Introduksyon Tulad ng anumang gawain , ang pananaliksik ay isang malaki at mabigat na responsibilidad.May mga katangian , pagpapahalaga at konsiderasyong dapat malaman at mabigyang halaga ng mananaliksik
Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik 1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa aklatan , upisina , institusyon , tao , media, komunidad at maging sa Internet 2. Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin at nag- iisip ng sariling paraan para makuha ang mga ito
3. Sistematiko sa paghahanap ng materyales , sa pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng mga gawain tungo sa pagbubuo ng pananaliksik . 4. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng panig ay sinisiyasat ; at sa pagbibigay ng mga konklusyon , interpretasyon , komento at rekomendasyon
Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y napatunayan ng mga ebidensya Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay napapatunayan sa motibo , awtoridad , at realidad ( pagiging totoo ) ng datos . Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang hahanapin ang lahat ng datos ukol sa paksa kahit na may makitang negatibong epekto sa ginagawang pananaliksik ; Ang mga konklusyon , interpretasyon , puna at rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o ibibigay kung hindi mo pa nabibistay , natitimbang , at nasusuri ang mga argumento at mga batayang datos
5. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa. 6. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon , konklusyon , at rekomendasyon sa paksa . 7. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aaralan mo ; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago / iniiwasan / ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa kinunan ; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik .
8.Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos , sa mga tao / institusyong pinakunan mo ng mga ito , at sa pagsisigurong maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik Kilalanin mo ang ginamit mong ideya . Anumang hindi iyo ay ipaalam mong hindi iyo sa pamamagitan ng mga tala at bibiliograpiya . 2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso . 3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon , lalo na kung negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong iniinterbyu .
4 . Huwag kang mag- shortcut . 5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa pananaliksik.
Plagiarism at ang Responsibilidad ng Mananaliksik Ang pangongopya ay pandaraya at di- katanggap - tanggap sa pananaliksik . Maaari din itong humantong sa mga problemang lega . Iwasan ito para huwag mapasok sa gulo at gusot Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng ibang nang walang pagkilala .
Narito ang ibang anyo o uri ng plagiarism: Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor . Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
Ang Panghihiram ng mga Salita Mga Tuntunin sa Panghihiram 1. Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga . HAL. Hiram na Salita Filipino Attitude Saloobin
b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa . Halimbawa: Hiram na Salita Katutubong Wika Hegemony Gahum (Cebuano) c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol , Ingles at iba pang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino . Halimbawa: Ingles Filipino Centripetal Sentripetal
2. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon a. Pantanging ngalan Hal. Quirino b. Salitang teknikal o siyentipiko hal . Cortex x-ray
c. Salitang may natatanging kahulugan Hal. Senora-ale d. Salitang may natatanging kahulugang kultural Cañao (Ifugao) – pagdiriwang Senora (Espanyol) – ale e. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog . Halimbawa : Bouquet
e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit Halimbawa : Taxi 3. Gamitin ang mga letrang F. J, V. Z para katawanin ang mga tunog , /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binabaybay sa Filipino ang mga salitang hiram . Halimbawa : Fixer fikser Subject sabjek
4 Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo . Halimbawa : Cornice Xenophobia Hinango ito sa 2001 revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamumuno ni Dr. Rosario E. Maminta .