MidtungokIntegratedS
8 views
79 slides
Oct 20, 2025
Slide 1 of 85
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
About This Presentation
SLIDE DECKS
Size: 25.54 MB
Language: none
Added: Oct 20, 2025
Slides: 79 pages
Slide Content
Mga Musika o Sayaw ng Lahi na Maipagmamalaki ng Kapuwa Pilipino 6 GMRC Kuwarter 3 Linggo 1
Naisasabuhay ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagkiling sa mga musika o sayaw ng lahi sa mga angkop na sitwasyon o pagdiriwang Naiuugnay ang mga musika o sayaw ng lahi na maipagmamalaki ng kapuwa - Pilipino sa mga pagpapahalaga at kultura LAYUN I N Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang :
Naipaliliwanag na ang mga musika o sayaw ng lahi na maipagmamalaki ng kapuwa -Pilipino ay sumasalamin sa ating kaugalian , pamumuhay , at paniniwala , kaya dapat pangalagaan at panatilihin upang maipasa sa susunod na henerasyon Naisasakilos ang mga paraan pagtataguyodmga musika o sayaw ng lahi na maipagmamalaki ng kapuwa -Pilipino LAYUN I N
UNANG ARAW
Panuto : Magbigay ng 5 paraan kung paano mo pangangalagaan ang kalikasan . Isulat ito sa loob ng mga dahon . Balik Aral
Paglalahad Pangkatin ang mga bata sa apat . Bawat pangkat ay magbibigay ng 2 halimbawa ng awiting Pilipino na alam nila at 2 sayaw na sariling atin . 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin
Panuto : Punan ng mga nawawalang letra ang bawat salita . Basahin ang kahulugan nito upang makuha ang tamang sagot . 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
Pagkamakabansa Sining ng kombinasyon ng mga pantinig at pang- instrumentong tunog upang makabuo ng kaaya-ayang anyo , armonya , at ekpresyon ng isang emosyon . NA_Y_NA_ _ _M_ __US_ K_ NASYONALISMO MUSIKA
Karunungan , sining literatura , paniniwala , at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nanahanan sa isang pamayanan . K _ LT _ _A Pag- indak ng katawan sa saliw ng tugtugin . S _ Y _ _ KULTURA SAYAW
Ang pagpapahayag ng mataas na pagpapahalaga at paghanga sa kasiyahan , kahusayan , o kagandahan ng isang tao , lugar , o bagay dahil sa kanilang mga nagawa o katangian . _ PAG _ A L _ _ _ Ang aksyon ng pagbibigay ng suporta sa tao , grupo , o adhikain para sa kanilang tagumpay . P _ GTAG_ Y _ _ IPAGMALAKI PAGTAGUYOD
Grupo ng mga tao na nabubuhay sa parehong panahon . H _ N _ R A_ _ O _ Pagpili o pagpabor P A G K _ L _ N _ HENERASYON PAGKILING
Paglinang at Pagpapalalim Kaugnay na Paksa 1: Musika at Kultura ng Lahing Pilipino Ipagmalaki Natin
2. Pagproseso ng Pag- unawa Likas sa ating mga Pilipino ang mahilig sa musika at pagsayaw . Noon pa man ay mayroon na tayong mga sining ng musika at sayaw na talaga namang maipagmamalaki natin.
Simulan natin sa larangan ng sayaw . Mayroong mga katutubong sayaw ang mga Pilipino. Ang katutubong sayaw ay may iba’t ibang damdamin na ipinapahayag . Maaaring ito ay matinding kaligayahan o kaya naman ay pakikipaglaban . Nakikita rin sa mga katutubong sayaw ang mga ugali ng Pilipino katulad ng pagiging mahiyain , mahinhin , mabagal at mapagtimpi . Narito ang ilan sa mga katutubong sayaw na hanggang ngayon ay maaari nating ipagmalaki .
