2 CES Grade 2 Filipino Q4 DLP-COT-LP.docx

SheilaMayLegria 244 views 41 slides Jan 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 41
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41

About This Presentation

DLP


Slide Content

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Schools District of Calinog I
CALINOG ELEMENTARY SCHOOL
LESSON PLAN IN FILIPINO II
Name of Teacher ANALYN B. LABTANG Section
Leaning Area FILIPINO Time
Grade Level IKALAWA Date
I. Layunin
Natutukoy ang mga damdaming ipinahihiwatig sa tekstong binasa
Nauunawaan na may mga salitang magksaingkahulugan at kasalungat na kahulugan
Naipaliliwanag sa sariling pananalita ang mga natutuhan sa akdang binasa
II. Paksang-Aralin
Pagtukoy sa mga damdaming ipinahihiwatig sa tekstong binasa
Pag-unawa sa mga salitang magksaing kahulugan at kasalungat na kahulugan
Pagpapaliwanag sa sariling pananalita ng mga natutuhan sa akdang binasa
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Paunang Pagtataya
Sagutan ang Subukin Natin sa LM p. 378.
B. Tukoy-alam
Ano-ano ang mga damdamin na nararamdaman ng tao lalo ng mga Bata na katulad ninyo?
C. Paglalahad
Pagganyak
oTingnan ang larawan.
oAlin sa larawan ang madalas ninyong maranasan? Bakit?
oAlin kaya sa mga sumusunod na damdamin na ipinapakita sa larawan ang
naramdaman ng mag-ama sa komik strip na ating babasahin?
Pagpapayaman ng talasalitaan
oPanginoon- Diyos
oBanggaan – aksidente
oDasal – dalangin
oNasawi – namatay
oNatutuwa – nalulungkot
oNatatakot – mahinahon
oMatalino – mangmang

D. Pagtalakay
Basahin ang komik strip sa LM p. 378-379.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 379.
E. Pagpapahalaga
Isang mabuting bagay ba ang magtiwala at magpasalamat sa Panginoon?
F. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 379.
G. Paglalahat
Ano-ano ang damdaming nararamdaman ng tao?
May mga salita ba sa Filipino na magkapareho ang kahulugan?
Paano masusukat kung naunawaaan mo ang iyong binasa?
H. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 380.
IV. Pagtataya
Hanapin sa pangungusap ang mga salitang
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.
1. (matatayog) Ang mga puno sa bundok ay matataas.
2. (nanlumo) Nanghina ang loob ng ama sa pagkamatay ng kaisa-isang anak.
3. (magiliw) Ang mga bisita ay masayang tinanggap ng mag-anak.
4. (silya) Nilinis ng mga mag-aaral ang kanilang upuan pagkatapos ng baha.
5. (maestra) Napakagaling ng aming bagong guro.
V. Kasunduan
Basahin ang akdang “Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti” na nasa LM at gawin ang mga
sumusunod:
1. Itala ang mga bagay na iyong natutuhan sa binasa.
2. Ano-ano ang mga damdamin na ipinapakita sa akda?
Inihanda ni:
ANALYN B. LABTANG
Teacher III

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Schools District of Calinog I
CALINOG ELEMENTARY SCHOOL
LESSON PLAN IN FILIPINO II
Name of Teacher ANALYN B. LABTANG Section
Leaning Area FILIPINO Time
Grade Level IKALAWA Date
I. Layunin
Nakababasa ng tekstong pang-ikalawang baitang
Naiguguhit ang mensahe/kaisipan ng tekstong binasa/napakinggan
Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap
II. Paksang-Aralin
Pagbasa ng tekstong pang-ikalawang baitang
Pagguhit ng mensahe/ kaisipan ng tekstong binasa/napakinggan
Pagtukoy sa mga salitang may maling baybay sa pangungusap
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Alam ba ninyo kung gaano kayo kabilis magbasa? Gaano karaming salita ang inyong
nababasa sa loob ng isang minute?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Nangyayari ba ito sa tunay na buhay?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Matutuhan
Naghihikahos
Pag-ibig
C. Pagtalakay
Basahin ang akda na may bilis na 60 salita sa bawat minute.
Ano-anong mga salita sa akda ang mali ang pagkakabaybay?
Ibigay ang mensahe o kaisipan ng akdang binasa.
Iguhit ang kaisipan ng akda sa isang manila paper.
D. Pagpapahalaga
Sumasang-ayon ka ba na ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama?

E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 383.
F. Paglalahat
Ano ang maaaring maging dahilan upang hindi maunawaan ang iyong mga isinulat? Bukod sa
pagsasalita at pagsusulat, ano-ano pa ang mga paraan na maaaring gawin upang maiparating
ang mensahe na nais nating sabihin?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 383.
IV. Pagtataya
Isulat nang may wastong baybay ang tinutukoy sa bawat inilalarawan.
1.sinusulatan ng guro sa harap ng klase
2. dito nag-aaral ang mga bata
3.bahagi ng bahay na ating dinudungawan
4. gamit sa bahay kung saan tayo nanonood ng mga palabas
5. lugar kung saan namimili ng mga gulay at isda
V. Kasunduan
Basahin muli nang may katamtamang bilis ang akdang “Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti”.
Inihanda ni:
ANALYN B. LABTANG
Teacher III
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Schools District of Calinog I
CALINOG ELEMENTARY SCHOOL
LESSON PLAN IN FILIPINO II
Name of Teacher ANALYN B. LABTANG Section
Leaning Area FILIPINO Time
Grade Level IKALAWA Date
I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na ng
Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaking letra sa isang salita o
pangungusap
Nakasusulat ng angkop na caption sa mga larawan
II. Paksang-Aralin
Paggamit ng wasto ng pang-ukol na ng
Pagtukoy sa kahalagahan ng paggamit ng malaking letra sa isang o pangungusap
Pagsulat ng angkop na caption sa mga larawan
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Sino-sino sa inyo ang gumagamit ng pang-ukol na ng? kailan at paano ninyo ito
ginagamit? Sino ang may alam tungkol sa paggawa ng caption?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Sa tingin ninyo, tama ba ang ipinapakita sa larawan? Bakit? Ano ang napansin ninyo sa
pamagat ng akda?
C. Pagtalakay
Paano ang wastong gamit ng pang-ukol na ng gamit ang lunsaran?
Paano ginagamit ang malaking letra sa isang salita at s apangungusap?
Mahalaga ba ang kaalaman at kasanayan sa wastong paggamit ng malaking letra? Bakit?
Paano ang wastong paraan sa pagsulat ng caption sa mga bagay at larawan?
D. Pagpapahalaga
Tingnan ang Pahalagahan Natin sa LM p. 385.
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 385-386.
F. Paglalahat

