ShieghjazzejhaneFalc
0 views
138 slides
Oct 23, 2025
Slide 1 of 138
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
About This Presentation
About FiLi
Size: 716.08 KB
Language: none
Added: Oct 23, 2025
Slides: 138 pages
Slide Content
YUNIT II: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON
PANALANGIN
BALIK-ARAL
HANDA KA NA BANG MAKINIG?
Magbigay ng halimbawa ng isang paskil ng disimpormasyon sa social media. Tukuyin ang mali o binaluktok na impormasyon batay sa iba’t ibang mapagkakatiwalaang sanggunian .
Gabay na tanong : Ano ang unang hakbang na ginagawa mo sa paghahanap ng impormasyon ? Paano mo nasabi na katanggap-tanggap ang impormasyon na iyong nahanap ?
ANG PANANALIKSIK AT ANG KOMUNIKASYON SA ATING BUHAY
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Sa anumang sitwasyong pangkomunikasyon , ginagamit sa pakikipag-ugnayan , pakikisalamuha , at pakikipagtalastasan sa kapuwa ang mga kaalamang natutuhan natin mula sa pag-oobserba at pagsusuri ng lipunan .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Ang pangunahing salik ng kaalaman , na ibinabahagi din natin sa kapuwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao , sa ating kapaligiran , at sa midya .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Sa kasalukuyang panahon , kung kailan laganap ang kultura ng pangmadlang midya at virtual na komunikasyon , mas Madali nang magpakalat ng tinatawag na disinformation na mas kilala ng masa ngayon sa bansag na fake news .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Mahalagang magkaroon ng mapanuring mata , taynga at isipan para makilatis ang mga impormasyong nasasagap nang harapan at mula sa midya gaya ng palasak na information and communication technology (ICT).
Maxwell McCombs at Donald Shaw Ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag-uusapan ng publiko .
George Gerbner Ang midya , lalo na ang telebisyon , ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na ang mundo’y magulo at nakakatakot .
Marshall McLuhan “Ang Midyum ay ang mensahe ”
Stuart Hall Ang midya ang nagpapanatili sa ideyolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag-usap .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Mahalaga ang pagtatasa , pagtitimbang at pagtatahi ng mga impormasyon na galing sa iba’t ibang tao bilang batis ng impormasyon – mula sa mga taong nakadaranas hanggang sa mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penomenong pinag-uusapan .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Ang maling pamamaraan ng pangangalap ng datos ay humahantong sa di- angkop na datos . Ang maling pamamaraan ng pagsusuri ay nagreresulta sa kaalamang hindi maaasahan at kahina-hinala ang katumpakan .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Sa paggamit ng Wikang Filipino at katutubong pamamaraan , mas magiging maigting at malaman ang komunikasyon sa pagkat nagkakaintindihan ang mga kalahok at mas nakakaugnay sila sa paksa dahil ang ating wika ay “ hindi lamang daluyan kundi tagapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura .”
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Mahalaga rin ito sa pagbuo ng anumang kaalaman na ibabahagi sa harapang pakikipag-ugnayan : Umpukan ng magkakamag-anak Talakayan sa silid-aralan Pulong -bayan sa isang komunidad Lektyur sa isang seminar
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Mahalaga rin ito sa pagbuo ng anumang kaalaman na ibabahagi sa mediadong komunikasyon : Video Paskil sa social media Poster
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Sa panahon ng “post-truth”, idineklara ng Diksyonaryong Oxford na salita ng taon noong 2016, kailangang mas maging responsible sa paggawa ng pahayag , maging harapan man o ginamitan ng midya .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Kailangang maikintal sa mga isipan na ang pananaliksik ay hindi dapat itinutumbas lamang sa tesis , disertasyon , papel pantermino , o artikulo sa journal. Ito ay isang batayang Gawain hindi lamang sa loob ng akademya at laboratoryo kundi pati sa pang- araw - araw na pamumuhay .
