SIMULA, KATAWAN, WAKAS.Pagsulat ng Maikling Kuwentopptx
JasonSebastian11
0 views
70 slides
Oct 06, 2025
Slide 1 of 70
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
About This Presentation
MAikling Kuwento
Size: 29.48 MB
Language: none
Added: Oct 06, 2025
Slides: 70 pages
Slide Content
PAANO BA DAPAT TAYO MAGKUWENTO?
“BAKA makikipag-away ka na naman, Impen." Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.
ROGELIO SICAT
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan.
ANG KALUPI BENJAMIN PASCUAL
“Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taong malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang kalooban.
MABANGIS NA LUNGSOD EFREN R. ABUEG
Minsan, noo'y maliliit pa kami, si Ama ay nagkaroon ng trabaho sa malayo at may isang linggong hindi umuwi. Sa ikatlong araw ng kanyang di pag-uwi ay lumakas ang hangin, walang lubay ang ulan; ang balita'y may bagyo. Sa takot ni Ina na baka ibuwal ng bagyo ang aming bahay ay tumawag siya ng isang kapitbahay at pinadagdagan ang serga ng aming bahay. Nang umuwi si Ama ay napansin agad niya ang bagong serga. "Mabuti, sabi ni Ama.'E sino'ng pinagkabit mo nire? "Si Omeng " sabi ni Ina. "O, e, magkano'ng ibinigay mo?" Atubili ang sagot ni Ina "Nalimutan ko, e." Nagalit si Ama. "Naghirap 'yong tao'y di mo binayaran? Hala, padalhan mo ng sampiseta"
SI AMA EDGARDO REYES
Ang gulat ni Ma'am nang bigla niyang hablutin ang mataas na kuwelyo nito, hinatak niya ito patayo, dumiin ang mga daliri niya sa leeg nito, pumipilipit, habang tumitindi ang pagngangalit ng mga masel sa braso niya, ng mga ugat sa sariling leeg niya, kasabay ng pagtatangka ni Ma'am na makasigaw sa kabila ng disididong pagpiga niya hanggang huling hininga nito, sa pagkakatitig niya sa hilakbot ng pagkakanganga nito, parang narinig din niya ang hilakbot na tili ng kanyang ina. Sa hukuman, isa lang ang katwirang sinabi ni Julian sa kasong pagpatay na inihain sa kanya, mahigpit kasama ng pag-iwas sa nanunumbat na mga mata ng tatay niya: Hindi ko po napigilan ang aking sarili!
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala. Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw. "Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.
SIMULA, KATAWAN, AT WAKAS JASON A. SEBASTIAN
Tatlo ang mahahalagang bahagi ng isang maikling kuwento: simula (beginning), katawan (body), at wakas (ending)
Kumbaga, bukod sa tanong na ano ang ilalako, mainam ding tanungin kung paano ba ilalako ang produkto
Naratibong Pamingwit
Sa kanilang pagkakadapa sa ibabaw ng gulod ay hindi halos sila makakilos. Painit na painit ang araw ngunit hindi sila makapangahas na gumapang sa malagong kulupon ng matataas na damo na ilang dipa lamang ang layo sa kanila.
Tumigil na sa pagpapaputok ang mga nasa ibaba ng gulod. Ganap ang katahimikan liban sa lawiswis ng mga damo sa pagdaraan ng hangin. Sinulyapan ni Pento ang kaniyang kasama. Walang kakilus-kilos si Tasyo. Matatag ang pagkakahawak nito sa automatic rifle. Kamatayan Sa Gulod ni Manuel J. Ocampo
Simula sa pamamagitan ng Tunggalian
Luningning na tinapyas, pinakinis at sa pamamagitan ng enggaste ay ginawang bituin sa palasingsingan upang maging tanda ng dalawang tibok na pinag-isa. Sampatak na liwanag. Sambutil na kislap. Sinlinaw ng hamog. Singganda ng tala. Sa daliri ng babae, mahinhing kutitap. Sa daliri ng lalaki, makisig na liwanag... Bituin sa Palasingsingan ni Federico Licsi Espino Jr.
Niyayaya kitang magbakasyon dito sa Candon ngayong Todos Los Santos. Dito, matitikman mo iyong paborito mong kakaning kalamay. O kaya, iyong alak naming basi o tapey. Kaugalian kasi sa amin ang maghanda ng mga kakanin at alak sa Araw ng mga Patay.
