Kasaysayan ng Wikang Pambansa Walong (8) Pangunahing Katutubong Wika sa Bansa : Tagalog Cebuano Ilocano Hiligaynon Waray Bicolano Pangasinense Kapampangan
Kaibahan ng Wikang Tagalog, Pilipino, at Filipino Wikang Tagalog – katutubong wika ng ilang bahagi ng Luzon ( Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa , at Metro Manila ) na naging batayan ng wikang pambansa . Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg . 134 noong Disyembre 30, 1937 at nagkabisa noong Disyembre 30, 1939.
Wikang Pilipino – pambansang wikang nababatay lamang sa iisang katutubong wikang Tagalog. Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg . 7 na ipinahayag ni Kalihim Jose E. Romero Iniutos ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagsasa -Pilipino ng mga sertipiko , at diploma ng mga paaralan at sa ibaba ng mga salita ay ang salin nito sa wikang Ingles. Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg . 96 na nilagdaan ni Pang. Ferdinand E. Marcos, pangalanan ang mga gusali , edipisyo at tanggapan ng pamahalaan sa Pilipino.
Wikang Filipino – pambansang wikang nababatay sa lahat ng katutubong wika sa bansa kasali na ang Ingles at Kastila . Ayon sa Panukalang Saligang Batas ng 1987 (Art. XIV, seksyon 6 at 7) Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Smantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika . Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo , ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon .
Ano ang wika ? Wika (language)– ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura . language – ay hango sa salitang Latin na “lingua” na nangangahulugang dila . Malayo-Polinesyo – ang angkan ng wikang pinagmulan ng wikang Filipino.
Ponolohiya / Ponoloji ( palatunugan ) Mga Prinsipal na Sangkap sa Pananalita : Dila Labi Guwang ng ilong Guwang ng bibig Babagtingan Paringhe Titilaukan Matigas na ngalangala Malambot na ngalangala Punong gilagid lalamunan
3 Salik upang ang Tao ay Makapagsalita : Pinagbubuhatan ng enerhiya Artikulador Resonador 4 na Bahaging Mahalaga sa Pagbigkas : Dila at panga Ngipin at labi Matigas na ngalangala Malambot na ngalangala
Ponema – ang pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika . Pares minimal – mga pares ng mga salitang magkaiba ang kahulugan at magkatulad ang kapaligiran maliban sa isang ponema . Maaaring nasa unahan , gitna , o hulihan ang ponemang ito .
Mga Labyal /p/ at /b/ Unahan Gitna Hulihan p aso (vase) sa p a kupko p b aso (glass) sa b a kubko b ( kulong ) p uto a p a sapsa p b uto (bone) a b a sabsa b
Ang mga Dental (t at d) Unahan Gitna Hulihan taan bantay satsat daan pantay patpat dili panday padpad tili
Mga Pangngala-ngala (k at g) Unahan Gitna Hulihan kuro baka balak guro baga balag gisa puka alok bigas puga alog
Ang mga Diptonggo Diptonggo – ay bunga ng kombinasyon ng mga katinig na sinusundan ng mga malapatinig . Kabilang dito ang aw, iw , ay oy at uy . Hal: lang aw bal iw bah ay kah oy ar uy
Ang mga Klaster o Kambal Katinig Klaster – ay mga salitang may dalawang magkatabing katinig at isa ang bigkas . Matatagpuan ito sa mga salitang banyagang nasama na sa bokabularyong Filipino. Hal: Unahan Gitna Hulihan Blusa kompres teks Grasa eskwela nars Plantsa kompyansa golf Pwersa konstruksyon bayk
Mga Ponemang Suprasegmental Stres o Diin – ang antas ng lakas ng bigkas ng salita o bahagi ng salita . Ginagamit na simbolo ang / /. Mga Uri ng Diin : Diing Malumay Diing Malumi Diing Mabilis Diing Maragsa Diing Malaw -aw Diing Mariin