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa ating buhay Ayon kay Almario (2016), dapat bata pa lamang ay pagyamin na ng paaralan ang karanasan , interes , at kakayahan ng mga Pilipino sa pananaliksik .
Mga Panimulang Konsiderasyon : Paglilinas sa Paksa , mga Layon , at Sitwasyong Pangkomunikasyon Kailangang malinaw ang tukoy na paksa at layon ng pananaliksik . Dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang bubuuing kaalaman . Kailangang ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon .
MULAAN NG IMPORMASYON: MAPANURING PAGPILI MULA SA SAMO’T SARING BATIS Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan ( halimbawa : factsand figures at datos , obserbasyon , berbal at Biswal na teksto , artifact fossil) na kinakailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu o panlipunang realidad .
Dalawang Batis ng Impormasyon Primaryang Batis Sekundaryang Batis
1. PRIMARYANG BATIS Mula sa orihinal na pahayag , obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibwal , grupo o institusyon na nakaranas , nakaobserba , o nakapagsiyasat ng isnag paksa o penomeno .
Halimbawa ng Primaryang Batis: ( Harapang Ugnayan ) Pagtatanong-tanong Pakikipagkuwentuhan Panayam o interbyu Pormal , inpormal , estrukturado , o semi- estrukturadong talakayan Umpukan Pagbabahay-bahay
Halimbawa ng Primaryang Batis: ( Materyal na naka-imprenta ) Awtobiyograpiya Talaarawan Sulat sa koreo at email Tesis at disertasyon Sarbey Artikulo sa journal Balita sa diyaryo , radio at telebisyon Mga record sa tanggapan ng gobyerno
Halimbawa ng Primaryang Batis: (Iba pang batis ) Harapan o online na sarbey Artifact Nakarekord na audio at bidyo Mga blog sa internet Website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet Mga likhang sining tulad ng pelikula , musika , painting at music video.
2. Sekundaryang Batis Mula naman sa pahayag ng interpretasyon , opinion at kritisismo mula sa mga indibidwal , grupo , o institusyon na hindi direktang nakaranas , nakaobserba , o nagsaliksik sa isang paksa .
Ayon kay Hinampas 2016, na kasama rito ang mga “account o interpretasyon ” sa mga pangyayari mula sa taong hindi dumanas nito o “ pagtalakay sa gawa ng iba ”
Halimbawa ng Sekundaryang Batis Ilang artikulo sa diyaryo at magasin gaya ng editorial, kuro-kurong tudling , tsismis o tsika Encyclopedia Teksbuk Manwal o gabay na aklat Sanaysay Komentaryo Kagamitang Panturo gaya ng PPT Sabi- sabi
Alinman sa mga sekundaryang batis ay maaaring maging primarying batis kung ito ay mismong paksa ng pananaliksik . Sa dalawang uri ng batis , binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang primarya kaysa sa sekundaryang batis .
Maaaring pumili ang mananaliksik ng mahigit sa isang batis ng impormasyon para maging hitik sa datos ang binubuo niyang kaalaman , makumpara at mapatotoo niya ang mga katunayan sa bawat batis at magalugad niya ang iba’t ibang sulok at anggulo ng paksang sinusuri .
Sa pagsangguni sa isang epesipikong primarying batis , maging pamilyar sa paalala ng mga bihasang mananaliksik na gumagamit nito . Halimbawa , dapat isaalang-alang ng mananaliksik ang kredibilidad ng journal na pinanggagalingan ng artikulong gagamitin sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman .
Predatory Journal – Iwasan , hindi kinikilala sa akademya bilang kapani-paniwala at katiwa-tiwalang sanggunian . Isa pang halimbawa , dapat busisiin ang kredensiyal ng may- akda , lalo na kung mula sa kahina-hinalang website o blog sa Internet na naglalabas ng mga propaganda at nagbubuhat ng bangko para sa isang tao o grupo .