Kailan at paano ginagamit ang pang-ukol na ng?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 386.
IV. Pagtataya
Gamit ang ng, lagyan ng caption ang mga larawan.
V. Kasunduan
Bumuo ng 5 pangungusap na ginagamitan ng pang-ukol na ng.
Inihanda ni:
ANALYN B. LABTANG
Teacher III
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Schools District of Calinog I
CALINOG ELEMENTARY SCHOOL
LESSON PLAN IN FILIPINO II
Name of Teacher ANALYN B. LABTANG Section
Leaning Area FILIPINO Time
Grade Level IKALAWA Date
I. Layunin
Nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang bagay o larawan
II. Paksang-Aralin
Pagbuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang bagay o larawan
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Tingnan ang larawan ng “Bayanihan”. Bumuo ng mga pangungusap mula sa larawan.
B. Paglalahad
Pagganyak
Basahin ang parirala at payak na pangungusap.
Bakit hindi ninyo naunawaan ang ibig sabihin ng mga nakasulat? May paraan ba para ito
ay maintindihan?
C. Pagtalakay
Ano ang katangian ng payak na pangungusap?
Magbigay ng payak na pangungusap batay sa mga larawan.
D. Pagpapahalaga
Ang mabuting Bata ay kayamanan ng mga magulang. Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 388.
F. Paglalahat
Ano ang payak na pangungusap? Ano-ano ang bumubuo rito?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 388-389.
IV. Pagtataya
Gumuhit ng isang larawan na iyong nais. Sumulat ng isang payak na pangungusap
tungkol dito.

V. Kasunduan
Bumuo ng 5 payak na pangungusap. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
Inihanda ni:
ANALYN B. LABTANG
Teacher III

I. Layunin
Nakapagkaklasipika ng mga karaniwang salita sa mga konsseptuwal na kategorya
Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa kuwento
Nasasabi ang simula, gitna at wakas ng kuwentong binasa
II. Paksang-Aralin
Pagkaklasipika ng mga karaniwang salita sa mga konseptuwal na kategorya
Pagsasabi ng katangian ng mga tauhan sa kuwento
Pagtukoy sa banghay ng kuwentong binasa
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Paunang Pagtataya
Sagutan ang Subukin Natin sa LM p. 390.

B. Tukoy-alam
Ilan ang bahagi ng kuwento? Sino ang nakakaalam ng banghay ng kuwento?
C. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Ano ang masasabi ninyo sa unang dalawang larawan? Sa ikalawang larawan? Sino sa
kanila ang inyong nagustuhan at bakit?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Mula sa kuwentong babasahin i-klasipika ang mga sumusunod na salita batay sa
konseptuwal na kategorya o uri na kinabibilangan ng tao, bagay, lugar at kilos.
Guro baluga aeta usapan
Bata paaralan Janet laruan
Nanlalaitniyakap mag-aaralkapwa
Bayan hintuturotitser barangay
C. Pagtalakay
Basahin ang Basahin Natin sa LM p. 390-392.
D. Pagpapahalaga
Ano ang halagang pangkatauhan sa akdang binasa?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 393 .
F. Paglalahat
Isa-isahin ang mga bahagi ng kuwento. Ano-anong mga bahagi mayroon ang kuwento?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 393.

IV. Pagtataya
Tukuyin ang sumusunod batay sa nabasang kuwento.
V. Kasunduan
Basahin ang pabulang “Ang Palalong Loro at si Askal” at itala sa inyong kuwaderno ang
sunud-sunod na pangyayari sa nasabing pabula.
I. Layunin
Nababasa ang teksto nang may bilis na 60 wpm
Naihahambing ang mga tauhan sa kuwento
Nauunawaan ang kaibahan ng kathang-isip at hindi kathang-isip
II. Paksang-Aralin
Pagbasa ng teksto nang may bilis na 60 wpm
Paghahambing ng mga tauhan sa kuwento
Pag-unawa sa pagkakaiba ng kathang-isip at hindi kathang-isip na teksto
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Ano ang pagkakaiba ng kathang-isip at katotohanan? Sino-sino ang inyong mga
iginagalang?
Pamagat ng Kuwento:
Tagpuan:
Mga Tauhan:
Simula:
Kasukdulan:
Wakas:

B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Nangyayari ba sa totoong buhay na pag-usapan ng mga hayop ang mga tao? Bakit kaya
ginamit ng mgay-akda ang mga hayop para pag-usapan ang batang si Luningning?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Mapagkalinga
Malay
Sumaklolo
C. Pagtalakay
Basahin ang pabula sa LM p. 395-396.
Balikan ang kuwentong “Si Titser Gosoy” at ihambing sa pabula.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 396-397.
D. Pagpapahalaga
Paano ba ang paggalang sa kapwa at pagpapahalaga sa iba pang nilikha ng Diyos?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 397.
F. Paglalahat
Ano ang pabula? Ano-ano ang pagkakaiba nito sa akdang hango sa tunay na buhay? Ano
ang maibubunga ng paggalang sa kapwa?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 398.
IV. Pagtataya
Subukang gumawa ng isang pabula.
V. Kasunduan
Magdala ng isang akda na kathang-isip at isang akda na batay sa katotohanan.
Ano ang pagkakaiba ng dalawang akda?

