Niloob ng Diyos na ikaw ay hindi nag-iisa sapagkat ito ay may dakilang
layunin. Noon pa mang una ay binigyan na ng Diyos ng makakasama ang tao
upang makatulong sa layunin ng kabutihan. Mayroon kang tungkulin sa iyong
Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule
kapwa na sila ay ingatan at maging bahagi...
Niloob ng Diyos na ikaw ay hindi nag-iisa sapagkat ito ay may dakilang
layunin. Noon pa mang una ay binigyan na ng Diyos ng makakasama ang tao
upang makatulong sa layunin ng kabutihan. Mayroon kang tungkulin sa iyong
Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule
kapwa na sila ay ingatan at maging bahagi ng kanilang pag-unlad. May
kakayahan kang makipag-ugnayan sa iyong kapwa, sino at ano man ang
pinanggalingan o katayuan/kalagayan nito sa buhay “Gawin mo sa iba ang nais mo
na gawin ng iba sa iyo”. Ito ang
tinatawag na Golden Rule. Makakamit
mo lamang ang makabuluhang
pakikipagkapwa kung isasapuso at
isasaisip
ang
gintong
aral.
Makatutulong din sa pakikipagkapwa
ang nakasaad sa Banal na Kasulatan sa Mateo 22:37;39 (Magandang Balita
Bibliya) na “Sumagot si Jesus, ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong
puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip (v. 37). Ito naman ang
pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili (39).”
Anoman ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay repleksyon ng iyong pag-ibig
sa Diyos. Makapagpapatatag sa ugnayan o pakikipagkapwa ang mga birtud na
pagmamahal (charity) at katarungan (justice). Sa iyong pamumuhay, laging
isaalang-alang ang paglilingkod sa kapwa. Gawin ito nang may pagmamahal at
walang inaasahang kapalit. Gaano man ang hirap at pagod na nararanasan ay
mapapalitan ito ng kagalakan. Makapamumuhay ka nang masaya at mapayapa
kung lalakipan mo ito ng katapat at pantay na pagtingin. Ang Kahalagahan ng Diyalogo
Napakahalaga nang maayos na pakikipag-usap sa pakikipagkapwa. Sa
pamamagitan nito, naipababatid mo ang iyong saloobin. Kung ikaw ay
nauunawaan ng iba, mas magiging madali ang pag-uunawaan sa isa’t-isa.
Gayundin, malalaman mo kung saang aspeto ng buhay mo siya
mapagkakalooban ng tulong.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G8
8
Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa, Komunikasyon, at Pagtutulungan
Hindi mahirap ang pagkakaisa at pagtutulungan kung maipadarama mo
ang malasakit sa kapwa. May mga pagkakataon na hindi nagkakaunawaan ang
mga tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Ngunit sa pamamagitan ng tamang
paghahatid ng saloobin sa tamang paraan, sa tamang tao, sa tamang oras at sa
tamang panahon, lahat ay maisasaayos. Higit na makatutulong din ang
sama-samang malasakit ng bawat isa sa kapwa na naglalayon ng pag-unlad.
Ang Kahalagahan ng Pagbuo ng at Pagsali sa mga Samahan
Bawat isa ay nararapat lamang na makilahok sa mga samahan o
organisasyon sa lipunan. Ang pagsali sa mga ito ay makatutulong sa iyo upang
umunlad sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay. Nabubuo rin ang iyong pagkatao
sapagkat matututuhan mo sa mga prinsipyo at gawain ng samahan na maging
mapanagutan.
Ito
rin ay naglalayon na
makatulong at maging bahagi ng
buhay ng ibang tao. Sa tamang
pagsasagawa nito ay napauunlad
hindi lamang ang sarili kundi
naipadarama mo rin ang pagkalinga
sa iyong kapwa.
na nilalang, ikaw ay:
“Magmahal,
magmalasakit at
maglingkod.”
Kung gagampanan mo ang iyong mga tungkulin bila
Size: 111.48 KB
Language: none
Added: Sep 07, 2025
Slides: 14 pages
Slide Content
Ang makataong kilos Group 1 ng 10-Diamond
Ano nga ba ang Makataong Kilos? Ang kilos ng tao ay nagbabago sa bawa’t segundo ng kanyang buhay . Sa araw-araw na buhay ng tao , marami siyang maaring gawin na magkakaiba ang kilos at maaaring ito ay mabuti o masama . Ang isip at kilos- loob at iba pang katulad ng kalayaan ay kumikilos ayon sa kanyang gusto at katwiran . Halimbawa : - Kumain ka ng paborito mong spaghetti sa oras ng meryenda . - Natulog ka sa tanghali dahil napagod ka sa paglilinis ng bahay at nakaramdam ka ng pagkaantok .
Dalawang Uri ng Makataong Kilos: 1. Kilos ng Tao (Act of Man) -Ito ay kilos ng tao na hindi ginagamitan ng isip at kilos- loob , at ayon lamang sa kanyang kalikasan . Sa mga kilos na ito ay walang pananagutan ang tao dahil walang mabuti o masama , ito ay kusang ginagawa ng tao . Halimabawa : - Paghinga - Pagkurap ng mga mata - Pagkagutom 2. Makataong Kilos (Human Act) -Ito ay kilos na isinasagawa ng tao gamit ang isip at kilos- loob . Kumikilos ang tao nang may kaalaman , kalayaan , at kusa, kaya naman ang tao ay may pananagutan sa pagkilos niya rito . Halimbawa : -Si Paulo ay nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit dahil naglaro siya ng computer games at hindi siya nag- aral ng leksyon , kahit alam niya na may pagsusulit .