Sa kaso naman ng mga pahayagan , ang mga balita at lathalain ay magtatawag na primarying batis kung ito ay ulat hinggil sa mga tao , bagay, lugar o pangayyari na naranasan , naobserbahan o nasaliksik ng manunulat . Sa mga kolum ng opinion at sulat sa patnugot ay itinuturing na sekundaryang batis , maliban kung inilalahad dito ang sariling karanasan o obserbasyon ng manunulat .
Kapuwa-tao Bilang Batis ng Impormasyon Sa pagpili ng mga kapuwa-tao bilang batis ng impormasyon , kailangang timbangin ang kalakasan , kahinaan , at kaangkupan ng harapan at mediadong pakikipag-ugnayan . Ang kapuwa-tao ay karaniwang itinuturing na primarying batis , maliban kung nasagano sa iba ang nakuhang impormasyon .
Harapang Ugnayan sa Kapuwa-tao Sinasasadya , tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang mga indibidwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik , ang mga apektado nito , nakaobserba rito , dalubhasa rito o kaugnay nito sa iba’t ibang dahilan .
Kalakasan ng harapang uganayan : Maaaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid Magkapagbigay ng angkop na kasunod na tanong (follow up question) sa kaniya Malinaw niya agad ang sagot Maoobserbahan ang kanyang berbal at di- berbal na ekspresyon
Mediadong Ugnayan Maaari tayo makakalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao sa pamamagitan ng ICT ( halimbawa : telepono , email, pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may limitasyon sa panahon at distansiya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy na mga indibidwal .
Bentahe sa Mediadong Ugnayan Pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa malalayong lugar sa anumang oras at pagkakataon kung kailan nila maisisingit ang pagreresponde Ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal ng mananaliksik ang mga tagapagbatid Ang mga madaling pag-oorganisa ng datos lalo na kung may elektronikong Sistema na ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap ng datos (Mga online survey tools, computer assisted qualitative data analysis)
Bukod sa layon ng pananaliskik , dapat ding isaalang-alang ang uri ng sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ipapahayag ang binubuong kaalaman Man-on-the-street – isang panayam na madalian at pasumalang interbyu sa sinomang indibidwal na pumayag na magbigay ng opinion.
Midya Bilang Batis ng Impormasyon Dapat unahin sa prayoritasyon ang mga primarying batis , ang angkop na uri ng midya , at kredibilidad ng tukoy na midya . Halimbawa – tungkol sa Katutubong pangkat
Paglubog sa mga Impormasyon : Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa
Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng impormasyon , kailangang paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan .
Kwantitatibong Disenyo Pamamaraang sarbey na ginagamitan ng talatanungan at eksperimento na may pretest at posttest.
Kuwalitatibong Disenyo Panayam at pangkatang talakayan
Tambalan ng Pangangalap at Pagbabasa ng Impormasyon Maraming disenyo ng pagsasaliksik kung saan kailangan munang malikom ang datos bago ang pagbabasa at pagsusuri nito . Mayroon din naming disenyo na pinagtatambak ang dalawang magkahiwalay na Gawain.
Tambalan ng Pangangalap at Pagbabasa ng Impormasyon Halimbawa – Mga Publikasyon , tesis , disertasyon , aklat at ukat – kailangan muna ng panimulang pagbasa habang nangangalap ng impormasyon
Tambalan ng Pangangalap at Pagbabasa ng Impormasyon Halimbawa – Journal, Diyaryo at Aklat – maaaring tingnan muna ang abstrak (journal), pamatnubay ( diyayro ) at buod ( aklat o ulat ).
Tambalan ng Pangangalap at Pagbabasa ng Impormasyon Ang panimulang pagbabasa ay praktikal kung kailangan pang piliin ang mga tukoy na tomo , bilang , o edisyon ng publikasyong isasama sa mga batis ng impormasyon
Tambalan ng Pangangalap at Pagbabasa ng Impormasyon Sa pangangalap ng impormasyon , may pagkakaiba sa proseso kung tao ang napiling panggalingan ng dato at kung midya ang napiling batis ng katunayan .