Tinatawag din itong “ Fandango ”. Nagmula ang sayaw na ito sa Mindoro. May hawak na kandila na nakalagay sa maliit na baso sa magkabilang kamay at sa ulo ang mga sumasayaw nito . Sa sayaw na ito ay tila ginagaya ang mga alitaptap . 1. Pandanggo sa Ilaw
Ito ay isang masiglang sayaw na tila ginagaya ang galaw ng mga itik . 2. Itik-Itik
Ang sayaw naman na ito ay gumagamit ng panyo o kaya ay pamaypay . Ito ay sinasayaw ng magkaparehang babae at lalaki . Ipinapakita rito ang pagliligawan sa pamamagitan ng kanilang kaaya-ayang paggalaw . 3. Cariñosa
Ito ay hango sa mga salitang Baile at Ingles na ang ibig sabihin ay English Dance. Karamihan sa mga hakbang nito ay hango sa mga Ingles ngunit ang huli ay hango naman sa mga Ilocano ng Cabugao sa Luzon. 4. Ba-Ingles
Ang sayaw na ito ay nagmula naman sa Bago, Negros Occidental. Ito ay sinasayaw ng magkaparehang babae at lalaki at ang mga hakbang ay parang nang-aakit . 5. Li-Ki
Ito ay sinasayaw na may hawak na tig kalahating bao sa bawat kamay , sa dibdib at sa tuhod . Puro kalalakihan lamang ang sumasayaw nito . Sa pagsayaw nito ay pinagtatama nila ang mga bao. 6. Maglalatik
Ito ay nagmula sa Batangas. Sinasayaw ito sa mga malalaking pagtitipon o di kaya naman ay sa mga fiesta. 7. Polka sa Nayon
Ang sayaw na ito ay nagmula sa Batangas. Ang mga kilos ng kamay at paa sa sayaw na ito ay ginagaya ang kilos ng mga alitaptap . 8. Alitaptap
Ang Tiklos o Pintakasi ay salitang Waray na ang ibig sabihin ay “bayanihan”. Ito ay sinasayaw ng mga magsasaka sa Leyte. 9. Tiklos
Ang ibig sabihin nito sa Ingles ay “ Bamboo Dance ”. Sa pagsasayaw nito ay kailangang hindi maipit ang magkaparehang babae at lalaki sa kawayan . Ang mga hakbang nito ay parang ginagaya ang ibon na tikling. 10. Tinikling
Ang sayaw na ito ay nagmula sa Pangasinan. Sinasayaw ito ng magkaparehang babae at lalaki sa isang bangko . 11. Sayaw sa Bangko
Ito ay sayaw ng mga Maranao sa Mindanao. Ipinapakita rito ang kuwento ng Darangan . 12. Singkil
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mg katutubong sayaw ng Pilipinas ngunit kung tayo ay magsasaliksik pa, mas marami pa tayong matututunan na mga katutubong sayaw . Gaya ng mga katutubong sayaw , ang mga awiting bayan ay naglalarawan din sa tradisyon , damdamin , opinion at karanasan ng mga Pilipino. Bukod sa Bahay Kubo, Paru- parong Bukid at Leron-Leron Sinta, narito ang ilan pa sa mga katutubong awitin o awiting bayan na dapat nating ipagmalaki .
Ito ay awiting mula sa Panay sa wikang Hiligaynon. Ito ay pamamaalam ni Dandansoy sa kanyang kasintahan na uuwi sa Payaw . 1. Dandansoy
Ito ay awiting tagalog tungkol sa mga magsasaka . 2. Magtanim ay Di Biro
Ito ay isang nakakatawang Tagalog na awitin na sinasabing nagmula noong panahon ng mga Kastila . 3. Sitsiritsit Alibangbang
Ito ay isang awiting Ilokano tungkol sa pagmamahal ng isang binata sa dalagang ang pangalan ay Biday . 4. Manang Biday
Ito ay awiting Waray na nagmula sa Samar at Leyte. 5. Lawiswis Kawayan
Isa itong awiting Ilokano.Ito ay inaawit ng isang binata sa babae na ang pangalan ay Pamulinawen . 6. Pamulinawen
Ito ay isang awitin na nagmula sa Pampanga. Tungkol ito sa isang singsing na nawawala na namana pa ng kanyang nanay . 7. Atin Cu Pung Singsing