I. Layunin
Nagagamit ng wasto ang pang-ukol na ni at nina
Nakapagpapahayag ng sariling ideya/kaisipan/ damdamin nang may wastong tono at
diin
II. Paksang-Aralin
Paggamit nang wastong pang-ukol na ni at nina
Pagpapahayag ng sariling ideya/kaisipan/damdamin nang may wastong tono at diin
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Gumagamit ba kayo ng salitang ni at nina? Kailan at paano ninyo ito ginagamit?
B. Paglalahad
Pagganyak
Basahin ang diyalogo na nakasulat sa pisara.
Ilang beses ginamit ang ni at nina sa diyalogo? Mahalaga ba ang paggamit ng ni at nina?
Bakit?
C. Pagtalakay
Muling basahin ang akdang “Titser Gosoy”.
Talakayin ang wastong paggamit ng pang-ukol na ni at nina.
D. Pagpapahalaga
Paano ninyo igagalang ang iba’t ibang klase ng tao sa ating lipunan?
Ang ibang nilalang ng Diyos tulad ng hayop?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 399.
F. Paglalahat

Kailan ginagamit ang pang-ukol na ni at nina?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 400.
IV. Pagtataya
Punan ng angkop na pang-ukol ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Maagang gumising ang mag-anak na Lopez. Agad-agad na tinungo ___ Gng. Lopez ang
kusina at ipinagluto ng agahan ang kaniyang pamilya. Samantala, si G. Lopez naman at ang tatlo
nilang anak na sina Roy, Phoebe, at Ivy ay nag-ayos ng kanilang mga pinaghigaan.
Pagkatapos, kinuha ___ Ivy at Phoebe ang walis at bunot at agad na nagsimulang
maglinis ng bahay. Pinuno naman ___ Roy ng tubig ang mga balde. Ikinatuwa ___ G. at Gng.
Lopez ang kasipagan ng mga anak.
Nang matapos ang mga gawaing bahay ay nagyaya ang mag-asawa na mamasyal sa mall.
Subalit hindi gusto ___ Ivy at Roy sa mall. Mas ibig nilang mamasyal sa tabing-ilog dahil sariwa
ang hangin dito. Pinagbigyan ____ G. at Gng. Lopez ang gusto ng dalawang anak. Ginusto na rin
___ Phoebe na sumama sa tabing-ilog.
V. Kasunduan
Bumuo ng 5 pangungusap na ginagamitan ng pang-ukol na ni at nina.
I. Layunin
Nakasusulat ng mga dinaglat/pagdadaglat ng mga salita

Nakasusulat ng isang liham pangkaibigan upang maipahayag ang sariling damdamin at
ideya
II. Paksang-Aralin
Pagsulat ng mga dinaglat/pagdadaglat ng mga salita
Pagsulat ng isang liham pangkaibigan upang maipahayag ang sarling damdamin at ideya
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Alin sa sumusunod ang dinaglat na salita? Dr., GInang, Binibini..
Ano ang tawag ninyo dito?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang halimbawa ng liham pangkaibigan.
Paano kaya ang paggawa ng liham pangkaibigan? Batid ba ninyo ang iba’t ibang bahagi
ng liham pangkaibigan?
C. Pagtalakay
Basahin ang liham pangkaibigan sa LM p. 402.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 403.
D. Pagpapahalaga
Paano maipapahayag ang pag-aalala sa mga taong mahalaga sa iyong buhay?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 403.
F. Paglalahat
Ano ang pagdadaglat? Ano ang mga dapat tandaan sa pagdadaglat? Ano-ano ang mga
bahagi ng liham pangkaibigan?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 404.
IV. Pagtataya
Sumulat ng isang liham pangkaibigan.
V. Kasunduan
Bukod sa mga salitang dinaglat, sa tulong ng inyong mga magulang ay magbigay ng 5
slaita na dinaglat.
Tapusin sa bahay ang liham pangkaibigan na ginawa at ipasa ito na nakalagay sa isang
sobre.

I. Layunin
Nauunawaan ang gamit ng salita sa pangungusap bilang pangngalan
Nakapaghahanap ng mga impormasyon sa teksto na kailangan upang matugunan ang
mga tanong
Naisasalaysay na muli ang tekstong napakinggan
II. Paksang-Aralin
Pag-unawa sa gamit ng salita sa pangungusap bilang pangngalan
Paghahanap ng mga impormasyon sa teksto na kailangan upang matugunan ang mga
tanong
Pagsasalaysay na muli ang tekstong napakinggan
Kagamitan:larawan, tsart
III. Pamamaraan
A. Paunang Pagtataya
Sagutan ang Subukin Natin sa LM p. 406.

