Ang Misyon ng Pamilya sa Edukasyon, Paggabay, at Pananampalataya.pdf

macristinasosa02 7 views 12 slides Oct 31, 2025
Slide 1
Slide 1 of 12
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12

About This Presentation

Ang Misyon ng Pamilya sa Edukasyon, Paggabay, at Pananampalataya


Slide Content

Ang Misyon ng
Pamilya sa
Edukasyon,
Paggabay, at
Pananampalataya
GRADE 8

Bilang isang mapanagutang kasapi ng
iyong pamilya, mahalaga ng pagtibayin
ang inyong pagkakabuklod. Maaari
mong hikayatin ang iyong pamilya na
subukan ng ilan sa mga paraang
iminumungkahi ng Hope for the family
(2005):

1. Gawin ang mga gawaing
pampamilya ng sama-sama. Mag-
usap, maglaro,magdasal, at sama-
samang manood ng telebisyon at
pag-usapan ang mga
pagpapahalagang napulot sa
napanood.

2. Bigyang-halaga ang
hapunan bilang pagbibigay
panahon para sa pamilya. Kung
maaari walang manonood na
telebisyon, magbabasa o
makikipag-usap ng sa
telepono.

3. Sama-sama sa gawaing
bahay. Magtulungan sa gawaing
bahay gaya ng pagluluto,
paghuhugas ng pinggan
,paglinis ng bahay at bakuran,
pagliligpit ng pinagtulugan at
iba pang gawain.

4. Sama-samang maglaro. Magkaroon
ng panahon para sa pamamahinga sa
trabaho at maglaan ng oras sa pamilya.
Yayainin ang buong pamilya sa
paglalaro ng badminton, patintero, o ano
mang usong laro sa iyong pamayanan.

5. Magpakita o magparamdam ng pagtanggap sa isa't isa.
Ang masayang pagsasama-sama ay pagpaparamdam ng
pagtanggap sa bawat-isa.
6. Magplano ng espesyal na okasyon para sa pamilya.
Planuhin kung paano bibigyan ng sorpresa ang isang
kasapi sa kanyang kaarawan o sa anibersaryo ng
magulang.
7. Pagsamahin ang kabaitan at disiplina sa pakikitungo.
Maging magalang at masunurin sa mga magulang. Maging
mabait sa isa't isa ngunit dapat harapin ng tama ang mga
pagkakamali.

8. Isantabi ang kompetisyon. Ang masyadong
pagpapaligsahan ng mga magkakapatid ay
madalas na uuwi sa pagtatampuan. Alalahanin
ang mga talino at kakayahan ay biyaya mula sa
Diyos at hindi pare-pareho sa bawat isa.
9. Ilagay ang Diyos sa gitna ng pamilya Bigyan
ng priyoridad ang sama-samang pagdarasal at
pagsisimba. Magsimba ng regular. Gawing
makahulugan, kawili-wili at praktikal ang
pagdarasal ng pamilya sa bahay.

Gabay at Awtoridad ng Magulang:
Nagtuturo ng Paggalang at Pagkamapanagutan.
Ayon kay Otero (1985), ang awtoridad ng
magulang ay isang positibong impluwensya. Ito ay
nagpapanatili at nagpapaunlad ng pagsasarili at
pananagutan ng bawat bata. Ginagamit ito ng mga
magulang sa pagtupad sa kanilang tungkuling
pag-aaruga at paggabay sa mga anak.

Sa pamamagitan ng awtoridad at paggabay ng iyong
magulang, natututo ka nang unti-unti sa pagsasarili
tungon sa responsableng paggamit ng kalayaan.
Nahuhubog kang maging responsable at maging
malaya.
Naging mabisa ang iyong pagkatutong maging
masunurin dahil huwaran mo ang iyong mga magulang.
Ang positibong awtoridad ay hindi gumagamit ng
pananakot, pamamalo, o paninigaw.

Kaugnay rin sa awtoridad at pagsunod ang paggalang.
Madalas nating naririnig na ang barumbadong anak ay
hindi sumusunod sa kanyang mga magulang. At sinasabi
rin natin ano ang ganitong anak ay walang galang sa
magulang. Alalahanin natin ang ikaapat na utos ng Diyos:
Igalang mo ang iyong mga magulang.
Ang isa pang kaugnay na pagpapahalaga ay kababaang-
loob. Ang iyong pagsunod ay nagtuturo sa iyo ng
kababaang-loob. Kung handa kang paglingkuran ang
iyong mga magulang at kapatid, ikaw ang handang
magparaya.

Thank you!
“The love of a family is life’s
greatest blessing.”
Tags