Ang Diing Malumay Diing Malumay – ay binibigkas nang banayad . Ang diin ay nasa penultima o ikalawang pantig buhat sa hulihan . Maaari itong magtapos sa patinig o katinig . Wala itong tuldik . Halimbawa : Patinig Katinig babae / ba.ba.e / bahay / ba.hay / tao / ta.o / salamat / sa.la.mat / dalaga /da.la.ga/ kamatis / ka.ma.tis /
Ang Diing Malumi Diing Malumi - ay binibigkas nang banayad . Ang diin ay nasa penultima o ikalawang pantig buhat sa hulihan . Palagi itong nagtatapos sa patinig at may impit ( glotal na pasara ) sa huling pantig . Ginagamitan ito ng tuldik na paiwa (ˋ) na palaging itinatapat sa ibabaw ng huling patinig . Halimbawa : nagluto / nag.lu.t Ò / luha / lu.hà /
Ang Diing Mabilis Diing Mabilis – ay binibigkas nang tuluy-tuloy . Ang diin ay nasa huling pantig . Maaari itong magtapos sa patinig o katinig . Tinutuldikan ito ng pahilis (ˊ) na palaging itinatapat sa ibabaw ng huling patinig . Halimbawa : Patinig Katinig dalawa / da.la.wá / malakas / ma.la.kás / walo / wa.ló / lubos / lu.bós /
Ang Diing Maragsa Diing Maragsa - ay binibigkas nang tuluy-tuloy . Ang diin ay nasa huling pantig . Palagi itong nagtatapos sa patinig at may impit sa huling pantig . Tinutuldikan ito ng pakupya (ˆ) na palaging itinatapat sa ibabaw ng huling patinig . Halimbawa : daga / da.gâ / tumayo / tu.ma.yô / bungi / bu.ngî /
Ang Diing Malaw -aw Diing Malaw -aw – ay uri ng diin na may isang pantig na inuulit lamang at parang naglalaro sa pagbigkas . Madalas itong ginamit sa mga tulang pambata . Ginagamitan ito ng gitling (-). Halimbawa : tok-tok kling-kling kring-kring klug-klug pot-pot tsug-tsug aw-aw bang-bang
Ang Diing Mariin Diing Mariin – ay uring diin na ang diin ay nasa ika-3, ika-4, ika-5 o ika-6 na pantig buhat sa hulihan . May lapi kaya mahahaba na ang mga salitang may ganitong uri ng diin . Uri ng Diing Mariin : 1. Mariing Malumay – binibigkas nang banayad . Ang unang diin ay nasa ika-3, ika-4, ika-5 o ika-6 na pantig buhat sa hulihan . Maaari itong magtapos sa patinig o katinig . Wala itong tuldik . Ang tuldik na pahilis ( ˊ ) ang palaging gagamitin sa pagtukoy sa una at ikalawang diin ng bawat salita .
2. Mariing Malumi - ay binibigkas nang banayad . Ang unang diin ay nasa ika-3, ika-4, ika-5 o ika-6 na pantig buhat sa hulihan . Palagi itong nagtatapos sa patinig at may impit ( glotal na pasara ) sa huling pantig . Ginagamitan ito ng tuldik na paiwa (ˋ) na palaging itinatapat sa ibabaw ng huling patinig at a ng tuldik na pahilis (ˊ) ang palaging gagamitin sa pagtukoy sa una at ikalawang diin ng bawat salita . Halimbawa : / tú.mu.tú.lò / / lú.mu.lú.hà / / í.si.ná.sa.ú.lì /
3. Mariing Mabilis - ay binibigkas nang tuluy-tuloy . Ang unang diin ay nasa ika-3, ika-4, ika-5 o ika-6 na pantig buhat sa hulihan . Ang ikalawang diin ay nasa huling pantig . Tinutuldikan ito ng pahilis (ˊ) na palaging itinatapat sa ibabaw ng huling patinig . Maaari itong magtapos sa patinig o katinig . Ang tuldik na pahilis (ˊ) ang palaging gagamitin sa pagtukoy sa una at/o ikalawang diin ng bawat salita . Patinig Katinig / pu.má.pa.nga.la.wá / / pa.á.ra.lán / / su.má.sa.yá / / nag.pá.pa.ka.sál /