Ang tanong : Maaari bang maging Makataong Kilos (Human Act) ang Kilos ng Tao (Act of Man)?
Oo , dahil .. Ang tao ay may isip at kilos- loob kaya maaari niyang gamitin ang kanyang kalayaan sa paghusga at suriin ang kanyang kilos. Nagkakaroon ng pananagutan ang tao sa kanyang piniling kilos ay nakabatay sa kanyang kaalaman at kalayaan na pumili sa gusto niyang gawin . Halimbawa : - Naglalakad si Nicole sa corridor ng kanilang paaralan papunta sa kantin kasama ang kanyang mga kaibigan . Hindi niya inaasahan dumarating ang isang mag- aaral na tumatakbo at tinulak siya at naitulak din niya ang kanyang kaibigan at nasubsob ito sa pader at nasugat ang kanyang ulo. Kaagad niya itong tinulungan na tumayo at dinala sa clinic upang gamutin ang sugat ng kanyang kaibigan . Humingi siya ng paumanhin sa kanyang kaibigan at tinanggap naman ang kanyang paumanhin .
Ang Makataong kilos at kapanagutan
Kapanagutan ? (Accountability) Tayo bilang tao ay may kapangyarihang kumilos ayon sa ating gusto o nais . Ang bawa’t kilos o gawa natin ay may kaakibat na kapanagutan . Bilang nilikha ng diyos na kawangis niya , ang ating kilos ay nararapat lamang na maging makatao at mabuti . Ang kakayahan nating kumilos ay may kaakibat na responsibilidad kaya’t nararapat lamang na maging maingat tayo sa pagpapasya sa bawa’t kilos.
Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan : Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan : Kusang loob , Di- Kusang - loob , at Walang Kusang-loob . Kusang-loob -Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon . Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kahihinatnan ng kilos. Halimbawa : Binabasang mabuti nina Ralph at Kier ang mga modyul ibinigay sa kanila , at masusi nilang inuunawa ang mga paliwanag sa bawa’t aralin bago sagutan ang mga gawain . Gumagawa sila ng mga paraan upang matiyak nilang sila ay matututo sa modyul . Di- kusang - loob –Ito ang kilos na may kaalaman , ngunit kulang sa pag -sang- ayon . Ang gumagawa ng kilos ay maaaring napilitan lamang na gawin ang kilos. Halimbawa : Nag-chat si Beth kay Hannah, inuutusan siyang picturan ang kanyang mga sagot sa modyul at i -send sa kanya upang makopya . Alam ni Hannah na mali ang nais ni Beth, subalit tinakot siya na kung hindi niya ito gagawin ay sisiraan siya nito sa facebook . Ayaw ni Hannah ng away kaya napilitan na lamang siyang sundin si Beth.
3. Walang kusang-loob – ito ang kilos na walang kaalaman kaya’t walang pag -sang- ayon . Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao , dahil hindi niya alam , kaya’t walang pagkukusa . Halimbawa : - mga bata - mga taong may diperensya sa pag-iisip
Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos: Ayon kay Aristoteles, ang bawa’t kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti . Nakasalalay ang pagiging masama o mabuti nito sa intensyon o layunin kung bakit ginawa ang kilos.
Makataong Kilos at Obligasyon Ayon kay Pilosopo Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado . Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang bunga . Dapat piliin ng tao ang may mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng iba , patungo sa pinakamataas na layunin . Halimbawa : - Bilang isang estudyante at isang anak , isang makataong kilos ang pag-aaral nang mabuti .
Apat na Elemento sa Proseso ng Pagkilos : 1. Paglalayon - Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos, nasa kanya ang kapanagutan ng kilos. Halimbawa : Alam mong nahihirapan ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot ng modyul , ngunit hindi mo siya tinulungan kahit kaya mo naman . Kapag siya’y hindi natuto , maaaring may kapanagutan ka sa kinahinatnan ng hindi mo ginawang kilos. 2. Pag- iisip ng paraan na makarating sa layunin - Ang pamamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang sa kasangkapan sa pag-abot ng iyong nais ? Halimbawa : Ang pakikipagkaibigan mo sa iyong kaklase para lamang sa pagkokopya sa panahon ng pagsusulit . Ang paghuhugas ng plato ‘di para makatulong , pero para makalakwatsa kasama ang mga barkada .
Apat na Elemento ng Proseso ng Pagkilos : 3. Pagpili ng Pinakamalapit na Paraan-Pinili mo lang ba ang mas makabubuti sa iyo nang walang pagsaalang-alang sa magiging epekto nito ? Halimbawa : Sa pagsagot mo ng mga modyul , mas pinili mo na lamang tignan ang answer key kaysa unawain ang buong aralin . Pinili mo ang kilos dahil sa tingin mo ay mas madadalian ka rito . 4. Pagsasakilos ng Paraan - Ang pagkilos sa pamamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos . Halimbawa : Nais mong makatulong sa iyong pamilya . Hindi sapat na nais mo lamang makatulong sa kanila . Nararapat lamang na kumilos ka upang matupad ang iyong layunin . Mag- aaral ka ng mabuti , magiging masunurin , masipag at mapagmahal na anak .