Values education- Q2-KARAPATAN AT TUNGKULIN.pptx

SundieGraceBataan 9 views 37 slides Oct 31, 2025
Slide 1
Slide 1 of 37
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37

About This Presentation

ppt


Slide Content

MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN IKALAWANG MARKAHAN SA E.S.P. 9

• Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin , hawakan , pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay . • Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito . Kapag nilabag ang karapatang ito , magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi . ANO ANG KARAPATAN?

• Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. • Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin. KARAPATAN BILANG KAPANGYARIHANG MORAL

ANIM NA URI NG KARAPATANG HINDI MAAALIS (INALIENABLE) AYON KAY STO. TOMAS DE AQUINO (QUITO, 1989)

• Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang iba pang karapatan. • Dapat itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. 1. KARAPATAN SA BUHAY

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan , sa bahay , sa trabaho , sa pamilya , sa kultura - ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay , ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon ( Pacem in Terris ). Halimbawa nito ang karapatan ng fetus na ipanganak , kaya ipinagbabawal ang sapilitang aborsiyon . Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa kaniyang pahayag :

• Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan . 2. KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN

• May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal. • Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang humingi ang slave ng pahintulot sa kaniyang amo upang makapag-asawa. 3. KARAPATANG MAGPAKASAL

• Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib. 4. KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR

• May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. • Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan. 5. KARAPATANG SUMAMBA

• May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. • May karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang pangangailangan. 6. KARAPATANG MAGHANAPBUHAY

ILANG KARAPATANG PANG-INDIBIDWAL ANG KINILALA SA ENCYCLICAL NA "KAPAYAPAAN SA KATOTOHANAN" PACEM IN TERRIS:

1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib 2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ( pagkain , damit , tahanan , edukasyon , pagkalingang pangkalusugan , tulong sa walang trabaho , at tulong sa pagtanda ) 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon 4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya

5. Karapatan sa pagpili ng propesyon 6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan ( migrasyon ) 7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa sa mga pampublikong gawain o proyekto 8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatang ito

Saan nagsisimula ang mga karapatang pantao? Narito ang sagot ni Eleanor Roosevelt, pinuno ng pangkat na bumuo ng Deklarasyon:

Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula sa mundo ng indibidwal na tao - sa maliit na pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan niya, sa factory, sakahan, o opisina kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga lugar kung saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o bata ang pantay na katarungan, oportunidad, at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung walang kabuluhan ang mga karapatang ito sa mga lugay na iyon, walan ring kahulugan ang mga ito sa anumang bahagi ng mundo. Kung walang nagkakaisang kilos ang mga mamamayan upang itaguyod ang mga karapatang ito sa mga lugar na nabanggit, mahihirapan tayong matamasa ang kaunlaran sa buong mundo.

• Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan ) ang isang gawain . • Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa kilos- loob ng tao . • Kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti . ANO ANG TUNGKULIN?

TUNGKULIN BILANG OBLIGASYONG MORAL Dr. Manuel Dy Jr. Philosophy Professor • Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad sa tungkulin . Moral na gawain ito dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan . • Samakatuwid , ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan

TUNGKULIN SA BAWAT KARAPATAN

TUNGKULIN SA BAWAT KARAPATAN

Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae ay mamumuhay nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng mga Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human Responsibilities) noong 1997.

May 19 na artikulo ito. Narito ang unang apat na Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan: Artikulo 1. Ang bawat tao , anuman ang kasarian , lahi , estado sa lipuanan , opinyon sa mga isyung politikal , wika , edad , nasyonalidad , o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao .

Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal , kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng kapuwa . Artikulo 3. Walang tao , pangkat , organisasyon , bansa , army o pulisya ang dapat mangibabaw sa mabuti at masama ; lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral, Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay .

Artikulo 4. Lahat ang tao , gamit ang kanilang isip at konsensiya , ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa , sa mga pamilya at pamayanan , lahi , bayan , at relihiyon nang may pagkakaisa : Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo .

• Kaakibat sa karapatan ng isang tao sa kaniyang kapwa na igalang ito at obligasyon niyang tuparin ang kanyang mga tungkulin. • Mahalagang patuloy natayahin ang sarili kung napaunlad mo ang mga kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at paglilingkod sa lipunan. TANDAAN:

QUIZ TIME

GAWAIN 1

6. Ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito , hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan . Karapatan sa Buhay Karapatan sa Pribadong Pag-aari Karapatang Pumunta sa Ibang Lugar Karapatang Magpakasal

7. Ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989) mayroon _____ na uri ng karapatang hindi maaalis ( inelienable ) 7 B. 5 C. 6 D. 4

8. Nagsimula ito noong panahon ng  slavery , na kailangang humingi ang   slave  ng pahintulot sa kaniyang amo upang makapag-asawa .

Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay Karapatan sa Pribadong Ari- arian Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya Karapatang Magpakasal

9. Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan . Artikulo 2 B. Artikulo 1 Artikulo 4 D. Artikulo 3

10. Karapat dapat sa lahat ng karapatan / kalayaan ng walang pagtangi Artikulo 4 Artikulo 5 Artikulo 1 Artikulo 2

10. Karapat dapat sa lahat ng karapatan / kalayaan ng walang pagtangi Artikulo 4 Artikulo 5 Artikulo 1 Artikulo 2

__________ ito ay Kapangyarihang moral. Ang tungkulin ay….___________. Lumaki sa isang tahimik na lipunan . Makapagtapos ng pag-aaral . Panatilihing malinis ang bahay .

SAGOT 6. A 7. C 8. D 9. B 10. D 11. Karapatan Obligasyong moral Karapatan KARAPATAN Tungkulin

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!
Tags