Tambalan ng Pangangalap at Pagbabasa ng Impormasyon Kapuwa-tao – natukoy na batis , timbangin kung mas praktikal at angkop ang harap o mediadong pakikipag-ugnayan . Midya – alamin muna kung saan , kailan at paano ito maaakses .
Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao Ang ating mga kapuwa-tao ay mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang maaaring masabi batay sa kanilang karanasan ; maaari nilang linawin agad at dagdagan pa ang kanilang mga sinasabi sa mananaliksik ; at may kapasidad din silang mag- imbak at magproseso ng impormasyon .
Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao Ang pagdedesisyon kung harapan o mediado ba na interaksyon ay nakasalalay sa pagiging angkop at katanggap-tanggap ng harapan o mediadong ugnayan sa mga tagapagbatid ; espesipikong metodo ng pangangalap ng datos ; at limitasyon ng mananaliksik at tagapagbatid .
Eksperimento Sa konteksto ng agham panlipunan , ang eksperimento ay isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent variable, na nagsisilbing interbensiyon sa dependent variable na tinatalaban ng interbensiyon .
Eksperimento Sa konteksto ng agham panlipunan , ang eksperimento ay isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent variable, na nagsisilbing interbensiyon sa dependent variable na tinatalaban ng interbensiyon .
Survey o Sarbey Ginagamit sa mga deskriptibo at kwantitatibong pag-aaral ng malalaking populasyon para sukatin ang kaalaman , persepsiyon , disposisyon , nararamdaman , kilos, Gawain at katangian ng mga tao . Gumagamit ng talatanungan at maaaring isagawa ng harapan o online.
Interbyu Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon .
Tatlong Uri ng Panayam o Interbyu Estrukturadong Interbyu – may handang gabay na tanong Semi- Estrukturadong Interbyu – May gabay na tanong subalit puwedeng baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu . - follow up na tanong 3. Di- Estrukturadong Interbyu – Walang handa na gabay na tanong - Natural na daloy ng usapan - Layon at Paksa
Focus Group Discussion Isang semi- estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagdaloy , na kadalasa’y ginagampanan ng mananaliksik at anim hanggang sampung kalahok . Gamit ang gabay na mga tanong ang tagapagdaloy ay nagbabato ng mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok .
Bentahe ng FGD Naitatama o nabeberipika ng mga kalahok ang impormasyong ibinabahagi May naiisip , nababanggit at napagtatanto ang mga kahalok kapag sila’y magkakasamang nag- uusap ( na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu ) Maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag-usapan sa isang pagtitipon
Kahinaan ng FDG May dominante sa grupo May agam-agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinigay ng iba May lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok May ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali , mapuna o matsismis .
Pakikisangkot habang Pakapa -kapa Ang pakikisangkot sa buhay ng mga tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang mga komunidad sa loob ng maraming araw sa tatlong buwan .
Pakikisangkot habang Pakapa -kapa Bilang dulog , ang pakapa -kapa ay isang eksplorasyon hinggil sa isang paksa sa konteksto ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos
Pagtatanong-tanong Marami ang mga mananaliksik ang gumamit ng pagtatanong-tanong sa pagkalap ng katunayan at datos .
Mainam ang pagtatanong batay sa mga sumusunod na pagkakataon : Kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapagbatid . Kung hindi tuwirang matatanong ang mga taong may direktang karanasan sa paksang sinisiyasat . Kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa Kung nais maberipika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid .
Pakikipagkuwentuhan Ito ay isang di- estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik at mga tagapaghatid hinggil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang mananaliksik ay walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi niya pinipilit igaya ang daloy sa isang direksiyon .
Pagdalaw-dalaw Ang pagdalaw-dalaw ay ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay magkakilala ; matapos magkakilala at makuha ang loob ng isa’t isa mas maluwag na sa kabooban ng tagapagbatid na ilabas sa usapan ang mga nais niyang sabihin na walang pagpipigil tungkol sa paksa .