B. Tukoy-alam
Kailan ninyo ginagamit ang kay at nina? Magbigay ng mga pangungusap na ginagamitan
ng kay at nina.
C. Paglalahad
Pagganyak
Makinig sa babanggitin kong komersyal sa telebisyon.
Ano kayang bahagi ng komersyal ang may kaugnayan sa akdang ating babasahin sa araw
na ito?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Pangangalaga
Pagpapa-aral
Paggalang
Responsibilidad
C. Pagtalakay
Basahin ang diyalogo sa LM p. 407-408.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 408.
D. Pagpapahalaga
Dapat bang igalang ang karapatan ng anak at karapatan ng mga magulang?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 409.
F. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos? Nagagamit ba ang mga salitang kilos bilang
pangngalan? Paano? Paano ang paraan ng pagbubuod?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 409.
IV. Pagtataya
Tukuyin ang mga pandiwa na ginamit bilang pangngalan sa pangungusap.
1.Ang paglalakad ay isang mabuting ehersisyo.
2.Ang pagdarasal ay isang magandang gawain.
3.Ang labis na panonood ng telebisyon ay masama sa kalusugan.
4.Ang pagpapasalamat ay dapat nating inuugali.
5.Ang paglilinis ng paligid ay nakatutulong para mawala ang mga lamok na nagdadala ng
sakit.
V. Kasunduan
Basahin ang akdang “Ang Dating Pangulong Corazon C. Aquino”, magtala ng 5 impormasyon na
iyong nalaman mula sa binasa.

I. Layunin
Natutukoy ang mga paraan ng pagbuo ng mga bagong salita
Nakikilala at nabibigyan ng kahulugan ang mga hindi pamilyar na salita
Naibibigay ang paksa sa tekstong pang-impormasyong pinakinggan
II. Paksang-Aralin
Pagtukoy sa mga paraan ng pagbuo ng mga bagong salita
Pagkilala at pagbibigay ng kahulugan ang mga hindi pamilyar na salita
Pagbibigay ng paksa sa tekstong pang-impormasyong pinakinggan
Kagamitan:larawan, tsart
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Paano ang pagbuo ng mga salita? Sino na sa inyo ang marunong tumukoy ng paksa ng isang
teksto?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan ni dating Pangulo Corazon C. Aquino.
Sino kaya siya? Ano-ano ang mga bagay na kaniyang ginawa?
C. Pagtalakay
Basahin ang teksto sa Basahin Natin sa LM p. 410-411.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 411.
D. Pagpapahalaga
Paano pahahalagahan ang isang babae na likha ng Diyos? Dapat bang igalang at kilalanin
ang kaniyang kakayahan at karapatan?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 412.
F. Paglalahat

Ano ang kahulugan ng paksa? Paano malalaman ang paksa ng isang teksto? Ibigay ang
iba’t ibang paraan ng pagbuo ng mga bagong salita.
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 413.
IV. Pagtataya
Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagbabawas o pagpapalit ng isang tunog ng
sumusunod na salita.
-bango - pakay
-bigo - salita
-gulay - suha
-luho - suhol
-luto - tula
I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na kay at kina
Nakasusulat ng pangungusap na nagsasalaysay tungo sa pagbuo ng talata

II. Paksang-Aralin
Paggamit nang wasto ang pang-ukol na kay at kina
Pagsulat ng pangungusap na nagsasalaysay tungo sa pagbuo ng talata
Kagamitan:larawan, tsart
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Alam ba ninyo kung kailan ginagamit ang slaitang kay at kina? Ano ang pagkakaiba ng
nagsasalaysay sa nagkukuwento?
B. Paglalahad
Pagganyak
Magkukuwento ang guro tungkol sa karanasang hindi malilimutan sa loob ng simbahan.
Napansin ba ninyo kung papaano ako magkuwento? Paano magkuwento ang inyong
mga kamag-aral? Nais ba ninyong matuto ng tamang paraan ng pagkukuwento?
C. Pagtalakay
Basahin ang tekstong “Karapatan ay Igalang” sa Basahin Natin sa LM.
Sagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM p. 415.
D. Pagpapahalaga
Paano natin pahahalagahan ang ating mga karapatan?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 415-416.
F. Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng pang-ukol na kay at kina. Kailan ito ginagamit? Saan at kailan ginagamit
ang pangungusap na nagsasalaysay?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 416.
IV. Pagtataya
Gamit ang kay at kina, bumuo ng isang simpleng kuwento tungkol sa mga larawan.
A B C
D E

H. Kasunduan
Isalaysay ang iyong mga ginawa sa bahay hanggang sa pagpasok sa klase sa araw na ito. Isulat
sa kuwaderno ang iyong salaysay.
Bumuo ng 5 pangungusap na ginamitan ng pang-ukol na kay at kina.
I. Layunin
Nakapagbabahagi ng mga kaugnay na pangungusap sa talambuhay na isinulat sa klase
Nakasusulat ng mga slaita na may wastong baybay
II. Paksang-Aralin
Pagbabahagi ng mga kaugnay na pangungusap sa talambuhay na isinulat sa klase
Pagsulat ng mga salita na may wastong baybay
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Sino-sino na sa inyo ang nakasulat ng kanyang talambuhay? Nakabasa na ng talambuhay
ng inyong kapamilya?

B. Paglalahad
Pagganyak
Ibahagi ng guro sa klase ang sariling talambuhay.
Gusto ba ninyong maisulat ang inyong sariling talambuhay? Ano ang kahalagahan ng
pagsusulat ng sariling talambuhay?

