10-HONESTY- Pagtatanghal ng isang Sanaysay

anapastrana0218 13 views 23 slides Sep 04, 2025
Slide 1
Slide 1 of 23
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23

About This Presentation

Sanaysay


Slide Content

Pagtatanghal ng Pangkat 1

ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasukat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aralat aliw ng mga mambabasa. Komposisyon itong taglay ang tatak ng panlasa at hilig, reaksyon at pagtaglay, saloobin at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan at kaalaman ng bawat may-akda. ANO ANG SANAYSAY

MGA HALIMBAWA NG SANAYSAY Akda ni gracemariedurac 14 galing sa Wattpad Sa ating mundo ipinanganak tayo na walang kamuwang-muwang ngunit may mga taong handa tayong mahalin, alagaan at ibigay ang lahat kung anong meron sila, handang magsakripisko upang tayo'y lumaki ng maayos at may takot sa dios. Ipinapakita nila kung gaano sila kasaya noong dumating tayo sa buhay nila at ipinapadama nila kung ano ang kahulugan ng pag-ibig at pamilya.

Ang aking pamilya ang aking inspirasyon Sila ang nagbigay sakin ng pagmamahal. Masayang masaya ako dahil sila ang naging aking pamilya. Ang aking tatay at ang aking nanay ang mga taong mahalaga  sakin at ang aking mga kapatid ay ang mga taong nagpapasaya sakin. Sa ating pamilya nakakaranas tao ng mga pagsubok sa buhay ngunit pag tayo ay buo hindi tayo sumusuko   dahil alam natin sa pamilya tayo humuhugot ng lakas ng loob upang malampasan ang sakit at pagsubok na ating nararamdaman .

Ipinapakita sa aking pamilya kung gaano kahalaga ang pagmamahalan sa bawat isa. Sa pamilya nagsisimula lahat ng mga gawaing mabuti at paggalang sa ibang tao. ibinibigay nila ang ating mga pangangailangan. Ang pagmamahalan ng pamilya ay isang mahalagang bagy kung saan ibinibigay natin sa bawat isa. Ang may matatag na pamilya ay isang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.

TATLONG BAHAGI O BALANGKAS AT MGA PANTULONG NA DETALYE ►PANIMULA Ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.

KATAWAN Sa bahaging ito ang sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng maigi ng mambabasa.

WAKAS Nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

PANGUNAHING PAKSA AT MGA PANTULONG NA DETALYE Pangunahing Paksa • main idea • sentro o pangunahing tema sa talatata • Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling pangungusap (konklusyon)

Mga Pantulong na Detalye • Supporting details/ information ⚫mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap

ELEMENTO NG SANAYSAY Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi .

Anyo at Istruktura- ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SALAYSAY 1. Piliin ang Tamang Paksa – Siguraduhing ang paksa ay kawili-wili at mahalaga para sa mambabasa, pati na rin ay naaayon sa layunin ng sanaysay. 2. Malinaw na Layunin – Alamin ang layunin ng iyong sanaysay, ito ba ay magbibigay impormasyon, magtuturo, o maglalahad ng iyong opinyon? Dapat itong malinaw sa bawat bahagi ng sanaysay.

3. Balangkas – Gumawa ng balangkas para magkaroon ng tamang direksyon sa daloy ng iyong sanaysay. May tatlong pangunahing bahagi ang sanaysay: • Panimula – Ihanda ang mambabasa sa iyong paksa. • Katawan – Dito ipinapaliwanag ang mga ideya o argumento. Bawat talata ay dapat may malinaw na paksa. • Wakas – Ibuod ang mga ideyang tinalakay at magbigay ng konklusyon.

4. Gumamit ng Malinaw at Tiyak na Wika – Iwasan ang masyadong komplikadong salita. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan ng iyong target na mambabasa.

Ang sanaysay mula sa Greece ay karaniwang nag-ugat sa tradisyon ng pilosopikal na pagsulat noong sinaunang panahon, partikular na sa panahon ng mga kilalang pilosopo tulad nina Socrates, Plato, at Aristotle. Ang kanilang mga sanaysay o akda ay may layuning suriin ang mga pangunahing tanong tungkol sa moralidad, politika, agham, at pamumuhay. Narito ang ilan sa mga katangian ng sinaunang sanaysay mula sa Greece: PAGLALARAWAN NG SANAYSAY NA MULA SA GREECE

1. Pilosopikal at Analitikal – Kadalasan, ang mga sanaysay ng mga Griyego ay tungkol sa malalim na pag-iisip ukol sa mga konsepto ng katarungan, katotohanan, at kalikasan ng tao. Gumagamit sila ng lohikal na argumento upang magsuri at makapagpaliwanag ng mga ideya.

2. Diyalogo – Isang mahalagang anyo ng sanaysay sa Greece ang diyalogo, kung saan ang mga tauhan sa isang akda ay nag-uusap upang talakayin ang isang pilosopikal na paksa. Ang mga akda ni Plato ay kilala sa ganitong anyo ng pagsulat.

ALEGORYA Ang alegorya ay isang uri ng kwento, tula, o sanaysay kung saan ang mga tauhan, tagpuan, at pangyayari ay may simbolikong kahulugan at ginagamit upang ipahayag ang mas malalim na mensahe o aral. Sa madaling salita, ang alegorya ay isang anyo ng pagsasalaysay na may dalawa o higit pang antas ng kahulugan: isang literal na kahulugan at isang mas malalim na, karaniwang metaporikal, kahulugan.

Mga Katangian ng Alegorya: 1. Simbolismo – Ang mga tauhan, bagay, o pangyayari sa kwento ay hindi lamang kumakatawan sa kanilang literal na anyo, kundi may mas malalim na simbolikong kahulugan. 2. Aral o Mensahe – Karaniwang may moral na aral o panlipunang komentaryo na nais iparating ang alegorya. 3. Dalawang Antas ng Pag-unawa – Maaaring basahin ang isang alegorya sa literal na antas bilang isang simpleng kwento, ngunit mayroon ding mas malalim na antas ng pag-unawa na humihingi ng interpretasyon.

Ang “Alegorya ng Yungib” ni Plato ay isang tanyag na bahagi ng kanyang akda na “The Republic.” Ginagamit ni Plato ang alegoryang ito upang ipaliwanag ang kanyang mga ideya tungkol sa kaalaman, katotohanan, at edukasyon. Ipinapakita ng alegorya kung paano lumalabas ang mga tao mula sa kamangmangan tungo sa kaliwanagan o tunay na kaalaman.

AT DITO NA NAG TATAPOS ANG AMING PAG TATANGHAL MARAMING SALAMAT PO SA PAKIKINIG!!
Tags