Mariing Maragsa – ay binibigkas nang tuluy-tuloy . Ang unang diin ay nasa ika-3, ika-4, ika-5 o ika-6 na pantig buhat sa hulihan . Ang ikalawang diin ay nasa huling pantig . Tinutuldikan ito ng pahilis (˄) na palaging itinatapat sa ibabaw ng huling patinig . Palagi itong nagtapos sa patinig at may impit sa huling pantig . Ang tuldik na pahilis (ˊ) ang palaging gagamitin sa pagtukoy sa una at/o ikalawang diin ng bawat salita . Hal: / nag.dú.ru.gô / / tu.mú.tu.lâ / / na.tú.tu.yô / / lu.mí.li.kô /
Morpolohiya Morpolohiya – ay matatawag ding palabuuan . Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salitang nagtataglay ng kahulugan . Panlapi – ay pantig o mga pantig na itinatapat sa salitang ugat upang makabuo ng bagong salita at nagkaroon ng bagong kahulugan . Uri ng Panlapi : Unlapi Gitlapi Kabilaan Laguhan
Ang Unlapi Unlapi – ay panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang ugat tulad ng um, mag, ma, pag , ipag , nag, in at iba pa. Halimbawa : um ulan , mag laba , pag -ibig , ipag luto nag laro , in alis
Ang Gitlapi Gitlapi – ay panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang ugat tulad ng um at in . Halimbawa : t um alon s um agot s um ulat s in ulat s in agot s in untok
Ang Kabilaan Kabilaan - ay panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat . Ang salitang mabubuo rito ay naging pangngalan . Halimbawa : ka + bundok + an= ka bunduk an Ka + dagat + an= ka ragat an
Ang Laguhan Laguhan - ay panlaping ikinakabit sa unahan , gitna at hulihan ng salitang ugat . Halimbawa : mag + dugo + in + an= mag d in ugu an Ipag + sikap + um + an= ipag s um ikap an
Salitang Ugat – ay payak na salitang walang panlapi . Hal. Tao, bundok , takbo , luto , ligo , at iba pa. Dalawang Pangkalahatang Uri ng Morpema : May kahulugang Leksikal ( tulad ng salitang marami , tao , bagay ). Hal. Marami tao bagay EDSA. May kalabuan ang kayarian ng pangungusap bagama’t naroon ang lahat ng leksikon . Kailangan dito ang mga kataga upang maging wasto . Hal. Maraming tao at bagay sa EDSA. May kahulugang Pangkayarian ( tulad ng mga kataga ). Mga kataga ang pangkayarian ng lahat halos ay iisahing pantig tulad ng ang , ng , sa , at , mga , at iba pa.
Ang Derivational at Inflectional na Uri ng Morpema Derivational – ay ang pinagmulan o pinaghanguan ng ibang kahulugan tulad ng kain (to eat) kapag may hulaping –an ay Kainan - ( mesa o restaurant) naging pook na ang pandiwang kain . Inflectional – maging inflectional ang kumain , kumakain at kakain dahil iisa ang kahulugan nito , iba-iba lang ang aspekto at anyo .
Mga Bahagi ng Pananalita Sampung Bahagi ng Pananalita : Pangangalan (Noun) Panghalip (Pronoun) Pandiwa (Verb) Pang- uri (Adjective) Pang- abay (Adverb) Pantukoy (Articles) Pang- ukol (Preposition) Pang- angkop Pangatnig (Conjunction ) Pandamdam (Interjection)
Gamit ng mga Bahagi ng Pananalita Pangngalan at Panghalip - ginamit bilang mga pangnilalaman o content words sa mga pangungusap . Pandiwa Pang- uri at Pang- abay – bilang mga panuring o modifiers. pang- angkop , pangatnig , pang- ukol – ginamit bilang mga pang- ugnay o connectors.
Pandamdam at pangawing – ginamit bilang mga pananda o markers. Ang mga Pang- angkop sa Wikang Filipino: na – ay iniaangkop sa mga salitang binibigyang-turing na nagtatapos sa patinig maliban sa -n. hal : mabai t na bata , matami s na mangga ng - ay iniaangkop sa salitang binibigyang-turing na nagtapos sa patinig ( a,e,i,o,u ) hal : simba ng gabi , bata ng mabait g - ay iniaangkop sa salitang binibigyang-turing na nagtapos sa –n. hal : bituin g marikit , sabon g mabango