C. Pagtalakay
Basahin ang maikling talambuhay ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Talakayin ang paraan ng pagsulat ng sariling talambuhay. Ibahagi ito sa klase.
D. Pagpapahalaga
Ano-anong mga bagay ang dapat nating pahalagahan sa buhay? Bakit?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 418.
F. Paglalahat
Ano ang talambuhay? Paano ito ginagawa?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 419.
IV. Pagtataya
Balikan ang binuong pangungusap tungkol sa iyong sarili. Palitan ang panghalip na ko,
ako, at akin ng si, siya, at kaniya.
Halimbawa:
Ako si Maria C. Rivera.
Siya ay si Maria C. Rivera. (binago)
Ako ay pitong taong gulang.
Siya ay pitong taong gulang. (binago)
Ako ay ipinanganak noong ikasiyam ng
Agosto, 2006.
Siya ay ipinanganak noong ikasiyam ng
Agosto, 2006. (binago)
V. Kasunduan
Ituloy sa bahay ang pagsusulat ng sariling talambuhay.

I. Layunin
Nakikilala ang dalawang salita na maaaring maging tambalang salita at nagkakaroon ng
panibagong kahulugan
Nakapagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang at matapos napakinggan ang teksto
Nakapagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang pangyayari
II. Paksang-Aralin
Pagkilala sa dalawang salita na maaaring maging tambalang salita at nagkakaroon ng
panibagong kahulugan
Pagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang at matapos napakinggan ang teksto
Pagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang pangyayari
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Paunang Pagtataya
Sagutan ang Subukin Natin sa LM p. 421.

B. Tukoy-alam
Bibilangin ng guro ang mga mag-aaral na may alam, nakaranas o nagawa na ang mga
sumusunod: pangungusap na may ayon sa ; tambalang salita; paghihinuha at nagpapaliwanag
ng dahilan; at paggawa ng fiction.
C. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Sino sa dalawang babae ang inyong naibigan? Bakit? Ang pagsusuot ba nang angkop ay
mahalaga? Bakit?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Angkop
Malaswa
Modo
Bahaghari
Bato-balani
Alkalde
Ordinansa

Disente
C. Pagtalakay
Basahin ang kuwentong “Manamit nang Angkop” sa LM p.422-423.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM.
D. Pagpapahalaga
Pag-usapan ang dalawang kaisipan na makikita sa bahaging Pahalagahan Natin sa LM.
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 424-423.
F. Paglalahat
Ano ang ibig sabihin ng tambalang salita? Ano ang dapat tandaan sa pagbuo nito?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 425.
IV. Pagtataya
Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng tambalang salita sa Hanay A. Isulat ang letra ng
iyong sagot.
A B
1. kapit-tuko a. taong galing sa ibang bansa
2. bahay-kubo b. taong kalapit ang bahay
3. takip-silim c. papalubog na ang araw
4. kapitbahay d. bahay na yari sa kubo
5. balik-bayan e. mahigpit ang pagkakakapit
V. Kasunduan
Basahin ang akdang “Ang Portfolio ni Cheska”. Ano ang iyong nahinuha sa pamagat ng
akda bago ito basahin? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Ano-ano ang mga dahilan ng paggawa ni Cheska ng portfolio?
Magdala ng 10 larawan na may kaugnayan sa pagiging maka-Diyos ng mga tao o inyong
pamilya.
I. Layunin
Nakababasa ng mga pangungusap at maikling talata nang may tamang bilis, diin,
ekspresyon at intonasyon
Nakapagbibigay ng panuto sa paggawa ng isang proyekto o gawain

Nakagagawa ng portfolio ng mga drowing at mga sulatin upang magamit sa
pakikipagtalastasan
II. Paksang-Aralin
Pagbasa ng mga pangungusap at maikling talata nang may tamang bilis, diin, ekspresyon
at intonasyon
Pagbibigay ng panuto sa paggawa ng isang proyekto o gawain
Paggawa ng portfolio ng mga drowing at mga sulatin upang magamit sa
pakikipagtalastasan
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Paano ba ang tamang paraan ng pagbibigay ng panuto? Sino-sino sa inyo ang mahilig
gumawa ng proyekto? Mayroon nab a sa inyong nakaranas na gumawa ng portfolio?
B. Paglalahad
Pagganyak
Magpapaawit ng isang awit na alam ng lahat at habang umaawit ay umiikot ang
dalawang halimbawa ng portfolio. Sa pagtigil ng awit, ang dalawang Bata na may hawak
ng portfolio ay magsasalita tungkol sa portfolio.
Alin sa 2 portfolio ang naibigan ninyo? Alin kaya sa dalawa ang gagawin ng mga tauhan
sa kuwento na siya ring gagawin ninyo mamaya?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Portfolio naitampok facebook
Hulog ng langitmalikhain dekorasyon
Inspirado talaan angkan
Pagbubukdin
C. Pagtalakay
Basahin ang kuwento sa LM p. 427-428.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 429.
D. Pagpapahalaga
Kanino tayo dapat magpasalamat kapag nakagawa tayo ng bagay na mabuti at kapaki-
pakinabang?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 429.
F. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng tamang panuto? Ipaliwanag ang kahalagahan ng
paggawa ng portfolio.
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 430.

IV. Pagtataya
Gumawa ng isang portfolio sa tulong ng mga panutong sinunod ni Cheska.
V. Kasunduan
Tapusin sa bahay ang paggawa ng portfolio.
Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa ginawang portfolio.
I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na ayon sa
Napapangkat ang mga salita ayon sa kayarian nito
II. Paksang-Aralin
Paggamit nang wasto ang pang-ukol na ayon sa
Pagpapangkat ng mga salita ayon sa kayarian nito
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Paano at kailan ginagamit ang pang-ukol na ayon sa ? ano ang ibig sabihin ng payak na
salita?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang Bibliya o Koran.
Mayroon ba kayong alam na ayon sa bibliya o kaya ay ayon sa Koran? Ano-ano ang mga
ito?

