Sitwasyong Pangwika sa Social Media.pptx

cherryferecilla1 1 views 20 slides Nov 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Sitwasyong Pangwika sa Social Media


Slide Content

Sitwasyong Pangwika sa Social Media

Ano nga ba ang Social Media ? 1

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha , nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Social Media

Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit . Social Media

Ano-ano naman ang mga uri ng Social Media ? 2

1.) Social Networks Ito ang mga site na nagbibigay-daan sa mga users na makapag-usap sa ibang tao na may parehong hilig at interes . Halimbawa : Facebook Messenger Snapchat

2.) Bookmarking Sites Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users upang magtipon ng mga links galing sa iba't ibang mga websites. Halimbawa : Pinterest Ello Twitter

3.) Social News Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users upang mag-post ng mga kanilang sariling news items o links sa ibang news sources. Halimbawa : Reddit Digg Yahoo! News

4.) Media Sharing Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users para mag-upload at magbahagi ng mga media content katulad ng mga larawan , musika at video. Halimbawa : Youtube Instagram Vimeo Soundcloud V-live

5.) Microblogging Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users na gumawa ng maiikling updates. Ang makakatanggap ng mga updates na it ay ang mga followers ng nasabing user. Halimbawa : Livejournal Twitter Sina -Weibo

6.) Blogs and Forums Ito ang mga sites/apps na nagbibigay-daan sa mga users na mag-post ng kung ano-ano batay sa kanilang kagustuhan na pwedeng lagyan ng komento ng ibang user. Halimbawa : Tumblr Blogger Wordpress

Kumusta naman kaya ang paggamit ng Wika sa Social Media ? 3

Paggamit ng Wika sa Social Media Katulad din ng sa text, karaniwan din ang "Code Switching" o pag papalit ng Ingles at Filipino sa pag papahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito . Di tulad ng SMS (Short Messaging System) na pribado , o iisang tao lang ang makakabasa , sa social media ay mapapansing mas pinagiisipan ang mga pahayag bago ipost dahil maraming tao ang makakabasa nito . Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.

Paggamit ng Wika sa Social Media Sa internet bagama't marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalmaang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito . Ang pangunahing wika sa mga iba oang impormasyong mababasa , maririnig , at mapapanuod sa Internet ay nananatiling Ingles.

Ano nga ba ang mga babasahin at impormasyon na nasusulat sa wikang Filipino sa internet ? 4

Mga babasahin at impormasyon na nasusulat sa wikang Filipino sa internet Dokumentong Pampamahalaan Saligang Batas Iba't ibang kautusang pangkagawaran Impormasyon mula sa iba't ibang sangay ng pamahalaan Akdang pampanitikan Awitin o Mga lumang Awiting Bayan

Mga babasahin at impormasyon na nasusulat sa wikang Filipino sa internet Ang mga babasahing nasusulat sa Filipino ay hindi kasindami ng sa Ingles, at maaring hindi pa ito nakasasapat sa pangangailangan ng mga mamayan , lalo na sa mag aaral na naghahanap ng mga impormasyon na nakasulat sa ating sariling wika .

Ano naman ang epekto ng Social Media ? 5

Positibong epekto ng Social Media Ang kakayahan nito na magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o malayo sa iyo . Magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo .

Negatibong epekto ng Social Media Ang pagiging tamad ng mga kabataan sa pag aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahti ang kanilang atensyon . Ang pagkalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang pag aaral .
Tags