Sa pagbaba mo ng bus, tiyak na mapapansin mo rin ang lumang kampanaryo ng malaking Simbahang Romano Katoliko sa Candon. Tinitiyak ko ito dahil alam kong tatanungin mo sa iyong sarili kung bakit maraming ibong martines ang namugad sa lumang kampanaryo.
Marahil, tatanungin mo pa sa iyong sarili: Ano naman ang kaugnayan ng mga ibon sa lumang kampanaryo sa Araw ng mga Patay. A, malalaman mo rin. May magandang kuwento tungkol sa bagay na iyan... Ang Ibong Namugad sa Lumang Kampanaryo ni Reynaldo A. Duque
“The higher subversion is the way of the monk or ascetic who sets himself apart from the life of the world. The lower subversion is the way of the libertine who defies the order of the world. But transcending both is the way of... the Bodhisattva, the King-Without-and-Sage-Within: the way of the liberated soul who takes on in the spirit of play the task which others vies as a matter of life and death. --Alan W. Watts, The Two Hands of God
Pagsisimula sa Pamamagitan ng Pambungad, Prologo at mga Hiram o Sariling Kaisipan
Iba Pang Paraan ng Pagsisimula ng Kuwento Simula sa Pamamagitan ng Aksyon Simula sa Pamamagitan ng Tanong Simula sa Pamamagitan ng Imahe Simula sa Pamamagitan ng Diyalogo
Iba Pang Paraan ng Pagsisimula ng Kuwento Simula sa Pamamagitan ng Retrospeksyon Simula sa Pamamagitan ng Pahayag o Kasabihan Simula sa Pamamagitan ng In Medias Res
KATAWAN NG KUWENTO
IMMEDIACY Agad na pagkakatagpo sa solusyon ng suliranin
TAGPO Eksena (esena) kung tawagin ito ng iba. Scene naman kung sa Ingles.
TAGPO Ang kuwento mismo ang nagtatakda kung ilang tagpo ang kailangan nito upang mabuo.
TAGPO Pinapaigting ang tunggalian habang hinahanap ng protagonista ang solusyon sa kaniyang suliranin.
TAGPO Sa madaling salita, dapat may nalilikhang tunggalian ang bawat eksena.
TAGPO Pero paano?
TAGPO Ito ang Pagsulong o Furtherance sa Ingles. Ang pagkakaroon ng mga sagabal (Hindrance o Balakid) sa paghahanap ng bida sa solusyon sa kaniyang suliranin.
Pagsulong : “Hindi na ako tatagal, Tasyo. Susuko na ako.” Balakid: “Patay ka muna bago ka makaalis dito!” Pagsulong: “Maawa ka sa akin, Tasyo. Marami akong anak.” Balakid: “Marami rin akong anak, nguni’t hindi ako susuko.” -- Kamatayan sa Gulod ni Manuel J. Ocampo
Pagbabalik-tanaw, Sulyap-nakaraan o Flashback Bilang Sangkap ng Kuwento
Si Mang Andoy, natatandaan ko pa isang araw, oras ng trabaho, sumabit ang mahabang tubong nakaipit sa umiikot na tsak ng kanyang torno. Humampas iyon sa braso niya...Dumating si Pogi na hindi awa kundi galit ang nasa mukha. Galit kay Mang Andoy na maputla’t halos ay wala nang malay. Minura ko noon nang katakot-takot si Pogi... -Unang Binyag ni Ernie Yang
Totoong nakalikha siya ng sariling daigdig na itim at puti nang ang kurtina ng kanyang kamera ay bumukas-sumara sa mga larawang halos araw-araw ay nakatagpo ng mahahabang espasyo sa pahayagang kaniyang pinaglilingkuran. Pagkaraan ng pagbibinyag sa dugo (Nasuka ako nang una kong makita ‘yung lumalawit na bituka ng sinaksak) at luha.
Halos mabaliw ang pobre nang malaman niyang natupok ang kaniyang asawa at mga anak), dumating ang panahong ang mga ito ay nagtila mohon na lamang sa saklaw ng mga damdaming hindi niya maunawaan at maipaliwanag... -Sa Kadawagan ng Pilikmata ni Fidel D. Rillo, Jr.