Pagpapayaman ng talasalitaan
Bibliya
Koran
Gabay
C. Pagtalakay
Basahin ang teksto sa LM p. 430.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 431.
D. Pagpapahalaga
Pag-usapan sa klase ang kaisipang makikita sa Pahalagahan Natin.
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 431.
F. Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-ukol na ayon sa at ayon kay? Magbigay ng mga halimbawa.
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 432.
IV. Pagtataya
Sumulat ng 2 pangungusap na ginamitan ng pang ukol na ayon sa at pang-ukol kay.
H. Kasunduan
Sumipi ng 3 talata sa bibliya/Koran tungkol sa pag-uugali ng mga Bata.
Gamitin ang pang-ukol na ayon sa.
Salungguhitan sa siniping talata ang mga payak na salita.

I. Layunin
Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa mga
pangungusap
Nakagagamit ng angkop na salita at bantas upang maipahayag ang sariling ideya,
kaalaman, karanasan at damdamin
II. Paksang-Aralin
Paggamit ng kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa mga
pangungusap
Paggamit ng angkop na salita at bantas upang maipahayag ang sariling ideya, kaalaman,
karanasan at damdamin
Kagamitan:portfolio
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Ano-ano ang mga uri ng bantas na ating ginagamit sa pagsusulat? Kailan natin ginagamit
ang malalaking letra?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang ilang portfolio na gawa ninyo. Ano ang masasabi ninyo sa mga portfolio?
Ano-anong angkop na salita ang inyong ginamit para mailarawan ang mga portfolio?
Nagamit ba ninyo ang mga bantas at malalaking letra sa pagsasalita tungkol sa portfolio?
C. Pagtalakay
Basahin ang teksto sa Basahin Natin sa LM.
Ipaliwanag tungkol sa paraan ng paggamit ng malalaking letra.
Talakayin ang tamang gamit ng mga bantas.
Tamang paggamit ng mga angkop na salita sa pagpapahayag ng kanilang mga sarili.
D. Pagpapahalaga
Magbigay ng iba pang mga gabay na maaaring gawing batayan sa ating paniniwala,
pamumuhay at paggawa.
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 434-435.
F. Paglalahat

Kailan ginagamit ang malaking letra? Ano-ano ang uri ng mga bantas at kailan natin ito
ginagamit?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 435.
IV. Pagtataya
Sabihin kung Mali o Tama ang pagkakasulat.
1.Maria Dela Rosa
2.Pusa
3.sta. Clara
4.Naku? gumuho ang lupa!
5.Aray! Kinagat ako ng lamok.
V. Kasunduan
Iguhit sa bond paper ang isang bagay na talagang pinapangarap mo na matupad.
Ipaliwanag kung bakit mo pinapangarap ang mga bagay na iginuhit.
Magtala ng mga hakbang kung papaano mo matutupad ang iyong pinapangarap.
I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig/binasa
Nagtatanong tungkol sa mga hindi kilalang salita upang malaman ang kanilang
kahulugan
II. Paksang-Aralin
Pagsagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig/binasa
Pagtatanong tungkol sa mga hindi kilalang salita upang malaman ang kanilang kahulugan

Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A.Paunang Pagtataya
Sagutan ang Subukin Natin sa LM p. 437.

B. Tukoy-alam
Mahalaga ba ang pagtatanong? Bakit? Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa
pagtatanong? Sino-sino na sa inyo ang sanay na sumagot sa mga tanong ng guro batay sa
napakinggan at binasa?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
May mabuting maibubunga ba ang paggawa ng mabuti? Sino kaya sa tula ang gumawa
ng mabuti sa kaniyang kapwa?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Bibo
Bathala
C. Pagtalakay
Basahin ang tula nang wastong bigkas, intonasyon at ekspresyon.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p.438.
D. Pagpapahalaga
Bakit kailangan nating ayusin ang pakikitungo sa ating kapwa?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 439.
F. Paglalahat
Ano-ano ang mga dapat gawin upang masagot ang mga tanong sa binasa o
napakinggan?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 439.
IV. Pagtataya
Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
“Napakasarap ng pakiramdam kapag nakatutulong tayo sa kapwa,” ito ang masayang
sabi ni Aling Nilda.
“Tama ka riyan, mayroon nga tayong kasabihan na mas mabuti ang nagbibigay kaysa
tumatanggap,” ang masuyong sagot ng asawang si Mang Dan.

“Sana, Itay, Inay, lahat ng tao gayundin ang gagawin,” wika ni Tessa sabay yakap sa mga
magulang.
Ano ang pinag-uusapan ng pamilya?
Ano ang damdamin ng mga tauhan sa kuwento?
Ano ang pinagkakaisahan nila?
V. Kasunduan
Basahin ang tulang “Ang Ating Bathala”.
Itala ang mga salitang mahirap unawain sa tula at hanapin sa diksiyonaryo o internet ang
kahulugan ng mga ito.
Sagutin ang mga gabay na tanong sa LM.
Gumupit ng isang balita mula sa isang lumang diyaryo.
I. Layunin
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Nakapagsasalita nang may tamang ekspresyon, lakas ng boses, katamtamang bilis at
angkop na galaw ng katawan para sa mabisang pagpapahayag ng mensahe
Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap
II. Paksang-Aralin
Pag-uugnay ng binasa sa sariling karanasan
Pagsasalita nang may tamang ekspresyon, lakas ng boses, katamtamang bilis at angkop
na galaw ng katawan para sa mabisang pagpapahayag ng mensahe
Pagtukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Nasubukan nab a ninyong magsalita sa harap sa klase? Gaano kalakas ang boses ninyo
sa pagsasalita sa maraming nakikinig? Bakit kailangan tamang galaw ng katawan sa pagsasalita?
Paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap?
B. Paglalahad
Pagganyak
Ano-anong relihiyon ang alam ninyo sa binasa? Magbigay ng halimbawa.

