bilang Tagapangalaga at Katiwala ng Likas na Yamang Tubig
Unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng patunay na nagpaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad at MALI naman kung wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ________ 1. Pumunta si Marlon sa pook dalanginan upang manalangin nang taimtim kahit siya ay pilit na inaanyayahan ng mga kaibigan niyang pumunta sa party. Balik-aral
_________ 2. Pakikilahok sa mga panrelihiyong pagdiriwang tulad ng “World Youth Day”. _________ 3. Itinago ni Luisa ang sobrang sukli na ibinigay ng tindera sa kanya noong bumili siya ng tinapay at juice. _________ 4. Pakikinig nang mabuti at pagtanggap sa iba’t ibang paniniwala ng iyong mga kaibigan mula sa iba’t ibang relihiyon . __________ 5. Dinalaw mo ang iyong kaklase na may sakit at dinalhan ng makakain gaya ng pagkain at mga prutas .
Basahin : Kahalagahan ng Pagpapanatili ng Kalinisan ng Tubig Daloy , Pinagmulan , at Kahalagahan ng Tubig National Water Resources Board Kinukuha ng tubig ang mahigit pitumpung porsiyento ng ibabaw ng lupa . Ang iyong katawan ay gawa sa halos animnapung porsyentong tubig .
Ang tubig ay walang kulay , walang amoy na likido na kailangan ng lahat ng nabubuhay upang mabuhay . Humigit-kumulang pitumpu’t isang porsiyento ng ibabaw ng Earth ay natatakpan ng tubig , at ang mga karagatan ay nagtataglay ng humigit-kumulang 96.5 porsiyento . Kailangang pahalagahan at panatilihing malinis ang tubig dahil ang tubig ay mahalaga sa buhay . Paglalahad
Ang National Water Resources Board (NWRB), ang ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas na nangangasiwa sa ating mga yamang tubig at inuming tubig , ay nababahala na ang ating yamang tubig ay lubos nang napapabayaan . Ang maruming tubig ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan , pinsala sa mga ecosystem, pagkagambala sa foodchain at marami pang iba . Paglalahad
Sa unti-unting pagpapabaya ay nakalimutan na ng tao ang kanilang mahalagang tungkuling mapanatiling malinis ang tubig. Maraming paraan ang maaaring gawin upang mapanatiling malinis ang tubig tulad ng pagbawas sa paggamit ng plastik, paggamit ng environmental friendly detergent sa paghugas ng pinggan at paglaba, hindi pagtatapon ng langis sa mga waste water drain, at pagbawas sa paggamit ng kemikal sa pagsasaka o sa ating mga hardin.
Kung ikaw ay naatasan bilang pinuno o “bender” sa isang lugar , ano ang iyong ipapahayag na plano at programa para mapabuti ang likas na yaman sa iyong lugar . Gawain
Uriin ang mga sagot mula sa unang gawain . Tukuyin kung ito ay Tungkulin ng Sarili , Tungkulin ng Pamilya , o Tungkulin ng Pamayanan sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig .
Debate. Magkakaroon ng isa isang palitan ng pananaw sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling punto de vista sa klase .
Sagutin ang sumusunod .
Itugma ang ikalawang hanay sa mga gawi sa unang hanay . Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang . Unang Hanay 1. Ang polusyon na ito ay nagdudulot ng mabilis na pag-aasido ng ating mga karagatan . 2. Pag-aalaga ng tubig nang naaayon at pagiging responsable .
3. Pag-aalis ng mga pollutant mula sa wastewater sa pamamagitan ng pisikal , kemikal , o biyolohikal Management na proseso . 4. Pagbabawas ng ating paggamit ng plastik sa prevention buong mundo . 5. Pag-ipon ng tubig-ulan na magagamit bilang pandilig sa halaman o panlinis sa bahay .
6. Pagkakaroon ng mga pananim na angkop sa klima . 7. Pagkakaroon ng mahusay na patubig na nagpapababa ng pangangailangan para sa produksiyon ng pagkain na matipid sa tubig at enerhiya . 8 . Pagpapabuti ng pamamahala sa basurang plastik . 9. Pagsisikap na bawasan ang pag-agos ng tubig-ulan sa mga kalye , damuhan , at iba pang mga lugar . 10. Polusyon na dapat iwasan dahil ito ay nagbabanta sa buhay-dagat at mga korales .
Ikalawang Hanay a. Wastewater Treatment b. Green Agriculture c. Stormwater d. Air pollution e. Plastic waste reduction f. Water Conservation
SALAMAT SA PAKIKINIG!
