Noong pasko , paano niyo naipakita ang pagmamahal sa kapwa ?
Obserbahan ang larawan Anong masasabi mo sa larawan ? Kaaya- aya ba na pag-uugali ang ipinakita ng bata?
Ang mga Pilipino ay may likas na natatanging mga kaugalian na ipinagkaiba niya sa ibang mga lahi . Ilan sa mga katangiang nagpakilala sa mga Pilipino ay ang pagtulong sa kapwa o pagbabayanihan , magiliw na na pagtanggap sa mga panauhin , pagiging masayahin , pagmamahal sa pamilya , at marami pang ibang mabubuting kaugalian .
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at tuklasin ang hiwaga ng bayanihan. Bayanihan sa Panahon ng Pandemya Isang araw , nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ng kanilang kapitan na si G. Rhalp Vea . Isang proyekto ang kanilang napagkasunduang gawin upang matulungan ang mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya .
Naisipan ng kapitan na lumapit sa mga may kayang mamamayan ng barangay upang humingi ng donasyon na makatutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pandemya .
Marami ang tumugon sa naging proyekto ng barangay, isa na rito ang pamilyang Mabunga na nagbigay ng mga donasyon tulad ng bigas, de lata at hygiene kit. Maliban sa kanila marami pang may- kayang pamilya ang nakilahok at nagbigay ng tulong sa nasabing proyekto dahil sa magandang adhikain nito . Ipinapakita lamang nito na ang pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat isa ay tanda ng pagmamahalan at pagmamalasakit sa kapwa .
Naunawaan mo ba ang maikling kuwento ? Kung gayon , iyong sagutin ang mga sumusunod na katanungan . 1. Sino ang nanguna sa pagpupulong ? 2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong ? 3. Sino- sino ang mga naghandog ng donasyon para sa proyekto ?
4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng mga mamamayang nagbigay ng donasyon para sa proyekto ng kanilang barangay? 5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon kung ang pamilya niyo ay nakaluluwag din sa buhay ? Bakit?
Lagyan ng ( / ) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at ( X ) kung hindi . Isulat sa kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot . __________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng pamahalaan . __________ 2. Tumutulong lamang kung may kapalit .
__________ 3. Tumulong nang kusang-loob . __________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na umuulit pa. __________ 5. Isinasapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa .
Paano mo maipapakita ang pakikisama sa iyong kapwa ? Anong kaugalian ang dapat mong taglayin upang maging maayos ang pakikisama mo sa iyong kapwa ?
Panuto : Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel o kuwaderno . 1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng Jollibee habang kayo ay kumakain . Maraming pagkain ang nasa inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang kaniyang sahod . Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng ito . Ano ang iyong gagawin ?
A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata. B. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger. C. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita . D. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita .
2. May nakita kang matandang babae na naglalakad . May dala siyang mabigat na bayong. Hirap na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip . Ano ang iyong gagawin ? A. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang makauwi agad sa bahay . B. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo. C. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang bayong hanggang sa sakayan . D. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya .
3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si Josh. May batang babae na naliligo malapit sa kanila . Maya-maya, nakarinig sila ng tinig na humihingi ng tulong . Namumulikat ang paa ng batang babae kaya nahihirapan siyang lumangoy . Ano ang posibleng gagawin ng pamilyang Santos? A. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil hindi naman nila kaano-ano iyon . B. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano . C. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya . D. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain .
4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo . Ikaw lamang ang nakakita sa kaniya dahil hindi matao ang lugar na iyon . May dala kang first aid kit sa iyong bag. Ano ang gagawin mo ? A. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay ninyo . B. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo. C. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo sa kaniyang pagkakadapa . D. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya .
5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan . Ang bahay ng iyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantalang hindi naman nadamay ang inyong bahay . Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung maaaring makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay . Ano ang inyong magiging tugon ukol dito ? A. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong kaibigan . B. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay . C. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong bahay . D. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay .
WEEK 1-DAY 2 Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino
Balik-aral : Lagyan ng ( / ) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at ( X ) kung hindi . Isulat sa kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot . __________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng pamahalaan . __________ 2. Tumutulong lamang kung may kapalit .
__________ 3. Tumulong nang kusang-loob . __________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na umuulit pa. __________ 5. Isinasapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa .
Suriin ang mga larawan . Nagpapakita ba ang mga ito ng mga kaugalian na mayroon ang isang Filipino? Ano- ano ang mga katangian na ipinakikita sa bawat larawan ?
Tingnan ang larawan ; Ano ang masasabi mo sa larawan ? Nagpapakita ba ito ng pakikilahok o pagtulong sa kapwa ?
May mga katangian at kaugalian tayong mga Pilipino na magpahanggang ngayon ay naipakikita at nagagawa pa rin natin. Kilala tayo dahil sa ating mga kaugaliang ito . Karamihan sa mga kaugaliang ito ay nagpapakita ng ating pagiging mabubuting mamamayang Pilipino.
Bata pa lang tayo ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang ng kahalagahan ng pagkakaroon ng mabubuting kaugaliang Pilipino na nagdudulot ng kabutihan at magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa .
Ilan sa halimbawa ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino na naituturo sa atin ay ang mga sumusunod : Ang pagbabayanihan o pagtutulungan sa oras ng pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna . Sa mga ganitong pagkakataon , ibinibigay natin ang kahit anong tulong na maaari nating maipaabot sa kapwa .
Ang malugod na pagtanggap sa kapwa at sa mga panauhin kung saan ipinapakita natin ang pagiging magiliw sa iba . Marami ang natutuwa sa ating mga Pilipino dahil sa maganda tayong makitungo sa mga bisita . Ipinamamalas natin sa ating mga bisita ang kaginhawahang kaya nating ibigay habang sila ay nasa ating tahanan .
Ang pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon lalo na sa ating magulang , kamag-anak , at nakatatanda . Ipinapakita ito sa pamamagitan ng pagmamano at pagsasabi ng magagalang na salita tulad ng po at opo . Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging malapit sa pamilya .
Panuto : Basahin at piliin kung alin ang kaya mong gawin . Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay kaya mong isagawa bilang pagpapakita ng magagandang kaugalian ng mga Pilipino at pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel . __________1. Sinusunod ko ang mga batas trapiko . __________2. Nakikinig ako sa payo ng nakatatanda sa akin. __________3. Nagbabasa ako ng diyaryo araw-araw . __________4. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral . __________5. Hindi ako nakikipag -away.
__________6. Inaalalayan ko ang mga nakatatanda sa pagsakay ng bus. __________7. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala sa mga tao kapag may parating na bagyo . __________8. Tinatangkilik ko ang mga produktong Pilipino. __________9. Nakikiisa ako sa programa ng mga kabataan sa aming lugar . __________10. Pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga basurang nabubulok at basurang di- nabubulok .
Si Mark ay nakikiisa sa proyekto ng “Tree Planting”. Ano ang masasabi mo tungkol sa pakikiisa ni Mark sa proyekto ? Bilang isang mag- aaral , paano mo maipagmamalaki ang mga natatanging kaugalian nating mga Pilipino?
Panuto : Kilala tayong mga Pilipino sa ating magagandang kaugalian . Nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan ang karamihan sa kaugaliang ito . Tingnan ang mga larawan . Isulat sa sagutang papel ang titik ng larawan na may kaugnayan sa mga kaugaliang nakalista sa bawat bilang .