Ano ba ang naidudulot sa isang tao kapag may kinikilalang Diyos? Ano ba ang nagagawa
ng Diyos sa tao? Sino ang iyong kinikilalang Diyos? Bakit?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Bathala
Papurihan
Nagpapala
Sukat
Tuwina
Ibandila
Biyaya
C. Pagtalakay
Pagbasa ng guro sa tula nang may tamang boses, ekspresyon, bilis at galaw ng katawan
habang matamng nakikinig ang mga Bata.
Pagbasa ng mga mag-aaral sa tula.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p. 441.
D. Pagpapahalaga
Magbigay ng iba’t ibang paraan kung papano mo pinasasalamatan ang kinikilala mong
Diyos. Gaano mo ito kadalas ginagawa?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 442.
F. Paglalahat
Paano nagsisimula ang isang pangungusap? Paano ito nagtatapos? Ibigay ang mga
paraan upang maipahayag nang maayos ang mensaheng nais iparating.
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM 442.
IV. Pagtataya
A.Suriin ang isang talata. Sabihin kung paano nagsimula at nagtapos ang mga pangungusap.
B.Isulat ang mga salitang hindi nauunawaan sa talata.
V. Kasunduan
Isaulo ang tulang tinalakay. Bigkasin ito sa klase nang may tamang lakas ng boses,
ekspresyon, tamang bilis at may angkop na galaw.

I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na para sa/para kay/kina
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Nakagagamit nang wasto ng mga print at electronic resources
II. Paksang-Aralin
Paggamit nang wasto ang pang-ukol na para sa/para kay/kina
Pagsunod nang wasto sa mga panuto
Paggamit nang wasto ng mga print at electronic resources
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Punan ng tamang parirala ang pangungusap.
“Ang pagtuturo ng guro ay ___________ sa mga kabataang pag-asa ng bayan”.
Bakit ganito ang inyong sagot?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Ano sa tingin ninyo ang kanilang ginagawa? Para kanino kaya ang kanilang ginagawa?
C. Pagtalakay
Basahin ang akdang “Eco-savers para sa Kalikasan”.
Basahin ang mga pangungusap na ginagamitan ng pang-ukol na para sa/ para kay/para
kina.
Talakayin ito.
D. Pagpapahalaga
Bakit kailangang sagipin ang mundo sa ginagawang mali ng tao?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 444-445.
F. Paglalahat

Paano ginagamit ang pang-ukol na para sa? Ano-ano ang maidudulot ng pagsunod sa
panuto? Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga elektronikong sanggunian tulad ng internet?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 445.
IV. Pagtataya
Tukuyin ang angkop na pang-ukol sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng
panaklong.
1.Bumili ako ng bulaklak (para kay, para sa) mga yumao naming kamag-anak.
2.Nagdala si Itay ng isang kilong mangga (para sa, para kay) buong pamilya.
3.(Para sa, Para kay) Roy, Justin, at May ang mga regalong ito.
4.(Para sa, Para kay) sambayanan ang ginagawa naming kabutihan.
5.Nag-aaral kaming mabuti (para kay, para sa) aming magandang kinabukasan.
V. Kasunduan
Sumipi ng 2 pangungusap sa lumang diyaryo na gumamit ng pang-ukol na para sa.
Bumuo ng 5 pangungusap na ginagamitan ng pang-ukol na para sa.
I. Layunin
Nakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatan
Nakasusulat ng mga pangungusap sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa
isa’t isa
Nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa pabalat ng aklat at larawan
II. Paksang-Aralin

Pagsunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatan
Pagsulat ng mga pangungusap sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa
isa’t isa
Pagbuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa pabalat ng aklat at larawan
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Sino-sino na sa inyo ang nakagamit na ng ating aklatan? Ano-ano ang mga dapat
tandaan kapag nasa loob tayo ng silid-aralan?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Nais ba ninyong pumunta tayo sa silid-aralan at doon tayo magklase?
C. Pagtalakay
Basahin ang “Mga tuntunin sa paggamit ng Silid-Aklatan” sa LM p. 447.
Sagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM p. 447.
D. Pagpapahalaga
Anong kahalagahan ng katahimikan sa silid-aklatan?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 448.
F. Paglalahat
Ano ba ang silid-aklatan? Paano ito nakakatulong sa mga guro at mga mag-aaral? Ano-
ano ang mga tuntunin na dapat sundin sa paggamit ng silid-aralan?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 448.
IV. Pagtataya
Bumuo ng dalawang payak na pangungusap sa bawat larawan.
1. 2.
B. Kumuha ng isang aklat. Tukuyin ang nilalaman nito batay sa pabalat.
1

V. Kasunduan
Magdikit sa kuwaderno ng iyong lumang litrato.
Bumuo ng 5 payak na pangungusap batay sa iyong lumang litrato.
I. Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong binasa batay sa simula, gitna at
wakas
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento
II. Paksang-Aralin
Pagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong binasa batay sa simula, gitna at
wakas
Pagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Paunang Pagtataya
Sagutan ang Subukin Natin sa LM p. 450.
B. Tukoy-alam
Ikukuwento ng guro ang limang pangyayari na kaniyang ginawa simula sa kaniyang
paggising hanggang makapasok sa paaralan. Isusulat ito sa pisara ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.

