Ang paggawa ay ang gawain ng mga tao na may layuning bumuo ng produkto o magbigay ng serbisyo.
Ano ang mga Uri ng Manggawa?
1. MANGGAGAWANG MENTAL Higit na ginagamit ang isip sa produksyon. WHITE COLLAR JOB
2. MANGGAGAWANG PISIKAL Higit na kailangan ang lakas ng katawan sa gawain. BLUE COLLAR JOB
MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MANGGAGAWA:
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Ang unang batas ukol sa walong oras na paggawa.
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Inaprubahan: Hunyo 3, 1939 Pinagpatupad ng: Ikalawang National Assembly ng Commonwealth ng Pilipinas
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Seksyon 1 — Itinatakda na ang opisyal na oras ng trabaho ng sinumang empleyado ay hindi dapat lalampas sa walong (8) oras kada araw. Ang oras ng pahinga sa pagitan ng trabaho, kung saan maaari nang umalis ang manggagawa, hindi kasama sa oras ng trabaho
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Seksyon 2— Saklaw nito ang lahat ng manggagawa sa anumang industriya, pampubliko man o pribado. Mga eksepsyon: farm laborers, piece-rate workers, domestic servants, at miyembro ng pamilya ng employer na nagtatrabaho para sa kanya.
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Seksyon 3— Pinapayagan ang trabaho nang higit 8 oras kapag may emergency tulad ng aksidente, sunog, baha, bagyo, lindol, o epidemya; o kung kailangan maayos kaagad ang kagamitan para maiwasan ang malaking pagkalugi. Sa ganitong kaso, dapat dagdagan ang bayad ng hindi bababa sa 25% ng regular na sahod
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Seksyon 4— Hindi maaaring sapilitanin ang manggagawa na magtrabaho tuwing Linggo o legal na holiday nang walang karagdagang bayad na hindi bababa sa 25% maliban na lang kung ang trabaho ay sa sektor ng public utility (tulad ng gas, kuryente, tubig, transportasyon, komunikasyon)
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Seksyon 5— Maaaring pahintulutan ng Kalihim ng Paggawa ang hindi pagsunod sa Seksyon 2 at 3 kung may makatwirang dahilan o interes ng publiko. Subalit kapag binigyan ng exemption, kailangan ding bayaran ang manggagawa ng hindi bababa sa 25% dagdag para sa oras na lampas sa 8 oras.
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Seksyon 6— Anumang kontrata o kasunduan na salungat sa nasabing batas ay void ab initio, ibig sabihin hindi ito valid mula pa sa simula.
COMM0NWEALTH ACT BLG. 444 Eight-Hour Labor Law Seksyon 7— Sinumang employer na lalabag sa batas ay maaaring maharap sa parusang fine na hanggang ₱1,000, o pagkakakulong ng hanggang isang taon, o parehong parusa.
Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act) Nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum wage
Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act) -isang batas na ipinatupad noong Hunyo 9, 1989. Layunin nitong ayusin at gawing patas ang sistema ng pagtatakda ng minimum wage sa bansa. Kasama r ito ang pagpapalakas ng mekanismo at pamantayan para sa paggawa ng desisyon tungkol sa sahod, kasama na ang pagtatatag ng mga istrukturang magpapatupad nito.
Artikulo 94 Holiday P ay -tumutukoy sa karapatan ng mga manggagawa na makatanggap ng kabuuang sahod kahit hindi sila nagtrabaho sa mga regular na holiday o espesyal na araw ng pagdiriwang, basta't sila ay present sa trabaho noong araw bago ang holiday o pagkatapos nito.
Artikulo 94 Holiday P ay Regular Holiday Kapag may regular holiday (halimbawa: Araw ng Kalayaan, Pasko, Bagong Taon), at hindi nagtrabaho ang manggagawa, may karapatan siyang makatanggap ng 100% ng kanyang karaniwang sahod (o buong arawang sahod).
Artikulo 94 Holiday P ay 2. Pagtatrabaho sa Holiday Kung nagtrabaho naman siya sa holiday, karagdagan pa ang bayad niya na tinatawag na holiday pay plus overtime pay. Sa madaling salita, dapat bayaran ng employer ang 100% dagdag sa regular na sahod, at dagdag pa ang overtime kung lumampas sa karaniwang oras ng trabaho.
Artikulo 94 Holiday P ay 3. Present o Absent Dapat ay present o hindi umalis nang walang pahintulot bago at pagkatapos ng holiday para magkaroon ng karapatan sa holiday pay. Kung absent siya nang walang dahilan, wala siyang karapatan dito.
Artikulo 87 (Overtime Pay) - pagpasok sa trabaho ng higit sa walong oras.
