Fil: Ugnayang Wika at Kultura MAGANDANG ARAW KLASE!
Wika at Katawan
HULAAN mo DAMDAMIN KO!
IPALIWANAG! “Ang katawan ay may sariling wika , higit itong mataas kaysa sa salita ”
WIKA AT KATAWAN- Ito ay tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng lengguwahe at pisikal na katawan ng tao .
Ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang aspeto ng komunikasyon , mula sa kung paano ginagamit ang katawan upang magpahayag ng mga mensahe hanggang sa kung paano nakaaapekto ang utak sa pagproseso ng katawan .
WIKA AT KATAWAN ( Body Language) Ito ay isang anyo ng di- berbal na komunikasyon kung saan ginagamit ang mga kilos, ekspresyon ng mukha , tindig , at iba pang pisikal na signal upang magpahayag ng damdamin , intensyon , o kahulugan .
Di- berbal na Komunikasyon - Ito ay paraan ng pagpapahayag ng mensahe na hindi gumagamit ng salita . Kabilang dito ang mga senyas , ekspresyon ng mukha , at galaw ng katawan .
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON Ito ay pagpapalitan ng mensahe na ang daluyan ay hindi lamang sa pasalita o sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na inaangkop sa mensahe .
IBA'T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON KINESIKA (kinesics) PROKSEMIKA (proxemics) PANDAMA o PAGHAWAK (haptics) PARALANGUAGE KATAHIMIKAN O KAWALANG-KIBO
KINESIKA (Kenisics) Tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan, kabilang na ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay at tindig ng katawan.
OCULESICS Isa itong uri ng komunikasyon na tumutukoy sa paggamit o paggalaw ng mga mata.
PROKSEMIKA (proxemics) tumutukoy sa distansya sa pakikipag-usap . Ang distansya sa pagitan ng nag- uusap ay nagbabago depende sa natamo nitong ugnayan sa kausap .
PANDAMA o PAGHAWAK (haptics) PARALANGUAGE tinuturing na pinakaunang anyo ng komunikasyon . tumutukoy sa paghawak o pandama na paghahatid ng mensahe . Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan . tumutukoy sa tono ng tinig , kalidad at bilis ng pagsasalita . Maaaring magbago ang mensahe o nais sabihin sa kung paanong paraan nagsalita ang tao .
KATAHIMIKAN O KAWALANG-KIBO lubhang makahulugan ito kahit karaniwan itong ginagawa upang makapag-isip o mapaghandaan ang sasabihin. Ngunit maaari din itong magparating ng sama ng loob o tampo.
Ito ay pag-aaral na tumutukoy sa oras. Ang oras ay maaaring pormal gaya ng nakasaad sa relo o impormal na karaniwang nakadikit na sa ating kultura. CHRONEMICS Ito ay pag-aaral na tumutukoy sa simbolo o icons na nagbibigay ng malinaw na mensahe. ICONICS
COLORICS (kulay) OBJECTICS ang mga kulay ay maaari ring magbigay ng mensahe at kahulugan tulad na lang kadalasan ng kulay PUTI bilang simbolo ng kalinisan. tumutukoy sa paggamit ng mga kagamitan o bagay para magbigay ng mensahe
VOCALICS Tumutukoy ito sa mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita, katulad ng pagsutsot at buntonghininga
Pormatibong pagsusulit Panuto : Ipaliwanag sa loob ng 10 pangungusap ! 1. Ang katawan ay kasangkapan sa pagbibigay -kahulugan sa wika . Ang kombinasyon ng salita at kilos ay nagpapalakas ng komunikasyon .
Pormatibong pagsusulit Panuto : Ipaliwanag sa loob ng 10 pangungusap ! 2. Ang epektibong komunikasyon ay nangangailangan ng pagtutugma ng salita at kilos para maiwasan ang miskomunikasyon .