MELC BASED LAYUNIN Naipaliliwanag ang kalagayan , suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa
Bago mo umpisahan ang araling ito balikan muna ang iyong natutuhan tungkol sa dimensiyon ng globalisasyon . 1. Ano ang globalisasyon ? 2. Ano-ano ang malaking ambag nito sa ating ekonomiya ? 3. Paano ito nagsimula ? Balikan DEPED HERO
Suriin ang susunod na ipapakitang larawan
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng ipinakikita sa larawan na iyon g nakita ? Ano ang iyong nararamdaman tungkol dito . Pamprosesong Tanong DEPED HERO
KONSEPTO NG UNEMPLOYMENT
Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliran ng kinakaharap ng anumang bansa .
Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na walang trabaho sa kabuuan ng lakas-paggawa UNEMPLOYMENT RATE
Ano kayang ang posibleng dahilan ng kawalan ng trabaho ng tao ?
Ang edad 15 hanggang 24 taon ang ay naghahahanap ng trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o credentials. Edad
Ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakabawas sa pagiging produktibo . Dahil ayon sa pamahalaan , kung mas kaunti ang populasyon , mas kaunti ang kailangang trabaho . Paglaki ng Populasyon
Sa kabilang dako may nagsasabi na ang isa sa mga pinakadahilan ng unemployment ay ang pamahalaan dahil sa walang komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho para sa mga mamamayan . Pamahalaan
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod : ANG GLOBALISASYON AT PAGGAWA
01 demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard;
02 mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan;
03 binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa; at
04 dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
Kalagayan ng mga Manggagawa sa Ibat-ibang Sektor
SEKTOR NG AGRIKULTURA Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa .
Sektor ng Industriya Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga dayuhang kompanya ang sektor ng industriya bunsod ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal .
Sektor ng Serbisyo Saklaw ng sektor na ito ang sektor ng pananalapi , komersiyo , insurance , kalakalang pakyawan at pagtitingi , transportasyon , pag-iimbak , komunikasyon , libangan , medikal , turismo, (BPO), at edukasyon .
ISKEMANG SUBCONTRACTING
LABOR-ONLY CONTRACTING ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya
LABOR-ONLY CONTRACTING Walang sapat na kapital o kagamitan ang contractor. Ang principal mismo ang may kontrol sa trabaho ng manggagawa. Ang contractor ay nagsisilbi lamang na recruiter o supplier ng tao. Itinuturing na empleyado ng principal ang mga manggagawa.
LABOR-ONLY CONTRACTING halimbawa Isang pabrika ng damit ang kumuha ng "contractor" na ang dala lang ay mga tao (walang makina o puhunan). Ang mga manggagawa ay nagtatrabaho sa loob mismo ng pabrika gamit ang makina ng principal. Ang manager ng pabrika ang nag-uutos at nagbabantay ng kanilang trabaho. Dito, labor-only contracting ang nangyayari, kaya’t empleyado ng pabrika ang mga manggagawa, hindi ng contractor.
JOB-CONTRACTING ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya . Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho .
Job Contracting (Legitimate Contracting) May sapat na capital o equipment ang contractor. Siya ang may kontrol kung paano gagawin ang trabaho, basta’t matapos sa oras at ayon sa napagkasunduan. May malinaw na employer–employee relationship sa pagitan ng contractor at ng mga manggagawa. Hindi direktang empleyado ng principal ang mga manggagawa.
Job Contracting (Legitimate Contracting) halimbawa Ang isang mall ay nag-hire ng security agency para magbigay ng security guards. Ang security agency ang employer ng mga guwardiya (sila ang nagbabayad ng sahod, benefits, SSS, atbp.). May sarili silang kagamitan (uniform, communication device, firearms).
UNEMPLOYMENT UNDEREMPLOYMENT
Mura at Flexible Labor Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa .
KONTRAKTUWALISASYON KONTRAKTUWALISASYON Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga manggagawang kontraktuwal / kaswal .
KONTRAKTUWALISASYON KONTRAKTUWALISASYON Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga manggagawang regular.
KONTRAKTUWALISASYON KONTRAKTUWALISASYON Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa.
MGA TUGON SA HAMON SA PAGGAWA
Upang matugunan ang mga isyu at suliranin sa paggawa , ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paggawa ay nagpatupad ng mga batas at polisiya na makatutulong na maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggawa sa ating bansa .
Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code Ang batas na ito ay nagtatakda ng mga alituntunin na naglalayong ingatan ang mga mangagawa at mabigyan ng batayan ang mga karapatang pang manggagawa sa Pilipinas .
Department Order 18-A ng DOLE Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata . Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata , pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal ( partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka -regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa .
Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18-02, Naging malaking usapin ito kaya’t binalasa ang probisyon ng Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18-02, isinasaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa ; o kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa unyon gaya ng pagbabawas ng kasapi , pagpapahina ng bargaining leverage o pagkahati ng bargaining unit
Gumawa ng poster ukol sa paglutas sa suliraning kawalan ng trabaho. paano niya ito ilalarawan upang maiwasan ang suliraning ito kapag siya ay makatapos na sa pag-aaral. (Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang batayan ng markahan sa Gawain) Isagawa DEPED HERO
Pamantayan Lubos na mahusay (4) Mahusa-husay (3) Hindi gaanong mahusay (2) Kailangan pa ng ibayong pagsasanay (1) Makatotohanan Makatotohanan ang pahayag Hindi gaanong Makatotohanan ang pahayag May mga bahagi na hindi makatotohanan sa pahayag Hindi kapanipaniwala ang pahayag Makabuluhan Makabuluhan ang mensahe Makabuluhan ang karamihan sa mensahe Hindi gaanong makabuluhan ang mensahe Hindi makabuluhan ang mensahe Malinaw Lubhang malinaw at nauunawaan ang paglalalhad ng gawain Malinaw at nauunawaan ang pagkakalahad ng gawain Hindi gaanong Malinaw at nauunawaan ang pagkakalahad ng gawain Malabo at hindi nauunawaan ang pagkakalahad ng gawain Wasto ang datos Wasto ang mga datos May ilang mali sa mga datos Malabo ang mga ibinigay na mga datos Mali ang ginawang datos Malikhain Malikhain at masining ang paglalahad May pagkamalikhain at masining ang paglalahad May kakulangan sa pagiging malikhain at masining ang paglalahad Malaki ang kakulangan sa pagiging malikhain at masining ang paglalahad RUBRIKS
Pagtataya Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangugusap at M kung mali ang isinasaad ng pangungusap . ________1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang hamon ng globalisasyon tulad ng mataas na pasahod , kawalang seguridad sa pinapasukang kompanya at job mismatch. _______ 2. Dahil sa pag-usbong ng globalisasyon , nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon . DEPED HERO
________3. Ang pagdating at paglakas ng dayuhang mamumuhunan sa ating bansa ay nakatutulong sa paglago ng ating ekonomiya . ________4. Dahil sa globalisasyon , ang karamihan sa mga pandaigdigang trabaho sa ekonomiya ay walang katiyakan at pansamantala . Pagtataya
Sa mga nabanggit na suliranin sa paggawa lalung – lalo na sa kawalan ng Trabaho. Bilang mag-aaral ano ang inyong gagawin upang hindi maranasan ang mga suliranin? Gumawa ng inyong sariling repleksyon ukol e to Paglalahat
Gumawa ng islogan ukol sa pangyayayari sa globalisasyong politikal, ng ugnayan ng mga bansa maging ito ay bilateral, multilateral at diplomatiko. (Ang guro ay gagawa ng rubrics para pamantayan sa markahan) Takdang Aralin