ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may-akda. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
Size: 743.37 KB
Language: none
Added: Oct 07, 2025
Slides: 13 pages
Slide Content
SANAYSAY
Ano ang SANAYSAY? nagmula sa 2 salita , ang sanay at pagsasalaysay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may-akda.
Ano ang SANAYSAY? maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna , opinyon , impormasyon , obserbasyon , kuru-kuro , pang- araw - araw na pangyayari , alaala ng nakaraan at pagmumuni -muni ng isang tao . Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu .
ALEJANDRO “AGA” G. ABADILLA “nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.”
URI NG SANAYSAY Pormal o Maanyo Di Pormal o Palagayan
Pormal o Maanyo tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa
Pormal o Maanyo ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik
Pamilyar o Palagayan tumatalakay sa mga paksang magaan , karaniwan , pang- araw - araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon , kuru - kuro at paglalarawan ng isang may akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda
Bahagi ng Sanaysay Simula Gitna Wakas
“EDUKASYON AY GINTO” Ang edukasyon ay isang kayamanang hinding hindi mananakaw o makukuha sa atin kailanman . Ito ay importante sa bawat tao sa bawat sulok ng mundo dahil halos dito umiikot ang takbo ng ating buhay . Napakaraming mga tao lalo na’t mga kabataan sa ating henerasyon ang hindi nabibigyan ng pagkakataon upang sila ay makapag aral dahil sila ay kapos sa buhay . Wala silang ibang magagawa kundi magtarabaho na lamang agad upang makatulong sakanilang mga pamilya at kakalimutan ang pangarap na gusto nilang matupad . Kaya’t kailangan nating mapagtanto na sobrang halaga ng pag aaral sa ating buhay at wag natin sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob saatin upag matuto .
Sa labing dalawang taon na ginugol ko sa pag aaral , masasabi ko na napakarami kong natutunan hindi lamang sa akademiko kundi pati na rin sa buhay . Sa paaralan ko mas nakita kung ano ba talaga ako bilang isang tao . Napakaraming karanasan ang nagmulat saakin sa realidad ng buhay . Tandang tanda ko pa nung ako ay nasa elementarya , hindi ko masyado iniisip ang aking pag aaral . Nakatutok sa paglalaro at pagliwaliw ang aking pag iisip sa ganon na edad . Bilang nag aaral sa isang pribadong paaralan ay isang malaking karangalan dahil nagsusumikap na magtrabaho ang aking mga magulang upang makapasok lang ako sa isang prestihiyosong Unibersidad . Nung akoý tumatanda na , dun ko na napagtanto kung gaano dapat pahalagahan ang Pag aaral hindi lamang dahi napakalaki ang pera na gagastusin kundi pati na rin dahil ito ay ang pundasyon ng ating buhay . Doon ko naisip na kailangan kong magsumikap at mag aral ng mabuti para mabayaran ko lahat ng sakripisyo saakin ng aking mga magulang . Para kung akoý nakahanap na ng trabaho ay hindi na nila kailangang maghirap na magtrabaho para saakin . Iyon yung natatanging karanasan ko na dahil sa mga mababang marka ko nung elementarya ay mas nagsumikap ako nung akoý tumungtong sa Junior High at Senior High School dahil ngayon naiintindihan ko na kung gaano kahirap ang buhay at minulat na ako ng karanasan na ito sa realidad .
Ika nga nila , ang kabataan ang pag asa ng bayan . Kaya’t dapat nating pahalagahan ang pag aaral . Magsumikap at abutin natin ang ating mga pangarap upang maka tulong sa bayan at higit sa lahat , saating pamilya .