Artikulo 87 (Overtime Pay) Normal na oras ng trabaho Karaniwang 8 oras kada araw ang itinakdang regular working hours. 2. Overtime work Kapag ang manggagawa ay nagtrabaho nang higit sa 8 oras sa isang araw, ito ay tinatawag na overtime.
Artikulo 87 (Overtime Pay) 3. Bayad sa Overtime - Ang manggagawa ay dapat bayaran ng at least 25% higit sa kanyang regular na oras-oras na sahod para sa bawat oras ng overtime. Halimbawa, kung ang regular na sahod niya ay ₱100 kada oras, dapat siyang bayaran ng ₱125 kada oras para sa overtime.
Artikulo 87 (Overtime Pay) 4. Pagtatrabaho sa holidays o rest days Kapag ang overtime ay ginawa sa regular na holiday o rest day, ang dagdag na bayad ay mas mataas pa (karaniwang 30% o higit pa depende sa mga regulasyon).
Artikulo 86 Night Shift Differential Karagdagang bayad sa pagtratrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampung porsiyento (10%)
Artikulo 86 Night Shift Differential Nagsasaad na kapag ang isang manggagawa ay nagtrabaho sa gabi (tinatawag na night shift), may karapatan siyang makatanggap ng karagdagang bayad na tinatawag na night shift differential bilang kompensasyon sa hindi kanais-nais na oras ng trabaho.
Artikulo 86 Night Shift Differential Ano ang Night Shift? Ang night shift ay ang oras ng trabaho mula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga ng susunod na araw.
Artikulo 86 Night Shift Differential Gaano kalaki ang Night Shift Differential? Ang manggagawa na nagtatrabaho sa night shift ay dapat bayaran ng at least 10% dagdag sa kanyang regular na sahod para sa mga oras na ito.
Artikulo 86 Night Shift Differential Halimbawa ng bayad Kung ang regular hourly rate ng manggagawa ay ₱100, dapat siyang makatanggap ng ₱110 kada oras na nagtatrabaho siya sa pagitan ng 10 PM hanggang 6 AM.
Artikulo 86 Night Shift Differential Pagsasama ng Night Shift Differential sa Overtime at Holiday Pay Kung ang manggagawa ay nagtatrabaho sa night shift at overtime, o night shift sa holiday, karapat-dapat siyang makatanggap ng night shift differential bukod sa overtime o holiday pay.
ILANG MGA KARAPATAN NG MGA MANGAGAWA
Kaukulang Bayad sa Pagtatrabaho Lingguhang Pahinga
Patas na Oportunidad Seguridad ng panunungkulan
SERIOUS MISCONDUCT GROSS HABITUAL NEGLECT AN ATTEMPT OR COMMIT OF CRIME
SERIOUS MISCONDUCT May kaugnayan sa kanyang trabaho, Isinasagawa nang may masamang loob (willful intent), at, Sapat na matindi upang mawalan ng tiwala ang employer at i-dismiss ang manggagawa.
SERIOUS MISCONDUCT HALIMBAWA: Pagsuntok o pananakit sa katrabaho o kliyente Pagnanakaw o panlilinlang P akikipag-away habang naka-duty Malisyosong paninira sa employer o kumpanya
SERIOUS MISCONDUCT HALIMBAWA: F. Pag-inom ng alak o paggamit ng droga habang nagtatrabaho G. Pakikiapid o immoral conduct sa loob ng workplace
Paalala sa mga Employer Hindi sapat na basta tanggalin ang empleyado. May due process , kabilang ang: a. Written notice sa empleyado (show cause), b. Pagkakataong sagutin ang paratang, c. Decision notice kung saan ipapaliwanag ang dahilan ng dismissal.
GROSS HABITUAL NEGLECT Ang gross and habitual neglect of duty ay isa sa mga legal na dahilan ng pagpapaalis o dismissal sa isang manggagawa, ayon sa Article 297 (dating Article 282) ng Labor Code of the Philippines.
GROSS HABITUAL NEGLECT Gross neglect– Tumutukoy sa matinding kapabayaan o kawalan ng kahit kaunting pag-iingat sa pagtupad ng tungkulin. Hindi ito simpleng pagkakamali—ito ay labis at grabe.
GROSS HABITUAL NEGLECT Habitual neglect Nangyayari kapag ang kapabayaan ay paulit-ulit, hindi lamang isang beses . Kailangang may pattern ng paglabag o kapabayaan sa trabaho.
GROSS HABITUAL NEGLECT Tala: Kailangan sabay ang gross at habitual para ito ay maging balido na dahilan ng dismissal . Kapag isang beses lang, kahit grabe, hindi sapat (maliban kung sobrang bigat nito tulad ng pag-iwan ng tungkulin na nagdulot ng malaking pinsala).