Pakikipanuluyan Ang mananaliksik ay nakikisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ian sa kanilang mga aktibidad kagaya ng pagkukwentuhan sa umpukan , pangangapitbahay at pagdalo sa iba’t ibang pagtitipon , pagmamasid sa mga nagaganap sa kapaligiran at pagtatanong-tanong hinggil sa paksang sinasaliksik .
Pakikipanuluyan Masasabing ang pakikipanuluyan ay pangmatagal at masaklaw na pamamaraan dahil ginagawa ito sa loob ng maraming araw at kaakibat ng iba pang mga espesipikong pamamaraan ng pagkuha ng datos . Isa sa pinakamabisang pamamaraan upang mapaunlad ang pakikipagkapuwa ng isang tao .
Pagbabahay-bahay Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasagawa ng survey , pero itinuturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang makakuha ng hitik , kompleks at malalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid .
Pagmamasid Ang pagmamasid ay maaaring magamit hindi lamang sa paglikom ng datos mula sa kapuwa-tao kundi pati na rin sa mga bagay, lugar , pangyayari .
Pagmamasid Kung kaakibat ng pakikiramdam , ang pagmamasid ay maaaring gamitin para matantiya ng mananaliksik kung maaari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod na hakbangin ng pananaliksik .
Instrumento sa Pagkalap ng Datos mula sa Kapuwa-tao Sa parehong harapan at mediado na pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa-tao , dapat ihanda ng mananaliksik ang angkop na instrument.
Mga instrumento na karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod : Talatanungan at gabay na katanungan Gumagamit ng organisado at estrukturadong talatanungan kung ang gagawin ay survey hinggil sa katangaing socio-demographic, kaalaman , persepsiyon , aktitud at iba pang variable. Maghanda naman ng gabay na tanong kung interbyu at talakayan ang pamamaraan .
Mga instrumento na karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod : Pagsusulit o Eksaminasyon Ang mga ito ay nararapat buuin sa tulong ng mga eksperto sa paksang sinasaliskik Kwantitatibong pananaliiksik gumagamit ng ganitong instrument upang sukatin ang kaalaman , kakayahan at iba pa.
Mga instrumento na karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod : Talaan sa Fieldwork Ang talaan ay hindi lamang nagsisilbing listahan ng mga tao , bagay, lugar at pangyayari na may kaugnayan sa pananaliksik kundi naglalaman din ng iniisip , agam-agam , repleksiyon at napagtanto ng mananaliksik hanag nangangalap ng datos sa isang lugar .
Mga instrumento na karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod : Talaan sa Fieldwork Dito isinusulat ang mga obserbasyong hindi nakuha o nasagap sa elektronikong rekorder at kung nairekord man ang isang interaksyon saa pagitan ng mananaliksik at tagapagbatid .
Mga instrumento na karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod : Rekorder Maaaring irekord sa audio o video ang nagaganap na usapan ng mananaliskik at tagapagbatid kung ito ay may pahintulot sa huli .