3. Pinatnubayang Pagsasanay Panuto : Tukuyin ang awitin o sayaw na tinutukoy ng bawat pangungusap .
1. Ang sayaw na ito ay nagmula sa Pangasinan. Sinasayaw ito ng magkaparehang babae at lalaki sa isang bangko . Sayaw sa Bangko
Ito ay isang nakakatawang Tagalog na awitin na sinasabing nagmula noong panahon ng mga Kastila . Sitsiritsit Alibangbang
Ito ay awiting mula sa Panay sa wikang Hiligaynon. Ito ay pamamaalam ni Dandansoy sa kanyang kasintahan na uuwi sa Payaw . Dandansoy
Ito ay isang awiting Ilokano tungkol sa pagmamahal ng isang binata sa dalagang ang pangalan ay Biday . Manang Biday
Isa itong awiting Ilokano.Ito ay inaawit ng isang binata sa babae na ang pangalan ay Pamulinawen . Pamulinawen
Ito ay isang awitin na nagmula sa Pampanga. Tungkol ito sa isang singsing na nawawala na namana pa ng kanyang nanay . Atin Cu Pung Singsing
Ito ay awiting tagalog tungkol sa mga magsasaka . Magtanim ay Di Biro
Ang ibig sabihin nito sa Ingles ay “ Bamboo Dance ”. Sa pagsasayaw nito ay kailangang hindi maipit ang magkaparehang babae at lalaki sa kawayan . Ang mga hakbang nito ay parang ginagaya ang ibon na tikling. Tinikling
Ito ay sinasayaw na may hawak na tig kalahating bao sa bawat kamay , sa dibdib at sa tuhod . Puro kalalakihan lamang ang sumasayaw nito . Sa pagsayaw nito ay pinagtatama nila ang mga bao. Maglalatik
Ito ay isang masiglang sayaw na tila ginagaya ang galaw ng mga itik . Itik-Itik
4. Paglalapat at Pag- uugnay Panuto : Pangkatin ang mga sumusunod na salita kung ito ay awitin o sayaw ng lahi .
Atin Cu Pung Singsing Lawiswis Kawayan Pamulinawen Leron- leron Sinta Bahay Kubo Itik-Itik Sitsiritsit Carinosa Ba-Ingles Tinikling Liki Paru- parong Bukid Dandansoy Singkil Magtanim ay Di Biro Tiklos Sayaw sa Bangko Polka sa Nayon Maglalatik Pandango sa Ilaw
Musika ng Lahi Sayaw ng Lahi
Kaugnay na Paksa 2: Kahalagahan ng Pagpapanatili at Pangangalaga sa Musika at Sayaw ng mga Pilipino
Ang pagkakaroon ng mga sayaw at musika ng lahi ay nagpapakita lamang ng mayamang kultura lalo na sa larangan ng sining ng ating bansa . Sa pamamagitan ng mga ito ay naipapakita natin ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino noong unang panahon , ang kanilang mga tradisyon , pananampalataya , pagtatrabaho at pagpapahayag ng kanilang damdamin .
Sa panahon natin ngayon ay marami na ring mga musika at sayaw na nagawa ang mga Pilipino ngunit hindi dapat kalimutan ang mga musika at sayaw ng lahi . Ito ay dapat pa rin nating panatilihin at pangalagaan .
Ang mga musika at sayaw ng lahi ay mga mahahalagang pamana at simbolo ng yaman ng iba’t ibang rehiyon ng bansa . Makikita rin sa mga ito ang pagkamalikhain ng mga Pilipino lalo na sa pagpapahayag ng kanilang mga damdamin . Ito rin ay sumasalamin sa ating kultura at pinagmulan .
Pinatnubayang Pagsasanay Panuto : Buuin ang talata . Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon . lahi kultura maipagmamalaki pagsayaw pagkamalikhain pamana Pilipino rehiyon pagpapahayag simbolo
Likas sa ating mga Pilipino ang mahilig sa musika at 1.____________. Noon pa man ay mayroon na tayong mga sining ng musika at sayaw na talaga namang 2. ______________ natin. Ang mga musika at sayaw ng 3. ___________ay mga mahahalagang 4._______________ at 5.________________ ng yaman ng iba’t ibang 6. ___________ ng bansa . Makikita rin sa mga ito ang 7. ______________ ng mga 8. _________ lalo na sa 9. _________________ ng kanilang mga damdamin . Ito rin ay sumasalamin sa ating 10. ____________ at pinagmulan .
Paglalapat at Pag- uugnay Panuto : Isulat ang salitang KAHALAGAHAN kung ang pangungusap ay nagsasabi kung bakit dapat pahalagahan ang pagpapanatili at pangangalaga sa musika at sayaw ng lahi ng mga Pilipino at HINDI naman kung hindi .
