WEEK6-MAbvcnhcmhcmhjmjvjv,jyjdjhKABANSA.pptx

mrosecrubio 9 views 74 slides Sep 10, 2025
Slide 1
Slide 1 of 74
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74

About This Presentation

vcgngcn


Slide Content

MAKABANSA GR.2-Q1-WEEK6

Day 1

Person Hunt Ang mga mag-aaral ay maglilibot sa loob ng silid- aralan at hahanapin nila ang mga nakatagong larawan. (Gupitin ang mga larawan.)

T ukuyin kung sino sino sila.

Kilalanin at ibigay ang inyong mga ideya o opinyon tungkol sa mga salita.

paaralan

ospital

b arangay hall

simbahan

palengke

Ang Magkaibigang Ana at Sahdia Si Ana ay isang mag- aaral sa San Lorenzo Elementary School. Anak siya ni Aling Clara na isang tindera sa palengke at tubero naman ang kanyang namayapang ama. Habang nasa paaralan , marami siyang natutunan sa gabay ng kanyang guro na si Bb. Santos. Sa palaruan ng paaralan siya naglalagi at naglalaro habang wala pa ang kanilang guro . Dito niya nakilala si Sahdia, isang Muslim, na naging matalik niyang kaibigan .

Nang papauwi sila galing sa paaralan isang hapon , naaksidente si Sahdia. Nang makita ito ng kanilang guro , agad nitong tinawagan ang kanyang magulang at dinala siya sa St. Mary’s Medical Center kung saan nakilala nila si Dr. Reyes. Sa tulong ng doktor , tuluyang gumaling si Sahdia at muling nakapasok sa paaralan . Labis itong ikinatuwa ni Ana sapagkat may makakasama na naman siya pagpasok sa paaralan .

Ang San Lorenzo Barangay Hall ang isa sa mga istrukturang nadadaanan ng magkaibigan tuwing pumapasok sila . Nakikita nila rito ang mga taong naglilingkod sa barangay gaya ni Mang Tiago, ang punong barangay ng kanilang komunidad kasama ang iba pa niyang mga kasamahan .

Isang beses , habang papauwi si Ana, sumaglit muna siya sa Pamilihang Pambarangay ng San Lorenzo upang tumulong sa ina na magtinda . Ginagawa niya ito minsan kung may gusto siyang hingin sa ina . Hindi naman makatanggi si Aling Clara sapagkat mabait na anak si Ana at nagsusumikap pa sa pag-aaral .

Tuwing Linggo , sumasama si Ana sa ina na magsimba sa Our Lady of Peace Parish Church. Samantalang si Sahdia naman, tinuturuan ng kanyang ama at ina na magdasal at sundin ang aral ng Islam. Sa murang edad , naikintal sa dalawa ang halaga ng pananampalataya .

Sagutan Mo!

Sino-sino ang tauhan sa kuwento? 2.Saan unang nagkakilala si Ana at Sahdia? 3.Nang maaksidente si Sahdia, saan ito dinala ng kanilang guro? 4.Saan nila palagi nakikita ang punong barangay ng kanilang lugar? 5.Saan nagtitinda ang ina ni Ana? 6.Saan ginagawa ng magkakaibigan ang kanilang pasasalamat sa Poong Maykapal?

Talakayin Natin!

I to ay isang lugar kung saan nagaganap ang pagtuturo at pag-aaral . D ito nag-aaral ng mga aralin at natututo ng mga konsepto at kasanayan ang mga mag-aaral. paaralan

Ito ay isang pasilidad o institusyon na nagbibigay ng serbisyo pangkalusugan sa mga may sakit at nangangailangan ng medikal na atensyon dito ginagamot, inaasikaso, at pinapabuti ang kalagayan ng mga pasyente sa pamamagitan ng mga doktor, nars, at iba pang health professionals. ospital

Ito ay isang opisyal na gusali o pasilidad na matatagpuan sa bawat barangay sa Pilipinas dito matatagpuan ang tanggapan ng Punong Barangay at ang sentro ng lokal na pamahalaan. Barangay Hall

Isa itong lugar kung saan nagaganap ang pamilihan dito kadalasan nakikita ang transaksyon ng mga mamimili at nagtitinda. p amilihan o palengke

Ito ay isang lugar ng pag- aalay at pagsamba sa Diyos isa itong gusali o estruktura na ginagamit para sa mga relihiyosong ritwal, pag-aalay ng misa o iba pang seremonya, at panalangin ng mga mananampalataya. simbahan

Makibahagi Ka! Individual Art Activity: Gumuhit ng isang estruktura at sabihin ang mga taong nagbibigay serbisyo.

Sagutan ang Activity Sheets.

Day 2

Piliin ang taong naglilingkod sa tamang institusyon.

Ibigay ang inyong opinion tungkol sa mga salita .

institusyon gampanin

Indibidwal na Gawain Bawat grupo ay gagawa ng isang collage gamit ang lumang magasin, colored paper, at iba pang art materials. A ng collage ay isang sining kung saan pinagsasama-sama ang iba’t ibang materyales tulad ng papel, larawan, dyaryo, magazine, at iba pang bagay upang makabuo ng isang bagong imahe o disenyo.

Ang bawat collage ay dapat magpakita ng: Ano ang hitsura ng institusyong itinalaga sa inyo? Sino-sino ang nagtatrabaho rito? Ano ang ginagawa ng institusyon para sa mga tao?