Bakit kaya siya malungkot?
Pagpapayaman ng talasalitaan
Hipon
Apo
Lansangan
Jologs
Epal
Buraot
C. Pagtalakay
Talakayin ang ibig sabihin ang pamagat ng akda.
Making sa babasahin kong kuwento.
Sagutin ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM p. 452-453.
D. Pagpapahalaga
“Iwasang mabagabag. Laging magtiwala at magpasalamat sa Diyos na dakila”.
Pag-usapan ito sa klase.
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 454.
F. Paglalahat
Ano ang ibig sabihin kapag napagsunod-sunod natin nang tama ang mga pangyayari sa
kuwentong binasa? Ano ang naitutulong kapag nahasa natin ang kasanayan sa pagbibigay ng
sariling wakas sa binasa?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 454.
IV. Pagtataya
Lagyan ang bawat pangungusap ng kung simula, kung gitna , at kung
wakas ng kuwentong binasa.
1.Sinalubong ng magkapatid ang mga
magulang.
2.Nagdasal sina Sophie at Kule.
3.Biglang nalungkot si Sophie.
4.Natutuwa si Sophie habang nakadungaw sa bintana.
5.Pinaalalahanan ni Kule ang kapatid.
V. Kasunduan
Basahin ang kuwento at ibuod ito sa paraang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
akda.
Bumuo ng sariling wakas sa binasang kuwento.

I. Layunin
Nauunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng pormalidad
II. Paksang-Aralin
Pag-unawa sa iba’t ibang antas ng pormalidad ng wika
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Alin sa mga salita sa kuwento ang masasabi nating pormal at hindi pormal? Bakit?
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Ganito rin ba nag iyong mga magulang? Bakit? May kapatid ka ba? Ganito rin ba kayo
kasaya? Bakit?
C. Pagtalakay
Ipabasa sa mga mag-aaral ang akda nang may bilis na 60 salita sa bawat minuto.
Sagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM p. 456.
D. Pagpapahalaga
“Ang pamilyang maka-Diyos at nagkakaisa, malayo sa tukso at disgrasya”. Naniniwala ba
kayo dito?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 456-457.
F. Paglalahat
Ilan ang kaantasan ng wika? Ano-ano ang katangian ng mga ito?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 457.
IV. Pagtataya
Isulat ang P kung ang salita ay pambansa at BL kung ito ay balbal.
_____ 1. haligi ng tahanan _____ 11. ina
_____ 2. datung _____ 12. Apo
_____ 3. tsakarote _____ 13. sasakyan
_____ 4. bana _____14. kubyertos

_____ 5. dalasang _____15. karaniwan
_____ 6. tsikot _____16. jologs
_____ 7. pulis _____17. panulat
_____ 8. bolpen _____18. kuwarta
_____ 9. silid _____19. jejemon
_____ 10. bulad _____ 20. daing
V. Kasunduan
Magtala ng tig-5 salitang balbal, karaniwan, panlalawigan at pambansa. Isulat sa
kuwaderno ang takda.
I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na ng
II. Paksang-Aralin
Paggamit nang wasto sa pang-angkop na ng
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam

Basahin ang mga pangungusap.
1. Umiyak ang batang iyakin.
2. Kumikinang ang gintong plato.
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Alin sa mga sumusunod ang gusto mong kainin at bakit?
C. Pagtalakay
Basahin ang teksto sa LM p. 458-459.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM p.459 .
D. Pagpapahalaga
Magbigay ng iba’t ibang paraan kung paano mo maipapakita ang pag-aalala sa mga
magulang.
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 459-460.
F. Paglalahat
Kailan at paano ginagamit ang pang-angkop na ng?
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 461.
IV. Pagtataya
Gumawa ng mga pangungusap tungkol sa larawan. Huwag kalimutang gamitin ang
pang-angkop na natutuhan.
V. Kasunduan
Bumuo ng 5 pangungusap na ginagamitan ng pang-angkop na ng.

I. Layunin
Natutukoy ang kahalagahan ng kasanayan sa pagbuo ng mga payak na pangungusap
batay sa napakinggang kuwento
II. Paksang-Aralin
Pagtukoy ng kahalagahan ng kasanayan sa pagbuo ng mga payak na pangungusap batay
sa napakinggang kuwento
Kagamitan:larawan
III. Pamamaraan
A. Tukoy-alam
Magbigay ng tig-isang halimbawa ng payak na pangungusap. Isulat ito sa papel.
B. Paglalahad
Pagganyak
Tingnan ang larawan.
Ano kaya ang nangyari sa kanya? May mga karanasan ba kayo na katulad nito?
Magbahagi ng karanasan.
C. Pagtalakay
Basahin ang kwento sa LM, p. 462-463.
Sagutan ang Sagutin Natin sa LM, p. 463.
Ano ang katangian ng payak na pangungusap?
Magbigay ng payak na pangungusap.
D. Pagpapahalaga

Ginagawa ba ninyo ang magpasalamat sa Diyos bago at matapos kumain?
E. Gawaing Pagpapayaman
Sagutan ang Gawin Natin sa LM p. 464.
F. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng kasanayan sa pagbuo ng mga payak na pangungusap?
Ipaliwanag ito.
G. Paglalapat
Sagutan ang Sanayin Natin sa LM p. 464.
IV. Pagtataya
Bumuo ng tatlong payak na pangungusap tungkol sa larawan .
V. Kasunduan
Gumupit ng 2 larawann ng mga pagkain mula sa mga lumanng magasin. Idikit sa kuwaderno ang
mga ito at sumulat ng 3 payak na pangungusap sa bawat larawan.
Tags