Mga instrumento na karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod : Rekorder Sa paggamit ng rekorder , lalo na kung alam ito ng tagapagbatid ay maaaring makapagdulot sa kaniya ng agam-agam na magbahagi nang bukal sa loob .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Aklatan May mga katunayan at datos na hindi sa kapuwa-tao direkta at tahasang makukuha kundi mula sa mga midya at iba pang materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Aklatan Ang bawat aklatan ay puno ng mga midya tulad ng mga libro , journal, magasin , diyaryo , tesis at disertasyon , encylopedia , diksiyonaryo , globo at marami pang iba . May parehong papel elektronikong bersiyon ang mga ito .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Aklatan Ayon kay Almario (2016), dapat nang madebelop ang interes ng mga bata na dumalaw sa aklatan habang sila ay nasa elementary pa lamang .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Aklatan Iba’t ibang dibisyon o seksiyon kung paano nakaorganisa ang mga libro Mga hakbang sa panghihiram ng aklat Tamang paggamit ng mga Kard Katalog Mga Panuntunan sa pag-iingat at pagbabasa ng libro Proseso ng pananaliksik sa aklatan Sistematikong pagtitipon ng mga gagamiting aklat
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan : Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa isang pananaliksik . Gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung aklatan ng ibang paaralan , kolehiyo o unibersidad ang pupuntahan . Magtanong-tanong din hinggil sa mga protocol at patakaran na pinaiiral sa aklatang natukoy
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan : 3. Kung hindi man kailangan ng sulat kagaya sa ilang pampublikong aklata , alamin ang mga kahingian bago makapasok at makagamit ng pasilidad at mga resources ng aklatang bibisitahin . - identification card
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan : 4. Rebyuhin ang sistemang Dewey Decimal at sistemang Library of Congress dahil alinman sa dalawang ito ay madalas na batayan ng klasipikasyon ng mga aklat ng pangkalahatang karunungan .
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan :
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan :
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan : 5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapaphoto copy ng buong aklat , tesis , disertasyon , at ilan pang mga printed na material kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabasa kung marami ang Sangguniang bubulatlatin .
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan : 6. Gamitin ang Online Public Access Catalog (OPAC) para makahanap na ng mga sanggunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisyon ng aklatan .
Ilang paalala sa paghahanap ng datis ng impormasyon sa aklatan : 7. Huwag kalimutang halughugin ang pinagkukunan na online ng aklatan gaya ng subskripsiyon sa journals, e-books, e-databases at iba pang batis ng impormasyon sa internet.
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Sa kasalukuyang panahon ng Internet at digital na teknolohiya , maaakses ang maraming primarying batis ng impormasyon hindi lang sa kompyuter at desktop kundi pati sa mas maliliit na gadyet na gaya ng cellphone at tablet.
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Pangunahin sa mga batis na ito ang mga artikulo sa journal, balita sa online news site at account ng karansan sa blog .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal sa Pilipinas Philippine E-Journals Database ( https://ejournals.ph ) Journal na naglalathala sa Filipino Daloy – isang journal na pangwika at pampanitikan ng Departamento ng mga Wika ng Pilipinas sa Pamantasang De La Salle na taunang nililimbag .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal sa Pilipinas Philippine E-Journals Database ( https://ejournals.ph ) Journal na naglalathala sa Filipino Hasaan – isang interdisiplinaryong refereed journal sa Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas na taunang nililimbag .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal sa Pilipinas Philippine E-Journals Database ( https://ejournals.ph ) Journal na naglalathala sa Filipino Layag – opisyal na journal ng Departamento ng Sikolohiya ng Pamantasan ng De La Salle. Matutunghayan sa journal na ito ang mga artikulong nakasulat sa mga wikang Filipino at Ingles bilang pagtataguyod sa patakarang bilingguwal sa paggamit ng wika .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal sa Pilipinas Philippine E-Journals Database ( https://ejournals.ph ) Journal na naglalathala sa Filipino Malay – isang refereed journal na multidisiplinaryo sa Filipino, nililimbag dalawang beses sa loob ng isang taon sa ilalim ng pamamahala ng Kolehiyo ng Malalayang Sining para sa Pamantasang De La Salle.
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal sa Pilipinas Katipunan ( https://journals.ateneo.edu/ojs/Katipunan ) Katipunan: Journal ng mga Pag- aaral sa Wika , Panitikan , Sinong at Kulturang Pilipino Journal sa Filipino mula sa Ateneo De Manila University Ang Katipunan ang nagpapakilala sa intelektuwalisasyon ng Filipino, hindi lamang bilang wika , bagkus isang disiplina .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal sa Pilipinas Daluyan ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf ) Daluyan : Journal ng Wikang Filipino Isang refereed journal na naglalathala ng dalawang beses kada taon . Ito ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika , panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang Filipino.