GMRC 4
QUARTER 2 WEEK 6 DAY 3 MATATAG CURRICULUM
Pamilya Bilang Tagapangalaga at Katiwala ng Likas na Yamang Tubig
Markahan ang iyong mga gawaing nagpapalalim ng iyong pananampalataya sa antas na 1 hanggang 5, kung saan 5 ang pinakamataas. Gawin ito sa iyong sagutang papel. _____ 1. Pagdarasal sa pook-dalanginan _____ 2. Paglahok sa pangrelihiyong pagdiriwang Balik-aral
_____ 3. Pagpapatawad sa nakagawa sa iyo ng pagkakamali _____ 4. Pagpapakain sa nagugutom _____ 5. Pakikipag-usap sa mga kasing-edad tungkol sa iyong relihiyon _____ 6. Regular na pagpunta sa mga spiritual leaders
_____ 7. Araw-araw na pagdarasal _____ 8. Regular na pagninilay-nilay at pagmumuni-muni _____ 9. Pagdalaw sa may sakit _____ 10. Pagdalaw sa mga ulila at matatanda
Unawain : Ang National Water Resources Board (NWRB) ay nagbigay ng mga halimbawa sa pagtitipid ng tubig , ito ang tatlong tipid tips na ipinalabas ng ahensiya noong June 24, 2019:
May tungkulin ang pamilya na pag-ingatan ang tubig laban sa polusyon . May tungkulin din ang pamilya na magtipid sa gamit ng tubig upang maiwasan ang dagdag na bayaring pantahanan . Natutulungan ang iba pang pamilya sa pamayanan kapag ang pamilya ay nag- iingat at nagtitipid ng tubig .
Buo Diwa : Isa- isang lagyan ang acronym na TUBIG ng mga tungkulin o gampanin upang mapanatili ang kalinisan ng tubig . TU- ngkulin natin __________ BI- bilinan natin __________ G- agamitin natin __________ Gawain
Gumuhit ng larawan ng isang malinis na tao sa kaliwa ng papel at larawan ng isang malinis na globo sa kanan ng papel . Kulayan ang animnapung porsyentong tubig sa katawan ng tao at pitompu’t isang porsiyento ng tubig sa ibabaw ng mundo . Gawain
Pag-buo ng Puzzle. Buoin ang puzzle na iibigay ng guro para makita ang Tipid Tips na ibinigay ng National Water Resources Board (NWRB). Pagkatapos ay insulate ang tatlong mabubuong tipid tubig tips: Gawain
Sagutin ang sumusunod .
TAMA o MALI . Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay Tama. Isulat ang MALI kung ang pangungusap ay hindi tama. 1. Ang tatlong tipid -tips ng NWRB ay makakatulong nang lubusan sa pagtitipid ng pamilya ng tubig sa kanilang tahanan .
2. Kung ako ay ulila ay hindi ko magagampanan ang pangpamilyang tungkulin sa pagaalaga at pagtitipid ng tubig sa loob ng bahay . 3. Ang aking katawan , pati ang mundo , ay may bahaging tubig kaya dapat ko itong pangalagaan sa mga tamang paraan .
4. May tatlong likas na yaman : ang mundo , hangin , at tubig . Kahit walang tubig ay mabubuhay pa rin ang tao dahil may dalawa pang likas na yaman na natitira . 5. Sa kapabayaan ng tao na magtipid ng tubig , maaaring ang tubig na likas yaman ay maubos at hindi na maging sapat sa ating pangangailangan .
6. Ang pagtulog sa buong araw at maghapon ay isang epektibong paraan sa pagtitipid ng tubig dahil hindi ka maliligo . 7. Ang pag-iipon ng tubig mula sa ulan ay kaya kong gawin kahit ako ay nasa Baitang 4.
8. Ang hindi paghuhugas ng pagkain bago lutuin ay isang epektibong paraan sa pagtitipid ng tubig. 9. Ang maayos na pagtapon ng basura sa tamang lugar ay kayang gawin ng pamilya upang hindi magbara ang mga daluyan ng tubig. 10 . Ang malamig at mataas na tubig baha ay masaya at ligtas na paliguan ng buong pamilya .
SALAMAT SA PAKIKINIG!
GMRC 4
QUARTER 2 WEEK 6 DAY 4 MATATAG CURRICULUM
Pamilya Bilang Tagapangalaga at Katiwala ng Likas na Yamang Tubig
Balik-aral Basahin ang sumusunod na pangungusap . Ilagay ang tsek (/) kung nagpapakita ng maunlad na pagkatao bunga ng pananalig o pananampalataya , at ekis (x) naman kung hindi . Sipiin at gawin ito sa sagutang papel . _______ 1. Si Lilia ay aktibo sa pagsali sa mga gawain sa kanilang simbahan .
_______ 2. Pinag-iisipan at pinipili ni Renato ang kanyang mga salita bago niya ito sabihin . _______ 3. Mahirap man ang buhay ng pamilya ni Mang Nifer ngunit buo pa rin ang kanyang pag-asa na sila’y makakaahon sa kahirapan .