“Mga Institusyon sa Komunidad”   Maaring gamitin ang tono ng isang sikat na awitin tulad ng " Twinkle, Twinkle, Little Star " o " Leron, Leron Sinta ".

“Mga Institusyon sa Komunidad”   Sa paaralan, natututo, Mga guro'y nagtuturo. Sa ospital, may manggagamot, Nag-aalaga, naggagamot. Pamahalaan, tagapagbantay, Sa kaayusan at sa buhay. Tulong-tulong tayong lahat, Upang buhay ay sumikat!

1.Bakit mahalaga ang mga taong nagtatrabaho sa mga institusyon? 2.Paano natin maipakikita ang pasasalamat sa kanila?

Papunan sa mga mag-aaral ang mga pahayag upang mabuo ang katuturan nito: 1. Matapos ang talakayan, aking natutuhan ang mga sumusunod   2. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga dahil

Sagutan ang Activity Sheets.

Day 3

Paglalaro ng Institution Movement Matching Game

Pangkatang Gawain: Hatiin ang klase sa dalawang grupo.

Pagsasagawa ng Laro: 1.Bawat grupo ay may tagahanap na tatakbo patungo sa hanay ng mga larawan ng mga institusyon. 2.Kapag nakarating sa dulo, pipili siya ng isang institusyon at babalik sa kanilang grupo. 3.Isa pang kasapi ang tatakbo upang kunin ang tamang larawan ng taong nagtatrabaho sa nasabing institusyon. 4.Kapag nahanap na ang tamang pares, isisigaw ng grupo ang pangalan ng institusyon bilang hudyat na natugma na nila ito. 5.Para sa karagdagang hamon: bawat kasapi ng grupo ay kailangang gayahin ang kilos ng taong nagtatrabaho sa institusyon bago sumunod ang susunod na tagahanap. (halimbawa: ang nakapili ng doktor ay aaktong nagsusuri ng pasyente) 5.Ang grupong may pinakamaraming tugma sa pinakamaikling oras ang siyang panalo.

1.Ano ang napansin ninyo sa mga larawang ito? 2.Ano ang tungkulin ng mga taong nagtatrabaho sa institusyong ito? 3.Bakit mahalaga ang bawat institusyon sa ating komunidad?

1.Ano ang nakikita ninyo sa larawan? 2.Bakit mahalaga ang mga ito sa ating komunidad? 3.Ano kaya ang maaaring mangyari kung wala ang mga ito sa kinabibilangang komunidad?

Isulat ang gampanin sa bawat institusyon.

Gampanin

Gampanin

Paggawa ng Simpleng Mapa Mananatili ang mga mag- aaral sa kani-kanilang mga grupo. Ang bawat grupo ay gagawa ng payak na mapa ng kanilang komunidad gamit ang Manila paper o kartolina. Maglagay ng malalaking parisukat o hugis upang kumatawan sa bawat lugar sa mapa.

Papunan sa mga mag-aaral ang exit slip at ipasa bago lumabas sa silid-aralan.

1. 2. 3. Pangalan: Mga Mahahalagang Salita sa Aralin Mga Katanungang Mayroon Ako Mga Natutuhan Ko

Sagutan ang Activity Sheets.

Day 4

Maghanda ng bola na gagamitin sa pagsisimula ng klase.   Sa saliw ng isang awitin, ipasa-pasa ng mga mag-aaral ang bola at kung sinoman ang may hawak ng bola nang huminto ang awit, siya ang sasagot sa tanong. Ang mga tanong ay tungkol sa mga gampanin ng mga taong naglilingkod sa mga institusyon sa kinabibilangang komunidad?

Ano ang gampanin o gawain ng: guro

Ano ang gampanin o gawain ng: pari

Ano ang gampanin o gawain ng: doktor

Ano ang gampanin o gawain ng: tindera

Ano ang gampanin o gawain ng: kapitan

1.Kung makakakita kayo ng mga basura sa daan o paaralan, ano ang iyong mararamdaman? 2.Sa palagay mo, bakit kaya ito nangyayari? 3.Bilang isang mag- aaral, may magagawa ka ba para masolusyonan ito? Ano-ano ang mga ito?

Pangkatang Gawain:   Mula sa mga napag- usapan ng bawat grupo, papunan ang graphic organizer.

Institusyon sa Kinabibilangang Komunidad Mga Maling Gawain ng mga Tao sa Kinabibilangang Komunidad Paraan ng Pangangalaga sa mga Institusyon ng Kinabibilangang Komunidad

1.Saan kayo pumunta nang isinagawa ninyo ang environmental scanning ? 2.Nadaanan niyo ba lahat ng mga istruktura ng mga institusyon sa Lipunan ng kinabibilangang komunidad? 3.Naaalala niyo pa ba ang mga dinaanan ninyo?

Individual Art Activity G umawa ng simpleng mapa sa mga nadaanang nila nang isinagawa ng scanning sa kanilang paligid.

Halimbawa:

“Aking Gawa, Aking Tungkulin" (Task-Based Commitment) 1.Pagtalakay sa Paksa 2.Paggawa ng "Commitment Task List" 3.Pagmomonitor ng Kanilang Gawain 4.Pagpapakita ng Resulta

Sagutan ang Activity Sheets.

Thank You
Tags