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal sa Pilipinas Social Science Diliman ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman ) Humanities Diliman ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman )
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Journal ng Unibersidad University of the Philippines Los Banos ( https://journals.uplb.edu.ph ) Libreng online service na naglalaman ng mga journal sa U.P. Diliman Kabilang dito ang Daluyan at Ladga
Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Online na Materyal Online News Sites ABS-CBN ( https://news.abs-cbn.com ) GMA 7 ( https://www.gmanetwork.com/news ) PTV ( https://www.ptvnews.ph ) Manila Bulletin ( https://mb.com.ph ) Philippine Daily Inquirer ( https://www.inquirer.net/ )
Online na Batis ng Impormasyon kung Isyung Pambansa Website ng pamahalaan Philippine Information Agency ( https://pia.gov.ph ) Naghahatid ng balita ng mga ginagawa ng gobyerno
Online na Batis ng Impormasyon kung Isyung Pambansa Website ng pamahalaan Official Gazette ( https://www.officalgazette.gov.ph ) Naglalathala ng mga kopya ng mga batas, proklamasyon , memorandum order, administrative order at iba pa.
Online na Batis ng Impormasyon kung Isyung Pambansa Website ng mga Ahensiya ng Pamahalaan Kagawaran ng Agrikultura ( https://www.da.gov.ph ) Kagawaran ng Edukasyon ( https://www.deped.gov.ph )
Online na Batis ng Impormasyon kung Isyung Pambansa Puwede ring bulatlatin ang mga impormatibong blog na nagtatampok sa sariling karanasan at obserbasyon ng manunulat gaya ng mga blog tungkol sa pagkain , paglalakbay at pamamasyal , palakasan , musika , potograpiya at kalusugan .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya Maraming impormasyon ang maaaring makuha sa mga pangmadlang midya gaya ng radio, diyaryo , magasin , telebisyon , pelikula at Internet (particular na ang Youtube at iba pang website na naaakses ng publiko ).
Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya Para makakalap ng datos mula sa radio at telebisyon , aabang ang programa o palabas sa oras ng brodkast nito . Mas mabuting irekord ito para mabalik-balikan habang sinusuri .
Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya Kung pelikula ang batis ng impormasyon , mas mainam na bumili ng kopya nito o manghiram sa kakilala na may kopyang kinuha sa paraang naaayon sa batas.
Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya Ayon sa aklat ni Chomsky na Necessary Illusions, ang midya ay nagsisilbi sa kapangayarihan ng estado at Negosyo , at sumusuporta sa mga establisadong pribilehiyo ng iilan at naglilimita sa oagbabaliktakan at talakayan .
Pagbabasa ng Impormasyon Sa pagbabasa ng impormasyon mula sa mga pangmadlang midya kagya ng telebisyon , bidyo at pelikula mas mainam na isalin muna ang audio.
Pagbabasa ng Impormasyon Kung radio at iba pang material na audio ang batis ng impormasyon isinasalin din muna ang audio bago ito basahin at suriin .
Ilang Pangkalahatang Gabay sa Pagbabasa ng anumang teksto Basahin nang ilang beses at unawaing Mabuti ang teksto . Maging matalas ang isipan sa mga pahiwatig sa teksto . Bigyang-pansin ang mga punto de bista , lente, killing at argumento ng tekstong binabasa .
Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman
Ang pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos mangalap at magbasa ng mga katunayan at datos para sa binubuong pahayag ng kaalaman .
Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos , hinahanapan ng mananaliksik ng kaugnayan sa isa’t isa ang mga datos at bumubuo siya ng buod . Ang mga kaugnayan at buod na ito ay gagamitin niya sa pagtukoy sa mga pangunahing tema ng naprosesong impormasyon at sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman .
Pag- uugnay - ugnay ng Impormasyon Sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon mula sa iba’t ibang batis , kailangan ng mananaliksik ng malinaw , matalas , metikuloso at mapanuring isipan .