____________________1. Ang mga sayaw at musika ng ating lahi ay ginaya lamang natin sa mga dayuhan . ____________________2. Makikita sa ating sayaw at musika ang kultura ng ibang bansa. ____________________3. Ang mga musika at sayaw ng lahi ay pamana ng mga dayuhan sa atin. ____________________4. Sumasalamin sa musika at sayaw ng lahi ang kultura ng mga dayuhan .
____________________5. Ang mga musika at sayaw ng lahi ay nagpapahayag ng damdamin ng mga Pilipino noong panahon na iyon . ____________________6. Simbolo ng yaman ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas ang mga ito . ____________________7. Mahalagang pamana ito sa ating lahi . ____________________8. Makikita rito ang pagkamalikhain ng mga Pilipino.
____________________9. Ang musika at lahing sining ay sumasalamin sa ating kultura at pinagmulan . ____________________10. Hindi dapat pinapangalagaan ang mga musika at sayaw ng lahi.
Kaugnay na Paksa 3: Mga Paraan ng Pagtataguyod ng mga Musika o Sayaw ng Lahi na Maipagmamalaki ng Kapuwa -Pilipino
Bilang isang bansa na may mayamang kultura lalo na sa larangan ng sining , nararapat lamang na ito ay ating itaguyod at ipagmalaki . Ang pagmamalaki at pagtangkilik sa ating kultura ay tanda ng pagiging makabansa . Maraming paraan upang maipamalas ang nasyonalismo sa ating bansa partikular na sa mga sayaw at musika ng ating lahi .
Narito ang ilang paraan upang maitaguyod ang mga musika o sayaw ng lahi na maipagmamalaki ng kapuwa - Pilipino. 1. Patuloy na sayawin o kantahin ang mga musika o sayaw ng lahi sa mga paaralan , lalo na sa mga palatuntunan . 2. Patuloy na ituro sa mga mag- aaral ang mga musika at sayaw ng ating lahi .
3. Simulan ang pagtuturo ng mga ito sa tahanan pa lamang . Patuloy din itong sayawin o kantahin di lamang sa mga palatuntunan sa paaralan kundi gayundin sa kanya- kanyang barangay. 4. Huwag tuluyang kalimutan ang mga musika at sayaw ng lahi kahit mayroon nang mga nauusong sayaw o awitin sa modernong panahon . 5. Ipagmalaki lalo na sa mga dayuhan ang mga musika at sayaw ng lahi.
Pinatnubayang Pagsasanay Panuto : Isulat ang salitang PAGMAMALAKI kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagtataguyod sa ating mga musika at sayaw ng lahi , HINDI PAGMAMALAKI naman kung hindi .
__________________1. May palatuntunan na gagawin sa inyong barangay bilang pagdiriwang sa kapistahan . Napili ang inyong grupo na magbigay ng isang bilang ng sayaw para dito . Napili ninyong sayawin ang Alitaptap . __________________2. Isa sa mga aralin ninyo sa Araling Panlipunan ay tungkol sa pagpapakita ng inyong talento . Bawat isa sa inyo ay magpapakita ng talento . Ang talento mo ay pagkanta kaya’t ang napili mong kantahin ay Atin Cu Pung Singsing .
__________________3. Si Scarlet ay nanonood ng mga palabas na mayroong sayaw at musika ng lahi . __________________4. Tangkilikin ang mga sayaw at musika ng lahi. __________________5. Ipakita sa mga kalaro o nakababatang kapatid ang ilan sa mga sayaw o musika ng lahi .
__________________6. Nahihiya si Jomar na sumali sa grupo na ang sinasayaw ay mga katutubong sayaw . __________________7. Sikaping mapag-aralan ang mga sayaw at musika ng lahi. __________________8. Kinakanta ni Anthony ang mga musika ng lahi ngunit pinapalitan niya ng katatawanan ang mga orihinal na salita nito .
__________________9. Tuwing may palatuntunan sa paaralan nila Kate gaya ng Pagpaparangal , ang bawat baitang ay mayroong isang bilang . Iniutos ng kanilang punongguro na ang sasayawin o aawitin nila ay mga sayaw o musika ng lahi lamang . __________________10. May mga dumating na dayuhang Koreano sa inyong paaralan upang magbigay ng mga donasyon . Si Jaden ay naatasang umawit ng isang musika ng lahi para sa mga bisita .
