Sitwasyong Pangwika sa Wikang kultural Ikalawang Markahan
MargieBAlmoza
0 views
28 slides
Sep 29, 2025
Slide 1 of 28
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
About This Presentation
Isang Paksa sa asignaturang Filipino- Komunikasyon at Wika Tungo sa Pananaliksik.
Size: 3.21 MB
Language: none
Added: Sep 29, 2025
Slides: 28 pages
Slide Content
Sitwasyong Pangwika sa Iba pang anyo ng Kulturang Popular
FLIPTOP
Pagtatalong - oral na isinasagawa nang pa-rap , “Modern Balagtasan ” Bersyong nira -rap na may magkatugma ngunit walang malinaw na paksang pagtatalunan . Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali .
Walang Iskrip !, Pangkaraniwang gumagamit ng mga salitang nanlalait para makapuntos sa kalaban . Kinatatampukan ng 2 kalahok . Mayroong 3 rounds at ang mananalo ay dinedesisyunan ng hurado .
Mayroong mga Fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino. Naipapalaganap sa pamamagitan ng YouTube. Sa ngayon ay marami na ring paaralan ang nagsasagawa ng Fliptop lalo na sa tuwing ginugunita ang Buwan ng Wika .
PICK-UP LINES
Kung may salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito'y nakakatuwa , nakakapagpangiti , nakakakiliti , cute, cheesy at masasabi ring corny. Naririnig sa usapan ng mga kabataan at nakikita rin sa Facebook,Twitter at iba pang social media sites.
Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at ang mga barayati nito , subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish . Kailangang ang mga taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis magisip at malikhain para sa ilang sandali ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang napakaikling sagot . BOOM” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksyon .
Nauso ito dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programang Bubble Gang sa isang segment. Naging matunog ito lalo na sa mga talumpati ni Senadora Miriam Defensor Santiago.
BOY: Google ka ba? GIRL: Bakit? BOY: Kasi... nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko
BOY: Oatmeal ka ba? GIRL: Bakit? BOY: Kasi you are good to my heart.
BOY: Kapuso ka ba? GIRL: Bakit? BOY: Pinapatanong kasi ni Mama kung.. kelan ka puwedeng maging kapamilya
BOY: Hindi ka ba napapagod? GIRL: Bakit? BOY: Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko
BOY: Centrum ka ba ? GIRL: Bakit ? BOY: Kasi you are my A to Z
BOY: Sana ako ang Sabado at Ikaw ang Linggo GIRL: Ha? BAKIT? BOY: Para ikaw ang kinabukasan ko
HUGOT LINES
Tinatawag ding love lines o love quotes. Karaniwang nagmula ito sa linya ng mga tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso't isipan ng mga manonood subalit madalas nakakagawa rin ng sariling hugot lines ang mga tao epende saa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan .
Minsan ang mga ito ay nakasulat sa Filipino subalit madalas , Taglish ang gamit na salita sa mga ito .
“Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa 'tin - yung hindi tayo sasaktan at papaasahin... yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin” - JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY, ONE MORE CHANCE (2007)
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat... and you chose to break my heart” - JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY, ONE MORE CHANCE (2007)
“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako ?” - CLAUDINE BARETTO BILANG JENNY, MILAN (2004)
“Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maagawan ka. Lumaban ka!” - CARMI MARTIN BILANG BABYGIRL DELA COSTA, NO OTHER WOMAN (2011)
“Wala naman pala 'yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka niya mahal,hindi ka niya mahal” - ANGELICA PANGANIBAN BILANG MACE , THAT THING CALLED TADHANA
“Hindi.Na.Kita.Mahal.Makakaalis.Ka.Na. 7 words. Yung 8 years namin nagawa niyang tapusin in 7 words” - ANGELICA PANGANIBAN BILANG MACE , THAT THING CALLED TADHANA
“Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kwenta kung wala ang tamis mo” - Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever
“Kapag namatay ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko.” - Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever