QUARTER 4 Module 6 Ang Kahalagahan ng Sariling Pakikilahok sa Gawaing Panlipunan.pptx
Size: 1.4 MB
Language: none
Added: Sep 01, 2025
Slides: 24 pages
Slide Content
Ang Kahalagahan ng Sariling Pakikilahok sa Gawaing Panlipunan MELC 1/Week 6 : Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong mamamayan .
Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan . Piliin ang titik ng tamang kasagutan . Isulat sa iyong sagutang papel . 1.Sa paanong paraan ang pakikilahok sa gawaing panlipunan ay nagpapataas ng moral ng tao ? A. Nagbibigay na may ipagyayabang sa kapwa . B. Nakapagdudulot ito ng higit na tiwala sa sarili . C. Nagpapakita na maraming nagmamahal sa atin . D.Nagpapaalala sa kahalagahan ng ating sarili,kapwa,at sa lipunan .
2.Basahin ang ulat ni Bernard Taguinod ng pahayagang Abante Tonite noong Agosto 25,2011.Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng balita ? A. Maraming paraan upang ipagtanggol ang bansa B. Pagkapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang edad C. Ito ay patunay na likas sa ating mga Pilipino ang pagiging makabayan . D. Nagpapakita ito ng pagiging matatag at lakas ng loob sa pagharap sa panganib .
3.Si Edward ay isang mag- aaral na mulat sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang komunidad.Nais niyang lumahok sa organisasyong naglilingkod para sa kawang gawa . Alin sa sumusunod na samahan ang nararapat niyang salihan ? A.World Trade Organization B.Program for Cultural Cooperation C.Programa para Kontra Kalat sa Dagat D. National Council of Social Development
4.Ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan? A. Makatao B. Maka Diyos C. Makabayan D. Makakalikasan
5 .Nakikita ang pagiging matulungin sa kapwa sa panahon ng kalamidad,sakuna at aksidente dahil dito umusbong ang bayanihan. Alin sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matulungin sa kapwa ? A.Pagbibigay ng donasyon sa kapus-palad upang umani ng maraming likes sa facebook B.Pagtulong sa pag-apula ng sunog upang hindi madamay ang bahay C.Pagbabayad ng tamang buwis sa kinita sa negosyo D.Pagpapatuloy sa bahay sa kamag-anak ng bukas sa kalooban na nawalan ng tirahan dahil sa bagyo .
6.Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging kabahagi ng solusyon sa lipunan ? A. Kinukunan ni Lina ng larawan ang mga pulubi para i -post sa Twitter. B.Gumawa si Leo ng isang Facebook post ukol sa napipisil niyang kandidato . C.Tinuligsa ni Cherry ang isang survey para sa mga ina na isinasagawa ng DILG at DSWD. D.Nag -iwan si Jose ng komento sa comment drop box ng BIR pagkabayad niya ng buwis upang mapaganda pa ang kanilang serbisyo .
7.Si Kapitan Mario ay nagpalabas ng ordinansa sa kanilang lugar tungkol sa one way parking nang walang anunsyo sa kanyang nasasakupan . Ano ang negatibong epekto ng kawalan ng kaalaman ang mga mamamayan sa bagong ordinansa ? A . Magdudulot ito ng kalituhan at kaguluhan sa lahat. B. Magtutulungan ang mga tao na sumunod sa bagong ordinansa . C. Makapagbibigay ang mga tao ng magandang suhestiyon para sa lahat. D. Makakagawa ang mga mamamayan ng patakarang makabubuti sa barangay.
8.Ang pag -upload ng mamamayan ng mga larawan o video ukol sa mahahalagang pangyayari at mga politikal na kaalaman sa social media ay nagpapakita ng _____________?. pagiging makabayan B. pagiging lingkod -bayan C. pagiging produktibong mamamayan D. pagiging bahagi ng solusyon sa lipunan
8.Ang pag -upload ng mamamayan ng mga larawan o video ukol sa mahahalagang pangyayari at mga politikal na kaalaman sa social media ay nagpapakita ng _____________?. pagiging makabayan B. pagiging lingkod -bayan C. pagiging produktibong mamamayan D. pagiging bahagi ng solusyon sa lipunan
9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagiging produktibong mamamayan ? Pangangampanya at pandaraya tuwing halalan B. Pakikinig ng balita sa radyo at pagbabasa ng dyaryo C. Pangongolekta ng mga larawan ng community services D. Pagdaraos ng Clean Up Drive gaya ng palilinis sa mga kanal sa barangay.
10. Alin sa mga pangungusap ang hindi tamang gawain ng media sa pagsulong ng karapatang pantao ? A. Pag-uulat tungkol sa abang kalagayan ng mga katutubo sa kanayunan B. Paghahayag ng mga karapatan ng mga kapus-palad na bata sa lungsod C . Pagbabalita ng mga karumal-dumal na krimen nang hindi patas para sa akusado D. Pagpapalabas ng dokumentaryo tungkol sa pang- aabuso ng mga pulis sa karapatang pantao .