Paglalapat at Pag- uugnay Kantahin at suriin ang awit na “ Magtanim ay Di Biro”. Sagutin ang mga tanong . MAGTANIM AY DI BIRO Magtanim ay 'di biro M aghapong nakayuko ‘Di man lang makaupo ‘Di man lang makatayo
Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig Sa umagang paggising Ang lahat iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig Halina, halina , mga kaliyag Tayo'y magsipag-unat-unat Magpanibago tayo ng landas Para sa araw ng bukas Para sa araw ng bukas
Ano ang naramdaman mo habang inaawit ang Magtanim ay Di Biro? ___________________________________________________ Ano- ano ang ginagawa ng mga magsasaka habang nagtatanim ? ___________________________________________________ Anong uri ng pamumuhay ng mga Pilipino ang inilalarawan sa awiting ito ? __________________________________________________
Malaki ba ang naitutulong sa atin ng mga magsasaka ? Ano- ano ang mga ito ? __________________________________________________ Paano mo maipapakita ang pagmamalaki sa mga magsasaka? Paano mo rin maipapakita ang pagmamalaki sa ating mga sayaw at musika ng lahi ? __________________________________________________
Pabaong Pagkatuto Panuto : Kumpletuhin ang Semantic Map. Magbigay ng 5 halimbawa ng sayaw ng lahi at 5 halimbawa ng musika ng lahi .
Mga Sayaw ng lahi
Mga Musika ng lahi
Pagninilay sa Pagkatuto Panuto : Gumawa ng isang pangako tungkol sa kung paano mo maitataguyod o maipagmamalaki ang mga sayaw o musika ng lahi . Papirmahan ito sa inyong guro at magulang .
Ako si __________________________________________ Nangangakong __________________________________________ __________________________________________ _________________________ Lagda ng Guro ________________ _______________ Lagda ng Nanay Lagda ng Tatay
Pagsusulit Panuto : Isulat kung ang mga sumusunod na pamagat ay MUSIKA NG LAHI o SAYAW NG LAHI . ____________________________ 1. Atin Cu Pung Singsing _____________________________2. Lawiswis Kawayan ____________________________ 3. Pamulinawen
Pagsusulit II. Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang OPO kung naitataguyod o naipagmamalaki sa bawat sitwasyon ang mga sayaw at musika ng lahi at lagyan naman ng ekis (X) ang HINDI PO kung hindi .
SITWASYON OPO HINDI PO 1. Nalaman ko na marami palang magagandang sayaw at musika ng lahi nang ituro sa amin ito ng aming guro . 2. Mas gusto kong sayawin ang mga makabagong sayaw sa Tiktok . 3. Hindi ako nasisiyahang pakinggan ang musika ng lahi .
SITWASYON OPO HINDI PO 4. Natuwa si Kaye nang piliin siya ng kanyang guro na mapasama sa grupo ng paaralan na sumasayaw ng mga sayaw ng lahi . 5. Mahilig makinig si Kurt ng mga musika ng lahi .
SITWASYON OPO HINDI PO 6. Natutuhan ng klase ni Gng . Prado ang iba’t ibang klase ng gulay nang ituro niya ang liriko ng awit na Bahay Kubo. 7. Hindi ako kumakanta kapag pinapakanta ng guro ko sa Musika ang Leron-leron Sinta.
SITWASYON OPO HINDI PO 8. Napili ng aming grupo ang sayaw na Tiklos para sa programa sa aming klase . 9. Itinuturo na tugtugin sa Drum and Lyre Band ng aming paaralan ang Pamulinawen . 10. Ginagawang katatawanan ng grupo ni Glenn ang mga hakbang sa pagsayaw ng maglalatik .
Takdang Aralin Panuto : Isulat sa kwaderno ang liriko ng isang musika ng lahi na alam mo.
Developer: SHIELA MARIE S. PARONG Evaluator: LEARNING RESOURCE MANAGERS CRISPIN A. SOLIVEN JR. CESE- Schools Division Superintendent MEILROSE B. PERALTA EdD, CESE- Assistant Schools Division Superintendent ISMAEL M. AMBALGAN- Chief, Curriculum Implementation Division SHERYL L. OSANO- Education Program Supervisor, LRMS JOSEVIC F. HURTADA PhD – Education Program Supervisor, GMRC DEVELOPMENT TEAM