Natatawa siya ngayon habang naglalakad pauwi. Hindi pa siya napaparaan sa nakadapang mangga sa tabing-daan ay para nang binuhusan ng tubig ang kanyang galit. Naaalala niya ang ikinatwiran ng isang binata. Nauunawaan din naman niya ang mga kabulastugang pinaggagawa ng mga ito. Sinalibaran ng lintik, sino nga naman sa kanilang baryo ang nagbinata nang hindi man lamang naagiwan ng ulo sa silong nang may silong? -Padre del Pueblo ni Rogelio R. Sicat
Sulyap-Kinabukasan o Flash-Forward Bilang Sangkap ng Kuwento
Ginagamit ito upang maipamalas ang mangyayari sa mga tauhan, sakop man ito o hindi ng panahong nakapaloob sa kuwento.
Lilipas pa ang dalawang taon, ngunit hindi siya aalis dito, at magkakaroon siya ng kaugnayan sa isang walang anak na balo na ang isang halina nito ay ang malambing na puntong Bisaya pag nagsasalita. Babalik siya mula sa isang nakapapagal na kaso sa korte sa Vigan upang mapansin niya ang sulat nitong nakapagkit sa salamin ng kaniyang tokador... -The Cries of Children On An April Afternoon in the Year 1957
Transition ito kung tawagin sa Ingles. Madalas din, tinatawag itong transisyon. PAGLILIPAT-TAGPO
Pacing is Powerful Ginagamit ang paglilipat-tagpo o transisyon bilang pamamaraan upang maipakita ang pagbabago ng kalagayan, panahon, pook o pangyayari sa loob ng kuwento.
Kung minsan din, nagsisimula ang susunod na tagpo sa malalaking letra (capital letters), maaaring may palugit na espasyo (indention), at maaari ding wala, batay na rin sa estilo ng pagsulat o sa estilo ng magasing pagpapadalhan sa akda.
Ginagamit din ang paglilipat-tagpo bilang tanda ng pagbabago ng panahon ng kuwento. Hal. Kinabukasan, Kinagabihan, Kinaumagahan.
Ginagamit din ang paglilipat-tagpo bilang tanda ng pagpapalit ng punto-de-bista sa mga tauhan ng kuwento.
May mga kuwentong gumagamit ang awtor ng mga pasimuna (lead-in) sa mga paglilipat-tagpo ng susulating kuwento bilang tanda ng pagpapalit ng pook o ng punto-de-bista o ng pangyayari.
Ang pasimuna ay maaaring salita o parirala mula sa unang tagpo na mag-uugnay sa susunod na tagpo.
WAKAS NG KUWENTO
BLACK MOMENT
SA KUWENTONG TILA TIYAK NA ANG KABIGUAN matutuklasan ang solusyon sa suliraning nakapaloob sa kuwento.
SA PUNTONG ITO, KAILANGANG MAGANAP NA ANG SUKDULAN O CLIMAX
MGA URI NG WAKAS
Wakas na laguman. S ummation ending sa Ingles. Ito ang uri ng wakas na nilalagom ng awtor ang lahat ng mahahalagang pangyayari o bagay na taglay ng kuwento.
Wakas na Antena. Antennae ending sa Ingles. Ito iyong pagwawakas na hindi nabigyan ng solusyon ng pangunahing karakter ang kaniyang suliranin ngunit mahihinuhang maihahanap din niya ito sa hinaharap.
Wakas na Antiklimaktiko. Anti-climax o bonus twist sa ending sa Ingles. Uri ito ng wakas na patuloy ang paglalahad ng awtor sa mga pangyayaring nauugnay sa kuwento kahit naganap na ang sukdulan.
Wakas na Patumbalik. Reversal Ending sa Ingles. Ito iyong wakas na kabaligtad ang simula sa kuwento.
Wakas na di-akalain. Surprise engding sa Ingles. Kung minsan, twist ending ang tawag dito. Hal.The Gift of the Magi
Wakas na Ideolohikal. Ideological ending sa Ingles. Ito iyong wakas na nakakaiintriga. Dito, hindi inilalahad nang tuwiran ang magiging kalutasan ng suliraning nakapaloob sa kuwento.
Wakas na Parikala. Ironic-ending sa Ingles. Ito iyong wakas na may isang bagay na taglay ng pangunahing tauhan ng kuwento, maaaring kapintasan o katangian.
Wakas na Gimik. Gimmick Ending sa Ingles. Dito, gumagamit ang awtor ng isang gimik bilang wakas sa kaniyang kuwento. Hal. Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra
Wakas na Bukas. Open ending sa Ingles. Ibig sabihin, natapos ang kuwento na wala o hindi binigyan ng solusyon ang suliranin sa kuwento.