2-KULTURA (1).pptx report tungkol sa kultura

StevenLabrador2 1 views 14 slides Sep 13, 2025
Slide 1
Slide 1 of 14
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14

About This Presentation

kultura ppt


Slide Content

KULTURA

Andersen at Taylor (2007) isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan .

Panopio (2007) ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao , ang batayan ng kilos at gawi , at ang kabuuang gawain ng tao .

Mooney (2011) tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan .

2 Uri ng KULTURA Materyal Hindi Materyal Binubuo ito ng mga gusali , likhang-sining , kagamitan , at iba pang bagay na nakikita at nahahawakanat gawa o nilikha ng tao . ( Panopio , 2007) Angmga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan . Kabilang dito ang batas , gawi , ideya , paniniwala , at normsng isang grupo ng tao . Hindi tulad ng materyal na kultura , hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaringmakita o maobserbahan . Ito ay bahagi ng pang- araw - araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan .(Mooney, 2011)

Mga Elemento ng Kultura Paniniwala (Beliefs) Pagpapahalaga (Values) Norms Simbolo

PANINIWALA (BELIEFS) Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo . Batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan . Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat ng tao .

PAGPAPAHALAGA (VALUES) hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan . batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi . Batayan ito kung ano ang tama at mali , maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011).

NORMS Tumutukoy ito sa mga asal , kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan . Nagsisilbing batayan ng mga ugali , aksyon , at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan .

2 URI NG NORMS FOLKWAYS- pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan . MORES- tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos . - Ang paglabag ditoay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011).

SIMBOLO (SYMBOLS) Kung walang simbolo , walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan . Ang mga halimbawa nito ay wika , mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan .

Gawain 4: Modified True or False PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap ; kung ito ay mali , itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag . Isulat ang iyong sagot sa patlang . __________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan .

__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal , kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan . __________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap - tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan .

__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang kaparusahan o sanctions. __________5. Ang kultura aynaglalarawan sa isang lipunan .
Tags