Yunit II ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
EllenGraceTabilla
6 views
49 slides
Sep 09, 2025
Slide 1 of 49
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
About This Presentation
ESP
Size: 1.38 MB
Language: none
Added: Sep 09, 2025
Slides: 49 pages
Slide Content
ESP Name of Teacher
Panimulang Panalangin Sa gitna ng Pandemya
Mahal naming Panginoon , Salamat po sa panibagong araw na ito .
Salamat po sa pagkakataong kami ay matuto sa sa kabila ng kinakaharap namin na pandemya .
Salamat po sa pag-gabay sa amin at sa aming mga mahal sa buhay .
Patuloy po ninyo kaming ingatan ganun din ang aming pamilya .
Iligtas po ninyo sa kapahamakan ang aming mga kamag-aral at guro .
Gabayan po ninyo ang aming mga isipan upang maunawaan ng lubos ang aming mga aralin .
Dalangin po namin na malampasan ang mga pagsubok na ito . AMEN.
YUNIT II ARALIN 2 PUNA AT MUNGKAHI MO, TANGGAP KO Layunin Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban
Walang perpektong tao sa mundong ito . Lahat tayo ay may kahinaan at kakayahan , subalit magkakaiba ang pagtanggap ng tao sa kanilang mga kahinaan . Paano ba ang tamang pagtanggap ng kahinaan lalo na kung maraming natatanggap na mungkahi at puna sa iyong kakayahan at kasanayan ?
Day 1 Alamin Natin
Basahin at Gawin Punaypay ( Puna at Pamaypay )
Kumuha ng isang buong papel at itupi ito nang sampu na parang pamaypay . Isulat ang iyong pangalan sa unang tupi . Kapag narinig ang musika , ipapasa ang iyong papel .
3. Kapag huminto ang musika , susulatan mo ang isang tupi ng papel na hawak mo ng isang salitang naglalarawan sa may- ari ng papel . Maaari mong ilarawan ang pisikal na anyo at ang ugali ng may- ari ng papel . Siguraduhin mo lamang na tama ang paglalarawan mo sa kaniya . Huwag mong isusulat ang iyong pangalan .
Ipapasang muli ang papel kapag tumugtog ang musika at uulitin ang proseso nang siyam na beses hanggang sa masulatan ang bawat tiklop ng papel . Kapag natapos ang musika , kokolektahin ng guro ang mga papel upang ibigay sa may- ari nito .
Basahin ang isinulat ng iyong kaklase . Gamit ang iyong kuwaderno , gumuhit ng dalawang kahon at isulat kung paano ka inilarawan ng iyong mga kaklase . Magandang Puna Hindi magandang Puna 1. 2. 3. 4. 5. 1. 2. 3. 4. 5.
Saan mas maraming naisulat na puna ang iyong kaklase ? Sa iyong palagay , bakit mas marami ang nagbigay sa iyo ng ganitong puna ?
Ano ang naramdaman mo nang mabasa mo ang hindi magandang puna sa iyo ?
Day 2 Isagawa Natin
Isagawa Natin Gawain 1 Tumalon ka sa tuwa nang sabihin sa iyong nakapasa ka sa audition ng “ Birit Bulilit .” Puspusan kang nag- ensayo upang makuha mo ang magandang puna ng mga hurado at magtaas ng pulang panyo tanda ng paghanga .
Isagawa Natin Gawain 1 Dumating ang oras ng iyong pagtatanghal sa nasabing paligsahan . Bumirit ka ng buong husay subalit natapos ang iyong awit na walang hurado ang nagtaas ng pulang panyo . Sa halip na pula ay asul ang kanilang itinaas tanda ng iyong pagkabigo .
Isagawa Natin Gawain 1 Sabi ng unang hurado na si Piolo Valdez, kulang ka raw sa sigla . Ang puna naman ng ikalawang hurado na si Carmi Salcedo, may mga nota na hindi mo naabot . Sinabi ng ikatlong huradong si Kath Padilla, kulang ka raw sa pagbibigay ng damdamin sa awit .
Ano ang iyong reaksiyon nang marinig mo ang puna ng mga hurado ? Paano mo tinanggap ang mga puna ? Bakit kaya sa palagay mo ay negatibo ang natanggap mong mga puna ? Sa iyong palagay , ano ang iyong naging pagkukulang ?
4. Ano naman ang iyong gagawin upang sa susunod na paligsahan ay positibong puna ang iyong matanggap ? 5. Isa- isahin ang iyong maaaring kakulangan na naging sanhi para hindi ka manalo sa paligsahan . Ilagay ito sa graphic organizer at ilagay mo rin ang mga dapat gawin upang makatanggap ng positibong puna .
Ang aking kakulangan : 1. 2. 3. Mga dapat kong gawin upang mas mapabuti ang aking kakayahan : 1. 2. 3.
Gawain 2 May inilunsad na patimpalak ang Supreme Pupil Government o SPG sa inyong paaralan . Ito ay tinawag nilang “ Pagpapahalaga sa Class Home Ko .” Bubuo kayo ng apat na pangkat upang makagawa ng plano kung paano ninyo mapagaganda ang inyong silid-aralan para manalo sa paligsahan . Layunin ng paligsahan na maging sentro ng bawat silid-aralan ang Pagpapahalaga o Values.