GROSS HABITUAL NEGLECT HALIMBAWA: Palagiang pagliban (absenteeism) o pagkalate b. Hindi pagtupad sa basic na tungkulin
GROSS HABITUAL NEGLECT HALIMBAWA: c. Pagpapabaya na nagdudulot ng pinsala sa kumpanya d. Paulit-ulit na failure sa performance
AN ATTEMPT OR COMMIT A CRIME Pagtangkang gawin o aktwal na paggawa ng isang krimen ay isa sa mga dahilan ng lehitimong dismissal o pagkakatanggal sa trabaho ng isang manggagawa sa ilalim ng Labor Code of the Philippines, partikular sa Article 297 (dating Article 282).
AN ATTEMPT OR COMMIT A CRIME Tumutukoy sa pagtangkang gumawa ng ilegal na gawain, kahit hindi ito natuloy o natapos. Halimbawa: (1)Pagtangkang magnakaw ng gamit ng kumpanya o kapwa empleyado. (2)Pagtangkang manakit ng kapwa sa trabaho.
AN ATTEMPT OR COMMIT A CRIME HALIMBAWA: Aktwal na pagnanakaw. Pananakit, pananakot, o sexual harassment. Paninira ng ari-arian ng kumpanya.
AN ATTEMPT OR COMMIT A CRIME Ang employer ay may karapatang protektahan: Ang seguridad ng kumpanya, Ang mga ari-arian nito, At ang kaligtasan ng mga empleyado at kliyente.
AN ATTEMPT OR COMMIT A CRIME Kaya’t ang kahit pagtangka pa lang sa krimen ay sapat na batayan para sa termination — kung may sapat na ebidensiya.
Ligtas na lugar para sa trabaho Tamang edad
MATERNITY LEAVE (R.A 11210) 105 araw normal 120 araw cessarian 4 na beses na leave Sahod? – Average Salary Credit
PATERNITY LEAVE (R.A 8187) 7 araw na leave Sahod? – pareh o lamang ang matatanggap na sahod.
TALASALITAAN : palo - Hampas o malakas na pagbugbog gamit ang kamay o kasangkapan, gaya ng martilyo. Alipatong - Kumikislap o lumilipad na apoy mula sa binubugbog na bakal o bagay na mainit. Tilamsik - Mabilis na talsik o pagputok ng likido o apoy sa hangin.
TALASALITAAN : Alitaptap- Insekto na naglalabas ng ilaw sa gabi; ginagamit dito bilang simbolo ng liwanag sa kadiliman. Kadimlan - Kalaliman o kasukdulan ng dilim; metaphor para sa kahirapan o kawalang-kaalaman. Santinakpan- Daigdig o buong mundo; isang makalumang salita para sa "universe" o "creation."
TALASALITAAN : Tipakin- Putulin o basagin ang bato gamit ang matigas na bagay; karaniwang ginagawa sa pag-ukit o paggawa ng istruktura. Batingaw- kampana, karaniwang ginagamit sa simbahan o para sa mahahalagang anunsyo. Tadyang - Bahagi ng katawan (buto sa gilid); sa tula, ginamit bilang bahagi ng katawan na pinagkunan ng liwanag — simbolikong paraan ng pagsasabi na manggagawa ang pinagmulan ng pag-unlad.
TALASALITAAN : Puhunan - Kapital o panimulang pera/gamit sa negosyo; maaaring tao, bagay, o salapi. Pagpasan - Paghakot o pagbubuhat ng mabigat, literal man o simboliko (tulad ng responsibilidad). Luklukan - Trono o mataas na upuan ng kapangyarihan; simbolo ng tagumpay o pamumuno..
Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan; mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan. Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw, si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang, kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan mula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalaw hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay. Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan….. Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal, dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay. Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan, at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
Buod ng Tula: Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus Ang tula ay isang pagpupugay sa mga manggagawa bilang haligi ng lipunan. Ipinapakita nito na ang bawat bagay na ginagamit at tinatamasa ng tao—mula sa mga gusali, simbahan, salapi, hanggang sa liwanag at kabuhayan—ay bunga ng pawis, hirap, at sakripisyo ng manggagawa.
Ibinabandila ng tula ang katotohanang kung wala ang manggagawa, walang mabubuo o uusad sa lipunan. Mula sa pag-ukit ng bato hanggang sa paglikha ng krus sa libingan, ang kamay ng manggagawa ang nasa likod ng lahat ng ito.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ambag nila, madalas ay hindi sila kinikilala o binibigyang halaga. Dahil dito, nananawagan ang tula na dakilain, igalang, at itanghal ang manggagawa, sapagkat sila ang tunay na tagapaglikha ng kabihasnan. Sa huli, sinasabi ng makata na titigil ang pag-ikot ng mundo kung mawawala ang manggagawa.