_______ 4. Maagang pumanaw ang ama ni Mildred kung kaya’t nagsikap siyang mabuti upang matulungan ang kanyang ina sa pagpapaaral sa kanyang mga nakababatang mga kapatid . _______ 5. May tiwala si Bea sa kanyang sarili , kaya alam niyang magtatagumpay siya kahit hindi na siya magdasal .
_______ 6. Hindi sinasang-ayunan ni Angel ang pagpapakain ng kanyang ina sa mga batang nakatira sa lansangan . _______ 7. Nagkaroon ng matinding karamdaman ang lolo ni Teban . Sa halip na malungkot , ipinagdarasal niya na gumaling agad ito sa kanyang karamdaman .
_______ 8. Bawat araw ay naglalaan si John ng oras para sa pagdarasal . _______ 9. Tinutulungan ni Ian ang mga taong nanghihingi sa kanya tuwing siya ay pumapasok sa paaralan . _______10. Inaalagaan ni Jepoy ang kanyang lola , sa pamamagitan ng pagsabay sa kanya na kumain at pakikipagkwento sa kanya .
Unawain : Wastewater Treatment. Ang wastewater treatment ay binubuo ng pagalis ng mga pollutant mula sa wastewater sa pamamagitan ng pisikal , kemikal , o biyolohikal na proseso .
Green Agriculture. Ang agrikultura sa buong mundo ay bumubuo ng 70% ng mga mapagkukunan ng tubig kaya mahalaga na magkaroon ng mga pananim na angkop sa klima , mahusay na patubig na nagpapababa ng pangangailangan para sa produksiyon ng pagkain na matipid sa tubig at enerhiya .
Stormwater Management . Ang Stormwater management ay ang pagsisikap na bawasan ang pag-agos ng tubig-ulan sa mga kalye , damuhan , at iba pang mga lugar at ipunin and mga ito na magagamit bilang pandilig sa halaman o panlinis sa bahay .
Air Pollution Prevention . Ang polusyon na ito ay nagdudulot ng mabilis na pag-aasido ng ating mga karagatan at nagbabanta sa buhay-dagat at mga korales . Plastic Waste Reduction. 80% ng plastik sa ating karagatan ay nanggaling sa lupa . Kailangan nating bawasan ang ating paggamit ng plastik sa buong mundo upang mapabuti ang pamamahala sa basurang plastik .
Water Conservation . Ang pag-iingat ng tubig ay pagtitiyak sa malinis na tubig . Nangangahulugan ito sa dapat na kamalayan ng pamahalaan , bawat pamilya at sarili . Alagaan ang tubig at maging responsable
Gawain Isa- isang lagyan ang acronym na PAMILYA ng mga tungkulin o gampanin upang mapanatili ang kalinisan ng tubig at maging huwarang modelo sa kalikasan : PA- lagi naming __________ MI- nsan naming __________ L- ahat kami ay __________ YA- yakagin naming __________
Buo-Salita : Alamin sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik sa baba upang mabuo ang mga pamamaraan sa pag-iwas sa polusyon ng tubig . Dalawang Salita : TREAT ATER WAS TEW MENT 2. Dalawang Salita : URE AGRI GREEN CULT Gawain
3. Dalawang Salita : TER STOR AGE MWA MAN MENT 4. Tatlong Salita : VEN UTION PRE AIR TION POLL 5. Tatlong Salita REDU PLAS CTION TIC WASTE 6 . Dalawang Salita VATION SER WATER CON
Buo-Kaisipan : Isa- isang lagyan ang acronym na SARILI ng mga tungkulin o gampanin upang mapanatili ang kalinisan ng tubig : S- ang ayon ako _____ A- ko ay _____ R- erespetuhin ko _____ I- sa sa mga gagawin ko _____ L- ilinisin ko _____ I-tong lahat ay aking _____ Gawain
Gawain Gumawa ng isang maikling liham ng pasasalamat sa ating likas-yaman lalo na ang tubig . Munting pasasalamat sa lahat ng ibinibigay sa atin araw-araw
Basahin at lagdaan ang “ Aking Munting Pangako ”. Ibigay sa magulang para basahin at lagdaan din ng mga magulang . Gawain
Sagutin ang sumusunod. Paglalahat
Piliin ang tama kung ito ay matalinong pangangasiwa sa kapaligiran at mali kung ito ay di - matalinong pangangasiwa sa likas na yamang tubig . ___ 1. Dynamite fishing ___ 2. Cyanide Fishing ___ 3. Pagtatapon ng mga pagawaan o pabrika ng kanilang dumi sa katubigan . Pagtataya
___ 4. Pangangalaga at pangangasiwa ng kapaligirang pangkatubigan . ___ 5. Paggamit ng mga maling paraan sa panghuhuli ng isda at iba pang tamang-dagat .