2 MAKABANSA-Ang kultura at sariling pagkakakilanlan ng komunidad.pptx
JosephTaguinod1
0 views
20 slides
Oct 09, 2025
Slide 1 of 20
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
About This Presentation
jjkjo
Size: 578.93 KB
Language: none
Added: Oct 09, 2025
Slides: 20 pages
Slide Content
Ang kultura at sariling pagkakakilanlan ng komunidad
Ano ang mga bagay na nakikita Ninyo sa inyong paligid na likha o gawa ng tao ? Ano ang mga kaugalian o gawi sa inyong bahay o barangay na naiiba sa iba ?
Kultura “ Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng isang komunidad o grupo ng tao , na ipinapakita sa kanilang kaugalian , paniniwala , sining , pagkain , kasuotan , at iba pa.”
Ang bansa ay mayroong pinaghalong tradisyon , paniniwala , pananampalataya , wika , pagkain , at marami pang iba . Ito ay nagmula pa sa ating mga ninuno , mga dayuhang dumating at sumakop sa bansa . Gayundin naman sa ibang dako , mayroong ding natutunghayang mga tradisyon , paniniwala , mga awit , kagamitan , pagdiriwang , at sining . Ang lahat ng mga ito ang bumubuo sa tinatawag na kultura o ang paraan ng pamumuhay ng isang komunidad o pangkat ng tao .
Kultura Paraan ng pamumuhay ng tao . Kabilang dito ang kanilang paniniwala , tradisyon , wika , sining , at kaugalian . Halimbawa ng Kultura : Wika- Filipino, Cebuano, Ilocano Pagkain - adobo, lechon Sayaw at Sining - tinikling,harana Paniniwala at Tradisoyn - pista , bayanihan, pagmamano
Aspeto ng Kultura Materyal na Kultura Tumutukoy sa mga pisikal na bagay na nilikha o gawa ng tao . Ito ay nakikita at nahahawakan .
Aspeto ng Kultura Materyal na Kultura Halimbawa : Arkitektura Kasuotan Pagkain Kagamitan at kasangkapan Sining (visual)
Arkitektura Isang sining ng pagpaplano , pagdidisenyo , at pagpapatayo ng bahay , gusali , at iba pang pisikal na estruktura . Nagpapakita na ng impluwensiya ng kaunlaranin at modernisasyon . Ang bahay kubo na yari sa pawid ay napalitan ng malaking bahay na yari sa bato . Makikita rin ang naglalakihang sports complex, museo , mall, coliseum, at mga parke na kumakatawan sa malawak at makabagong pamumuhay ng mga tao .
Kasangkapan o mga Kagamitan Sa mga tahanan ng mga tagalungsod , makikita ang mga makabagong kagamitan . Ang mga lutuang de- uling o panggatong na kahoy ay halos wala nang gumagamit at tila limot na. Napalitan na ito ng mga lutuang de- koryente , gas stove, at induction cooker. Makikita ang mga bread toaster, gas range, blender, at iba-ibang makabagong kagamitan .
Makikita rin ng magagandang sala set na gawa sa malalambot na material kung kaya’t masarap upuan . Dahil sa maunlad na rin ang Sistema ng komunikasyon , makabago na rin ang gingamit na mga paraan ng telekomunikasyon at pagpapalaganap ng impormasyon . Ang lumang telepono ay napalitan na ng mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, tablet at marami pang iba .
Mga Kasuotan Ang kinagisnang baro at saya ng kababaihan at ang kangan at maluluwag na pang- ibaba ng kalalakihan ay naglaho na rin . Ginagamit ang mga ito kapag itinatanghal ang mga katutubong sayaw sa mga programa o pagdiriwang . Gayunpaman , bagama’t naimpluwensiyahan na ang mga komunidad ng maraming pagbabago , isinusuot parin ang mga katutubong kasuotan , barong- tagalog , at mga Filipiniana sa mga piling pagtitipon .
Mga Pagkain Bawat komunidad sa bansa ay may kanya- kanyang natatanging pagkain na naging bahagi na ng kanilang mayamang kultura . May mga lugar na mas kilala sa kare-kare , buro , at sisig tulad ng Pampanga. Ang dinengdeng , chicharon , at longganisa ay mayroon sa rehiyong Ilocos . Ang kinilaw, laswa , pancit molo, kansi , manok na binnakol ay kilala naman sa mga rehiyong Visayas.
Mga Pagkain Sa rehiyon naman ng Mindanao ay sikat na sikat ang tinagtag , pastil, pritong Pijanga , bibingka, dodol , at marami pang iba . May mga komunidad na mas kinikilala sa pagluluto dahil sa kakaibang lasa ng pagkain kaya hindi maiiwasan na ito ay dayuhin .
Agham Mabili na pagbabago sa mga impraestruktura . Ang mga pisikal , estruktura , at pasilidad na kinakailangan upang maisagawa ang mga gawaing panlipunan ng bansa . Patuloy ang pagpapaunlad ng mga naval base at pagpapatayo ng mga sonang pang- ekonomiya na mayroong sapat at kompletong pasilidad sa koryente , tubig , at teknolohiya . Patuloy ang pagpapaunlad ng Paliparan.
Aspeto ng Kultura 2. Di- Materyal na Kultura Tumutukoy sa mga hindi pisikal na bagay na nilikha o gawa ng tao . Ito ay hindi nakikita at nahahawakan .
Aspeto ng Kultura 2. Di- Materyal na Kultura Halimbawa : Paniniwala at pagdiriwang Kaugalian at tradisyon Wika at diyalekto Sining ( ekspresyon ) Edukasyon
Sining Ang pagiging masining at malikhain ng mga Pilipino ay mababanaag sa ilang aspeto ng kulturang Pillipino . Ganoon din sa likhang kamay (handicraft) na produkto tulad ng sombrero, parol , bag, tsinelas , at iba pa na tunay na matitibay at makukulay . Naipapakita ng mga Pilipino sa ibang komunidad ang kanilang sining sa iba’t ibang larang tulad ng paggawa ng mga dekorasyon , bintana , at muwebles gamit ang Capiz shells; makukulay at masasayang pagdiriwang tulad ng Ati- atihan , Dinagyang , Masscara ; pinta na mga obra ni Fernando Amorsolo tulad ng Rice planting 1922; at eskultura na gawa ni Guilermo Tolentino tulad ng monumento ni Bonifacio, at iba pa.