Gawain 2 Ang inyong plano ay maaaring iguhit sa kartolina . Bibigyan kayo ng limang araw upang mapag-usapang mabuti at mapaganda ang inyong plano . Bawat pangkat ay bibigyan ng pagkakataon upang maipaliwanag sa hurado ang nilalaman ng plano . Ang hurado ay binubuo ng SPG, mga Guidance Counselor, at kinatawan ng samahan ng mga magulang . Bibigyan ng puna ang inyong nagawang plano batay sa pamantayang ibibigay ng guro . Isulat ninyo ang lahat ng magiging puna at mungkahi na ibibigay ng bawat hurado .
Gawain 2 Ano ang inyong gagawin kung hindi mapili ang inyong ginawang plano para sa inyong silid-aralan ? Paano ninyo tatanggapin ang puna ng mga hurado ?
Day 3 Isapuso Natin
Gawain 2 Magpasiya ka ! Suriin ang mga sitwasyon . Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad . Gayon pa man, madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo . Ano ang iyong gagawin ?
Gawain 2 May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya . Nalaman mong pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila ?
Gawain 2 Napaunlad mo ang iyong angking kakayahan sa pagguhit . Marami ang humahanga sa iyo sapagkat madalas kang manalo sa mga paligsahan . Ano ang iyong sinasabi sa mga nagbibigay sa iyo ng mga papuri ?
Gawain 2 Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito . Sinigawan ka ng inyong kapitbahay . Hindi raw maganda ang boses mo. Mapipikon ka ba ?
Gawain 2 Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo ?
Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos, ugali , at pisikal na anyo ng kaniyang kapuwa . May mga pagkakataong hindi natin namamalayan na nakasasakit na tayo ng damdamin ng ating kapuwa dahil sa mga ibinibigay nating puna at pintas . Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa ating kalooban ? May mga paraan na makatutulong sa isang batang tulad mo upang higit na mapaunlad ang sarili sa kabila ng maraming puna na iyong natatanggap . Tandaan Natin
Tandaan Natin Ang isang tao ay maaaring matuto mula sa kaniyang kapuwa . Samakatuwid , maaari mong ituring na bagong impormasyon ang natanggap mong puna at magagamit mo ito upang higit na mapagbuti ang iyong mga gawain at kilos. Ang sumusunod na pamaraan ay makatutulong sa iyo upang higit na mapamahalaan mo ang iyong sarili at makamit ang layunin sa buhay : Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo , subalit timbangin mo kung ano ang magiging bunga kung ito ay iyong susundin o hindi .
Tandaan Natin Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na nangyayari sa iyo at sa iyong paligid . Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at dito ituon ang iyong pansin. Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya, mga kaibigan at higit sa lahat magkaroon ng matibay na paniniwala sa Diyos. Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa sa pagbibigay ng puna at papuri.
Tandaan Natin Sumali sa mga gawaing pampaaralan ( extra-curricular activities) upang magkaroon ng maraming kaibigan at makakuha ng bagong impormasyon . Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong sa pagkilala natin sa ating sarili at upang magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa iyong mga ginagawa .
Tandaan Natin Ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong upang matanggap ang mga ito nang maluwag sa kalooban at hindi maging sanhi ng kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan . Sa iyong paglaki ay marami kang maririnig na mga puna at papuri sa iyong ginagawa . Ang mahinahong pagtanggap sa mga ito ay makatutulong upang higit na maunawaan ang damdamin ng kapuwa at higit na mapaunlad ang sarili .
Day 4 Isabuhay Natin
Bumuo ng apat na pangkat . Gamitin ang inyong pagkamalikhain upang makapagsadula ng isang bahagi ng buhay ni Manuel L. Quezon, ang ama ng Wikang Filipino. Bibigyan ang bawat pangkat ng pagkakataong makapagbigay ng puna o papuri sa presentasyon . Sundin ang gabay sa ibaba sa pagbibigay ng puna at papuri .
A . Pagbibigay ng puna Isulat ang inyong mga puna sa ikalawa at ikatlong hanay . Gawin ito sa kuwaderno . Pangkat na nagtatanghal Negatibong Puna Positibong Puna 1. 2. 3.
B . Pagtanggap ng puna Ayon sa natanggap na puna ng inyong pangkat , paano ninyo tatangapin ang mga ito ? Gawin ito sa kuwaderno . Natanggap na Puna Paraan ng Pagtanggap sa mga Puna
Day 5 Subukin Natin
Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa palagay mo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna . Iguhit ang malungkot na mukha kung hindi ka sang- ayon sa mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna . Gawin ito sa iyong kuwaderno . ___ 1. Salamat sa pagpuna mo,susundin ko ang iyong payo . ___2. Wala kang pakialam . ___3. Kunwari lang naman yan na tutulong para mapaganda ang proyekto ko,alam ko naiinggit lang yan . ___4. Mabuti at napansin mong malaki sa ang damit ko . ___5. Ayos lang sa akin ang puna mo , mabuti nga at mababago ko .
___ 6. Alam kong para sa kabutihan ko ang puna mo. ____7. Magaling ako kaya di ko kailangan ang puna mo. ____8. Basta ito ang gusto ko , kaya hindi ko pwedeng baguhin . ____9. Mabuti na lang napuna mo ang mali bago ko naipasa . ____10.Matagal ko na itong alam kaya hindi ko na papansinin ang sinsabi mo.
Mas marami ang naiguhit kong masayang mukha dahil _______. Iginuhit ko ang malungkot na mukha dahil __________.
Binabati kita ! Ngayon ay may positibo ka nang pagtanggap sa mga punang ibinibigay sa iyo ng iyong kapuwa !