Pag- uugnay - ugnay ng Impormasyon Karaniwang saligan ng isang pananaliksik ang maraming batis ng impormasyon kung kaya’t nararapat lamang na nagtataglay ang mananaliksik ng kasanyan sa pag-uugnay-ugnay ng mga impormasyon na iba’t iba ang pinanggalingan ( magkakaibang mga tao , grupo at midya ); iba-iba ang anyo ng pagpapahayag ( magkakaibang istruktura , naratibo , estilo ); iba’t ibang perspektiba o teorya .
Pagbubuod ng Impormasyon Sa pagbubuod ng teksto , pinapalitaw ang mga pangunahing puntong makukuha sa mga pinag-ugnay-ugnay at tinahi-tahing impormasyon
Pagbubuod ng Impormasyon Makakatulong nang Malaki sa pagbubuod kung may abstrak at sumaryo ang binasang material, kagaya ng artikulo sa journal at piling ulat ng ilang ahensiya .
Pagbubuod ng Impormasyon Sa mga balita at lathalain sa mga pangmadlang midya gaya ng diyaryo at telebisyon , karaniwang nasa pinakauna ang pamatnubay na pinakabuod o pinakamahalagang mensahe .
Pagbubuod ng Impormasyon Sarbey , Panayam at Talakayan Mga walang abstrak , buod at pamatnubay na matatagpuan sa mga tekstong mula sa mga metodo ng pangangalap ng datos na isinagawa ng mananaliksik mismo .
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman Pagkatapos ng pagsusuri , ang susunod na hakbang ng mananaliksik ay ang pagbuo ng pahayag ng kaalaman batay sa mga pangunahing temang natukoy mula sa mga pinag-ugnay-ugnay at binuod na impormasyon na naggaling sa iba’t ibang batis .
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman TANDAAN na bagama’t nasa panghuling bahagi na ng pagsusuri , kailangan pa rin balik-balikan ng mananaliksik , hangga’t maaari , ang orihinal na katunayan at datosn sa tekstong sinuri para makasigurong ang binubuong bagong kaalamay ay nakaangkla sa datos at hindi nagmula sa imahinasyon .
Sintesis Kilala din sa tawag na buod ay ang pinakamahalagangkaisipan ng anumang teksto . Ito ay isang bersyon ng pinaikling teksto o babasahin . Ito ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyongnakuha mula sa tekstong binasa na nasa yamangpagkakasunud-sunod ng mga pangyayari .
Upang maging Kawili-wili ito ang dapat na isaalang-alang : 1. Iugnay natin ang paksang sinusiri sa ating karanasan , kapaligiran at Lipunan para sa mga pahayag natin ay maging makabuluhan at kapaki-pakinbang hindi lamang sa sarili kundi sa bayan at kababayan .
Upang maging Kawili-wili ito ang dapat na isaalang-alang : 2. Magandang gamitin natin ang bernakular at pambansang wika hindi lamang para sa madaling magkaintindihan , kundi para sa pagsasakonteksto ng pananaliksik sa lipunang Pilipino at para Mabasa’t mapakinabangan ng mga kapuwa Pilipino.
Upang maging Kawili-wili ito ang dapat na isaalang-alang : Ayon kay Constantino (1996), “ patuloy na pinarurupok o pinahihina ng ating pagtanggap at pagkaalipin sa wikang banyaga ang kalidad ng intelekwalisasyon dito sa bansa ”
Upang maging Kawili-wili ito ang dapat na isaalang-alang : 3. Ibahagi natin ang mga anbuo nating kalaman lalo na sa midya .
Tanong : 1. Sa iyong palagay , gaano kahalaga ang mga sanggunian sa paghahanap ng mga datos na kakailanganin sa isang pananaliksik .
Tanong : 2. Bakit kailangang isulat ang lahat ng impormasyong kinakailangan at sipiin ang mga ito sa oras na makita agad ?