PANABO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT A FEASIBILITY STUDY Sal’s Salad Ko
PANABO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Cabiles , Leonard Castro, Gian Hermosura , Aleah Inguito , Ivan
DESKRIPSYON NG NEGOSYO Ang Sal’s Salad ay isang mungkahing negosyo na itinatag ng mga mag- aaral mula sa Grade 12 ICT bilang bahagi ng kanilang proyekto sa Filipino. Layunin ng negosyong ito na magbigay ng masustansya , sariwa , at abot-kayang salad bilang alternatibong pagkain sa loob ng paaralan . Sa kasalukuyan , mas pinipili ng karamihan ang mabilis at murang pagkain tulad ng junk food at instant meals. Dahil dito , nakikita namin ang pagkakataon upang ipakilala ang isang produktong makatutulong hindi lamang sa kalusugan kundi pati na rin sa pagtataguyod ng mas maayos na lifestyle ng mga estudyante at guro .
DESKRIPSYON NG PRODUKTO O SERBISYO Ang pangunahing produkto ng Sal’s Salad ay sariwang gulay at prutas na inihahanda bilang ready-to-eat salad cups. Ang mga pangunahing sangkap ay lettuce, pipino , kamatis , repolyo , mangga , at mansanas . Maaari ring idagdag ang itlog , manok , o tuna bilang dagdag sustansya . Kasama rin dito ang iba’t ibang homemade na dressing gaya ng Thousand Island, Caesar, at Honey Mustard. Bawat salad ay ilalagay sa eco-friendly na lalagyan upang mapanatiling ligtas , malinis , at kaakit-akit para sa mga mamimili .
LAYUNIN Mabigay ng abot-kayang masustansyang pagkain para sa mga estudyante , guro , at kawani ng paaralan . Makapagtaguyod ng isang maliit na negosyo na maaaring lumago sa hinaharap . Mabawi ang inilabas na puhunan at kumita sa pamamagitan ng maayos na pamamahala . Magkaroon ng aktibong partisipasyon sa pagtataguyod ng kalusugan sa komunidad ng paaralan .
PAGTUTUOS AT PAGLALAAN NG PONDO Inisyal na Puhunan : ₱5,000 Talaan ng Gastos : Sariwang sangkap ( gulay , prutas , itlog , karne ) – ₱2,500 Lalagyan (salad cups, bowls, disposable forks) – ₱1,000 Kagamitan (chopping board, kutsilyo , salad spinner) – ₱1,000 Marketing at promosyon (posters, flyers, online promotion) – ₱500 Kabuuan : ₱5,000
PAGSUSURI NG LUGAR Napiling lugar ng operasyon ay sa loob ng paaralan o malapit sa canteen. Target Market: Mga estudyante , guro , at staff na nagnanais ng masustansya at mabilis na pagkain . Kalamangan : Wala pang gaanong nag- aalok ng salad bilang pangunahing pagkain sa paaralan . Kakulangan : Mas kinagigiliwan ng karamihan ang rice meals at junk food. Oportunidad : Lumalago ang bilang ng kabataang health-conscious. Banta: Pagtaas ng presyo ng gulay at prutas sa merkado .
Lokasyon Sa Pagsisimula ng Negosyo Lokasyon pag umabot na ng internasyonal ang negosyo
MGA MAPAGKUKUNAN Pinagmumulan ng sangkap : Palengke at lokal na supplier ng gulay at prutas . Kagamitan : Simpleng gamit sa kusina ( kutsilyo , chopping board, salad spinner, at food containers). Tauhan : Ang mga miyembro mismo ng grupo ang gagawa , magbebenta , at magpoproseso ng produkto .
MAMAMAHALA Mga Posisyon at Gampanin : Pinuno / Manager: Nangangasiwa sa kabuuang operasyon at puhunan .
Food Preparers (2): Gumagawa ng salad at nag- aasikaso ng order.
Cashier/Seller (1): Tumanggap ng bayad at umuugnay sa customer.
Marketing Head: Nangangasiwa sa promosyon , online pos.
PAGSUSURI NG KIKITAIN Presyo kada Salad: ₱50 Benta kada Araw : 20 cups × ₱50 = ₱1,000
Kita kada Linggo (5 araw ): ₱5,000
Kita kada Buwan (4 linggo ): ₱20,000 (gross) Tinatayang Gastos : ₱10,000 Netong Kita: ₱10,000 bawat buwan
ESTRATEHIYA SA PAGBEBENTA 1. Gumamit ng social media (Facebook group, Messenger GC ng klase ) para i -promote ang produkto . 2. Maglagay ng posters at flyers sa loob ng paaralan . 3. Magbigay ng discounts at promos tulad ng “Buy 1 Take 1” o libreng drinks sa bulk orders. 4. Gumamit ng eco-friendly packaging upang makaakit ng mga kabataang may malasakit sa kalikasan . 5. Magpatikim o free taste sa unang linggo ng pagbubukas upang makahikayat ng suki .
MGA REKOMENDASYON Maaaring isakatuparan (feasible) na negosyo . May kakayahan itong kumita dahil sa mababang puhunan at mataas na demand para sa masustansya at mabilis na pagkain . Mga Kalamangan : Abot-kayang kapital at presyo . Kaunting kompetisyon sa loob ng paaralan . Makabagong konsepto para sa kabataan . Mga Hamon : Pagpapanatili ng sariwang sangkap araw-araw . Pag-akit sa mga estudyanteng mas sanay sa junk food. Konklusyon at Rekomendasyon : Iminumungkahi na ituloy ang Sal’s Salad bilang proyekto ng Grade 12 ICT para sa Filipino. Malaki ang posibilidad na ito ay kumita , at higit pa rito , makapagbibigay ito ng mahalagang kontribusyon sa pagpapaunlad ng malusog na pamumuhay sa loob ng paaralan .